MESSYNE'S P.O.V.
Lahat kami nataranta nung mawalan ng malay si Andrea. Agad siyang binuhat ni kuya Spade at lahat kami napatakbo sa parking lot. Sinakay ni kuya Spade sa kotse si Andrea at sumabay sa kanya sina ate Cheo at ate Agatha.
Samantalang kami, ay sumakay na sa kanya-kanya naming sasakyan. Agad kaming nagpunta sa hospital.
Shit lang! Shit lang talaga!
"Nurse tulong!", sigaw ni kuya Stroam
Agad namang in-assist ng mga nurses si Andrea.
"What happened to her?!", gulat na sigaw ni kuya Kelvin
"Natulak siya kanina ni Grae kuya tapos bigla na lang siyang tumilapon sa gilid. Hindi na namin nakita, pero biglang dumugo yung braso niya. Tapos nanghina siya at nawalan ng malay", sagot ni Hyrie
"May mga bubog kanina don", sabat ni ate Makspeyn
"Nurse, check on her. I'll be back, tatapusin ko lang ang isang pasyente. You know what to do. Kapag may nangyaring hindi maganda sa pasyenteng 'to, mananagot kayo", seryosong sabi ni kuya Kelvin
Si kuya Kelvin ay isang doctor. Kapatid siya ng unang boyfriend ni Andrea. Si Kevin.
"Paki-assist na din po siya!", sabi ni ate Makspeyn
Si JK. Grabe din kasi yung inabot neto. Tsk.
"God! Please save her", sabi ni ate Hyo
Hindi namin maiwasang mag-alala. Kahit mismo si Hyrie ay hindi napigilan ang mapaiyak. This wasn't the first time na nangyari sa kanya 'to.
"G-Grae", nauutal na sabi ni ate Cheo
Napa-angat ako ng tingin at nakita ko si Grae na papasok sa pinto. Ang tamlay tamlay niya at mukhang konti na lang ay iiyak na siya.
Nagulat ako nung biglang tumayo si Hyrie at naglakad siya papunta kay Grae.
Pero mas nagulat kami sa sumunod niyang ginawa.
*PAK!
"Hyrie!", sabay sabay naming sigaw
Agad akong tumayo at nilayo si Hyrie.
Ang lakas ng pagkakasampal niya kay Grae.
"Ang kapal din ng mukha mong magpakita pa dito. Kapag may nangyaring masama sa kaibigan ko, 'wag na 'wag kang magpapakita sakin. Dahil baka hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo", seryoso at madiing sabi ni Hyrie
Saka niya tinalikuran si Grae at umupo ulit. Maya-maya nilabas niya ang phone niya at tinawagan ang ate ni Andrea.
"Nurse, paki-asikaso naman ang kaibigan namin", sabi ni ate Cheo
Tapos may lumapit na Nurse kay Grae.
Ilang minuto pa ang lumipas at inasikaso na rin ni kuya Kelvin si Andrea.
BINABASA MO ANG
Chasing You (EDITING)
Roman d'amourGrae del Fiego has always been Andrea Chevrolet Vergara's solitary love interest through much of her existence. Even after he consistently tried to push her away, she persisted to genuinely love him. Andrea made a pact with herself that she'd never...