Chapter 51

1.5K 25 2
                                    

GRAE'S P.O.V.

Hindi ko alam kung anong nangyayari. Wala akong kaalam-alam sa nangyayari.

Paanong nabaril ng ganon sina Alyssa at Cheo? Paanong nag-aagaw buhay ang ibang kaibigan ni Andrea. Hindi ko alam.

"Grae, you're here"

Napatingin ako kay Alyssa at gising na pala siya. Nakangiti pa siya habang nakatingin sakin.

Lumapit ako at umupo sa upuan sa tabi ng bed niya.

"Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Okay ka na ba?", nag-aalalang tanong ko

Ngumiti siya sakin at tumango. How can I hurt this girl?

"Ano bang nangyari? Naguguluhan ako", seryosong sabi ko sa kanya

Nawala ang ngiti sa mukha niya at sumeryoso siya.

"Hindi mo alam?", nagtatakang tanong niya

"Ano ba ang dapat kong malaman?", pabalik na tanong ko

Ano bang 'di ko alam? Ano bang alam nila na hindi nakarating sakin? At mukhang ako lang yata ang walang alam. Ako lang yata ang nahuli sa balita.

"Andrea's part of a gang, her family actually. Ang Mommy at Daddy niya ang pinakamataas sa lahat. Si Andrea, ang tagapagmana ng trono. Siya ang pangalawang anak, pero siya ang nakamana ng katangian ng mga magulang niya pagdating sa labanan. Nung una, we thought it's ate Gail, since siya ang panganay. Pero dahil sa sinabi ng manghuhula, nagbago lahat. Si Andrea pala talaga ang tagapagmana ng trono at hindi si ate Gail. Pano nila nalaman? Yung kulay ng mata niya. Nagbabago ang kulay ng mata niya kapag nagpapalit palit siya ng emosyon", sabi ni Alyssa

What the. Gang!? Kelan pa siya nasangkot sa isang gang? Put*ng*n*. Anong klaseng gang? At paanong nagpapalit-palit siya ng kulay ng mata? Kaya ba siya naka-shades? Kasi paiba-iba ang kulay ng mga mata niya?

"Yung principal sa school, naghiganti. Yung kapatid niyang si Cronus, napatay ni Ares. Pero hindi sadya. Naalala mo nung na-hospital si Andrea? Nabaril siya non. Niligtas niya si ate Gail. Dapat si ate Gail ang mababaril ni Cronus pero hinarang ni Andrea kaya tinamaan siya sa likod. Tapos babarilin sana ulit siya ni Cronus, pero nabaril ni Ares si Cronus, deretso sa puso. Naghiganti sakin si Principal. Yung anak ni Cronus, bale pamangkin niya, namatay dahil akin. Sabay nanganak ang mommy ko at asawa ni Cronus. Ako ang inuna nung doctor kaya naman nung lumabas na ang anak ni Cronus, patay na", dagdag pa niya

What the fck. Hindi ako makapaniwalang ganito ang nangyayari. Hindi ko inaasahan 'to.

"Sina Ares, Venus, Hestia, Demeter, Aether, Helios, Hephaistos, Artemis, Caerus at Aeolus, ay tauhan ni Andrea. Sila ang nagbabantay satin. Dahil yun ang utos ni Andrea. Sina Venus at Ares naman ang inatasan ng Daddy ni Andrea para bantayan si Andrea. Kaya, palagi silang magkakasama", pagpapaliwanag pa niya

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon