Chapter 46

1.5K 22 4
                                    

ANDREA'S P.O.V.

Ngayon ang mascarade ball at sisiguraduhin kong dito na magtatapos ang lahat. Lintik na kamatayan 'yan, hinahabol na ko.

"Huwag mong wawalain sa paningin mo ang barkada ate Maks. Please", sabi ko

"Masusunod", sagot ni ate Makspeyn at yumuko sakin

Hindi na ko sumagot. Ang awkward lang kasi. Kaibigan ko siya, pero nagmukha pa siyang tauhan ko dahil sa mas nakakataas ako.

"Good evening ladies and gentleman. Welcome to the junior's mascarade ball. Enjoy the night", sabi ni Principal

Bigla namang naghiyawan ang mga estudyante at nagpatugtog ang DJ.

"Sayaw tayo", yaya sakin ni Ares

"Alam mong may mission tayo", seryosong sabi ko sakanya saka ko iginala ang tingin ko at hinanap ang principal

Nakita ko namang may kausap siyang teachers sa gilid at nagtatawanan sila.

Wala naman siyang kahina-hinalang kinikilos mula kanina. Pero hindi sapat 'yon, para makampante ako.

"Sus. 'Wag kang masyadong tutok sa ganito Andy. Go on. Enjoy the night", sabi ni ate Venus

Nginitian niya pa ko at hinawakan ang kamay ko. Napatingin ako kay Ares at nag-abot siya ng kamay habang nakangiti sakin. Inirapan ko siya at hinawakan ang kamay niya.

"Oh, 'wag kang magsungit. Pagbigyan mo naman ako. Malay mo may mangyaring masama sakin ngayon dito, at least may alaala man lang ako sayo diba", sabi niya habang naglalakad kami

Napatigil ako sa paglalakad kaya naman napatigil siya at nilingon ako.

"Why?", nagtatakang tanong niya

"Pwede, 'wag kang magsasalita ng ganyan? Walang mapapahamak sa inyo. Kung buhay ko ang magiging kapalit para mabuhay kayo, I am more than willing to sacrifice my life", sabi ko

Nginitian niya lang ako at tinanguan. Pakiramdam ko talaga may masamang mangyayari. Pero gagawin ko ang lahat para mailigtas sila.

Bigla namang nagpatugtog yung DJ ng kantang pang romantic dance

I never dream
'Cause I always thought that dreaming was for kids
Just a childish thing

And I could swear
Love is just a game that children play
And no more than a game

"Alam mo ba dati, sabi ko kay Venus, hinding hindi ako magkakagusto sayo. Masyado ka kasing babae, masyado kang madaldal, sobrang ingay mo. Pero sabi niya, darating ang araw na kakainin ko lahat ng sinabi ko at mahuhulog ako sayo. Kita mo? Nagkatotoo nga", sabi ni Ares

Napangiti na lang ako. Hindi ko kasi alam ang isasagot ko. Hindi ko alam kung paano ba i-reject ang isang tao. Gayong alam kong makakasakit ako. Ayokong nakakasakit ako.

'Til I met you
I never knew what love was
'Til I met you
This feeling seems to grow more everyday
I love you more each day

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon