GRAE'S P.O.V.
"Dude", tawag sakin ni Spade
"Oh? What brings you here?", tanong ko
Sunod-sunod silang pumasok nila Stroam at Third. Pati na rin yung mga babae.
"Sobrang busy mo naman dre. Hirap makisingit sa schedule ah", natatawang sabi ni Third
Umiling na lang ako at sinara ang binabasa kong libro.
"Mga sira. I just really want to take it serious right now. Gusto kong pumasa sa board exam", sabi ko
Ilang taon na ba ang lumipas? Simula nung bakasyon na yon. Ilang taon na ang lumipas, pero hanggang ngayon wala pa ding nagbago. Siya pa rin yung mahal ko.
"Grae, about Andy", sabi ni Cheo
"Ano?", tanong ko
Matagal na rin simula nung umalis siya. Tinanggap ko. Pinabayaan ko siya. Binigay ko yung space na hinihingi niya.
"She's coming back", sabi ni Agatha
"That's good", nakangiti kong sabi
"Yan lang ang reaction mo?", seryosong sabi ni Makspeyn
"Anong gusto mo? Magtatalon ako? Pumalakpak? Ngumiti ng malawak? Maging masaya?", sunod sunod kong tanong
"Grae. Andy just did that because she wanted space. She wanted to freshen up her mind", sabi ni Kyara
Ngumiti ako ng mapakla. Hanggang ngayon, yun pa din ang sinasabi nilang dahilan niya. Sapat na dahilan ba yon para iwanan akong mag-isa? Ni hindi ko alam, kung lumalaban pa ba siya, o tuluyan na niya kong sinukuan at kinalimutan.
"Space? Freshen up her mind? Ganito katagal Kyara? Ilang taon? Ilang taon na walang balita. Ilang taon na walang pag uusap. Ilang taon simula nung hiningi niya sakin ang kalayaan niya. And now, she's coming back, what do you want me to do? Plan a suprise party for her? Woah. That's sweet", sabi ko
Aaminin kong mahal na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon, pero nasasaktan rin naman ako. Sobrang nasaktan ako.
"Grae, you still love her right?", tanong ni Stroam
"I do. I love her so much. But it doesn't change the fact that I am hurt. I am hurt so bad", sagot ko
Kahit sinong tao, ang nasa posisyon ko, paniguradong masasaktan din sila. Hindi galit, pero nasasaktan.
"Grae, it's been years. Hindi mo pa ba siya napapatawad?", sabi ni Agatha
"Bakit ko siya papatawarin? Hindi naman niya kasalanan na mas pinili niyang umalis at iwan ako. It was my fault", sabi ko
Kasalanan ko rin naman. Kung hindi ako naging gago, hindi ko siya masasaktan. Kung hindi ko siya nasaktan, hindi niya maiisipan ang magpakalayo-layo.
"Grae, do you remember what she wrote on that fcking last letter before?", tanong ni Third
"I still have her letter", sagot ko
"We'll leave. Bahala ka sa buhay mo", sabi ni Makspeyn
Saka na siya naunang lumabas ng condo ko. Tumingin muna sakin yung tatlo bago sila sumunod kay Makspeyn.
"Dude, she'll be back. Ikaw na bahala kung ano ang gagawin mo", sabi ni Stroam
"It's either you win her back, or let her go again", sabi naman ni Spade
"Dude, read her letter over and over again. Hanggang sa maintindihan mo kung ano ba talaga ang gusto niyang iparating sayo", sabi ni Third
BINABASA MO ANG
Chasing You (EDITING)
Storie d'amoreGrae del Fiego has always been Andrea Chevrolet Vergara's solitary love interest through much of her existence. Even after he consistently tried to push her away, she persisted to genuinely love him. Andrea made a pact with herself that she'd never...