Chapter 62

1.6K 24 0
                                    

ANDREA'S P.O.V.

"Ate, when will you come back?", tanong ni Fire

Ngayon, kausap ko siya sa Skype. I smiled at her and tried to stop my tears from falling.

"I'll be back soon Fire. Soon", sagot ko

She just sighed and then smiled.

"I'll contact you again later. I have some works to do. Bye, take care", sabi ko

Saka ako ngumiti at isinara na ang laptop. Napapikit na lang ako, kasabay ng pagpatak ng mga luha ko.

Iniwan ko siya. Hindi dahil sa hindi ko na siya mahal, o hindi ko na alam kung paano ko siya pagkakatiwalaan ulit.

Umalis ako, kasi gusto kong ayusin muna ang sarili ko. Gusto kong hanapin muna ang sarili ko. Gusto kong mapag-isa. Malayo sa kanilang lahat.

-

"Ate, look! I have so many medals oh!", masayang sabi ni Fire

"Congrats. Keep it up! Bawal muna boyfriend boyfriend ha?", nakangiting sabi ko

She's growing up so fast. And time flies so fast.

"Sus! As if naman ate makakalusot sila kay kuya. Syempre, tatakutin ni kuya ang sino mang magtabgkabg ligawan ako", sabi ni Fire

Nawala ang mga ngiti sa labi ko nung nabanggit niya si Grae.

"Omg! I'm sorry ate. Gosh. Sorry talaga ate! Hindi ko sinasadyang mabanggit si kuya", malungkot na sabi ni Fire

Umiling ako at nginitian siya.

"It's okay. Anyways, contact ulit kita mamaya ha? May gagawin pa ko. Congrats ulit! Enjoy your party. Maybe, ipapadala ko na lang ang gift ko sayo ha?", sabi ko

At ulit, isinara ko na ang laptop ko.

Hindi tulad ng dati, mas kaya ko ng kontrolin ang pag-iyak ko ngayon. Mas kaya ko na ngayon.

-

"Ate alam mo ba naiinis ako kay ate Kyla!", nakabusangot na sabi ni Fire

Kyla, si Alyssa. Alyssa Kyla kasi ang pangalan niya. Fire used to call her Kyla.

"Bakit?", tanong ko

"Palagi siya dito sa bahay! Ever since nung umalis ka. I mean, okay lang naman ate kasi malapit din siya sakin eh. Pero alam mo yung sinusulit niya ang panahon na wala ka, para alam mo na. Hays", sabi niya

"Hayaan mo na. Besides, if Grae read my letter, he knows what to do", sabi ko

"Kailan ka ba kasi babalik dito ate? Miss na miss na kita", malungkot na sabi ni Fire

"Malapit na Fire. Konting tiis nalang", sabi ko

"Hays. O sige ate, may pupuntahan pa kami ni ate Burn eh. Ingat ka dyan ha? Talk to you later ate! Bye! Mwa!", sabi ni Fire

Ngumiti ulit ako saka ko isinara ang laptop ko.

Konting panahon na lang, makakabangon na ulit ako.

-

"Ate, miss na miss ka na nila ate Hyrie. Hays. Minsan nananahimik na lang ako sa tuwing nababanggit ka nila. Baka kasi, madulas ako eh", sabi ni Fire

"Thanks Fire, for keeping this as a secret. Alam kong mahirap sayo ang magpanggap at magsinungaling, but still you did. Thank you", sincere na sabi ko

Chasing You (EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon