KEVIN'S P.O.V.
Kinaumagahan, maaga akong gumising at nag-ayos. Pupunta ako kila Grae. Makikipag-usap ng masinsinan. I can't afford seeing her crying and hurting like that.
"Saan lakad mo?", tanong ni kuya Kelvin
"Kila Grae", sagot ko
"Ano namang gagawin mo dun? Tch", tanong niya ulit
"Makikipag-usap. Alangan manligaw. Tss", sagot ko
"Pilosopo. Tch", sabi niya
Hindi ko na lang siya pinansin at lumabas na ng bahay. Sana nanan maabutan ko yung lalaking yun. Tch.
—
"Oh, Kevin, anong ginagawa mo dito?", bungad sakin ng ate ni Grae
"Kailangan ko lang makausap si Grae", sagot ko
Ngumiti siya at tumango saka niya ko pinaupo.
"Teka, tatawagin ko lang", sabi ng ate niya
Tumango na lang ako. Umakyat naman siya para tawagin si Grae. Maya-maya pa, pababa na siya.
"Ipaghahanda ko lang kayo ng maiinom at makakain", paalam ng ate niya
Tapos nagpunta na siyang kusina.
"Ano namang sadya mo dito?", malamig na sabi ni Grae
"Si Andy", sagot ko
"Oh, si Andrea pala hanap mo, bakit dito ka sa bahay ko nagpunta? Hindi naman siya dito nakatira", sagot niya
Napapikit na lang ako at sinusubukang wag magalit, dahil baka masapak ko 'to kahit nasa pamamahay nila ako.
"Wala ka ba talagang pakialam sa kanya? Kahit konti. Kahit konting-konti lang Grae. Hindi ka ba naaawa? Hindi ka ba nasasaktan? Hindi ka ba nahihirapang nakikita siyang ganon? Ganyan ka ba talaga katigas? Ganyan ka talaga kamanhid? Ganyan ka ba talaga kawalang puso?", seryoso kong sabi
Hindi siya sumagot at nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha niya.
"I want to make her happy. I want to fix her. I want to heal her heart. I want to take care of her. Pero hindi ko magawa. Alam mo kung bakit? Kasi kahit anong gawin ko o kahit anong gawin ng iba, hindi namin siya mapapasaya gaya ng ginagawa mo", dagdag ko pa
Nanatili pa rin siyang tahimik at hindi sumasagot.
"Nandito ako para maki-usap ng maayos Grae, n kung pwede, alagaan mo siya, tignan mo siya. Tulungan mo siyang ayusin ang sarili niya. Kung wala ka mang nararamdaman para sa kanya, ipaintindi mo ng paulit-ulit. Yung hindi siya masasaktan masyado", sabi ko
BINABASA MO ANG
Chasing You (EDITING)
RomanceGrae del Fiego has always been Andrea Chevrolet Vergara's solitary love interest through much of her existence. Even after he consistently tried to push her away, she persisted to genuinely love him. Andrea made a pact with herself that she'd never...