Chapter 58

1.5K 24 1
                                    

MAKSPEYN'S P.O.V.

"Seryoso natin ah?", biglang sabi ni Third

Napatango lang ako habang tinitignan si Andrea. I know she's happy. I really can see it through her eyes. Pero kung titignan mo siyang mabuti, may kulang.

Hindi yun ang tunay niyang ngiti. Hindi yun ang tunay niyang tawa. Hindi. May kulang. Parang kahit masaya siya ngayon, nandon pa rin yung lungkot. Nandun pa rin yung sakit. Hindi mawala.

"Misunderstanding is a part of love Maks. Hayaan natin sila. Wag na ulit tayong makialam sa kanilang dalawa. Let them fix their own problem. Sa kanila naman yon, in the first place", sabi ni Third

Hindi naman ako mangingialam. Wala akong balak makialam. Pero seeing her like that, hurts me.

Tahimik ako. Serious type ako. Ako ang batas ng barkada. Pero kapag si Andy na ang usapan, tiklop kaming lahat. Pati ako. Para na namin siyang tunay na kapatid. Mas prinsesa pa sa tunay na prinsesa kung ituring namin. And seeing her like that? It breaks us. It hurts us.

"Part ng magmahal ang masaktan, I know that Third. Pero yung saktan mo ang isang tao intentionally and emotionally? Nah, wala yan sa batas ng pag-ibig. Pero bakit ginawa nila?", sabi ko

Kung may magic lang ako, sana nga minagic ko na lang si Andy at siniguradong kay Ares siya mahuhulog. Pero hindi eh. Kung siya nga hindi kayang diktahan ang puso niya, kami pa kaya na kaibigan lang?

"Hindi pa natin napapakinggan ang side ni Grae, Maks. Pakinggan naman natin siya", sabi ni Spade

"Listen to his lies again? I'm tired", sabi ko

He always lie to us. Hindi ko alam kung bakit. We've been friends since we were kids, pero hindi pa rin niya kami gaanong pinagkakatiwalaan.

Kapag may problema siya, sinasarili niya. Dibale ng pasan niya ang lahat ng problema sa mundo, basta hindi siya magsasabi samin. Ganon siya.

"Maks. Wag naman ganun. We know Grae. Hindi niya ugali ang magsabi", sabi ni Stroam

"Kaya nililihim niya lahat. Kaya sa iba natin nalalaman. Kaya kailangan niyang magsinungaling. Ganun ba? It's not a fcking valid reason for him to lie. We've been friends since then, but what the hell? He keeps on lying. He keeps everything all by his self. What do you want me to do? Palaging intindihin siya? May hangganan ang lahat guys", sagot ko

Load nga nageexpire. Ibang prutas nga seasonal. Mga halaman, puno, bulaklak nga nalalanta. Ang mga tao nga tumatanda. KASI NGA WALANG PERMANENTE SA MUNDO. LAHAT MAY HANGGANAN. LAHAT MAY KATAPUSAN.

"But Maks", sabi ni Third

Hindi niya natapos ang sasabihin niya nung tignan ko siya ng masama.

"I don't have time hearing his shits again Third. Kung gusto niyang sarilihin na naman lahat, then go. Hindi ko siya pipigilan. Pero sana lang maisip niyang nandito naman tayo. We will not be friends for nothing, remember that. Pero sa kaso ni Grae, napaisip ako. Para sa kanya, kaibigan nga ba tayo?", seryosong sabi ko

Hindi sila nakasagot at napabuntong hininga. I am just telling the truth. I am just telling kung anong nakikita at nararamdaman ko. Nasa sakanila kung paano nila intindihin ang mga sinasabi ko.

"Bahala kayo diyan. I want him to be happy too. Pero ayaw niyang magsabi. Ayaw niyang magpatulong. Then go. I am not born just to please somone like Grae", sabi ko pa

Saka na ko lumayo sa kanila at sumingit kila Venus. Kinginang yan. Binabadtrip lang nila ko. Nakakasira ng mood, ng araw.

"Oh? Di talaga uso sayo ngumiti noh?", natatawang sabi ni Venus

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon