CHAPTER 1

101 7 11
                                    

CHAPTER 1

           "Hey! Raindell who are you hooking up with now?" Tanong ni Jason sabay upo sa tabi niya. They're in the cafeteria, taking their lunch.

           "Why? You wanna taste her when i'm done?" Balik tanong ni Raindell sabay nguya ng siopao, looking smug.

          "Would you shut it guys! You're so disgusting." Irap naman ni Michell sa tabi ni Raindell. Palagi lang talagang nakadikit si Michell dito. Alam naman niyang may gusto ito sa kanya at sinabi pa mismong mahal siya nito. Pero wala talaga siyang ibang nararamdaman sa kababata kundi ang pagiging kaibigan o kapatid lang ang turing. Hindi niya rin ito sinasali sa mga babae niya.

         "Tagal mo, Raimer." Sambit ni Raindell sa kakambal na kakaupo lang pagkatapos ilapag ang sariling tray ng pagkain sa table at saka umupo sa tabi ni Michell.

         "Bakit? Na miss mo ko?" Biro nito.

         "Pa'no naman kita mamimiss eh kung tumingin lang ako sa salamin ay parang nakikita rin kita." Sagot ni Raindell. Talagang magkahawig si Raindell at Raimer. Ang pagkakaiba nga lang ay hairstyle, fashion at ugali.

         "Guys, don't forget about the party this coming Saturday, 7pm at my house, imbitahan niyo lahat. At kung sino mang mapapayag ang snob queen..." Itinuro pa ni Kent ang babaeng nasa counter area na kumukuha at nagbibigay ng orders ng mga estudyante. Estudyante lang din ito. Snob queen ang tawag ng karamihan dahil kung sino mang nakikipag-usap dito ay hindi lang nito pinapansin. Hindi ito madaldal, hindi nakikipagkaibigan, hindi ngumingiti. Namimisteryusohan nga sila sa babae. "Ay bibigyan ko ng brand new Ferrari na latest model ngayon at hindi pa naipapalabas sa publiko." Kent wiggled his eyebrows with a smirk.

         "Sayo na lang yan. - (negative) one milyon ang chance na mapapayag yan." Sambit ni Raindell na napabuntong-hininga na nakatingin sa babaeng pinag-uusapan nila. Umiiling din siya.

         "Ou nga tol. Her glare's so scary." Jason shudered mockingly. Lumalagok ito ng canned coke.

         "Ako, hindi ako komportable sa kanya. Napaka conservative and weird." Sabi naman ni Mike na ngumunguya lang ng pagkain.

          Michell rolled her eyes. "Wag nga kayong magpustahan ng ganyan dahil kapwa babae ko yan." Inis na sambit niya.

         "Ako, subukan ko kaya." Natigil ang lahat ng nasa mesa nila at napatingin kay Raimer. Saglit sila nagkatinginan. "Susubukan ko lang naman. Wala namang nawawala eh." Paliwanag ni Raimer.

         "Hindi mo pa siya nakakausap di ba?" Pagpalo naman ni Kent sa likod nito.

         "Naliban lang sa pag-order, ou hindi pa." Sagot ni Raimer.

        "Goodluck kambal." Sambit ni Raindell.

        "Gawin mo na ngayon." Excited na sabi ni Jason.

        "Hindi yan papayag, i'm so sure." Sabad ni Michell.

        "Wag ka namang negative." Pagsiko ni Raindell dito. "Suportahan mo kakambal ko."

        "I'm not being negative. I'm just pointing out the obvious." Michell remarked with a scoff.

         Umiling lang si Raindell at hindi na ito pinansin. "Sige na kambal, subukan mo na." Rain encouraged.

        "Ou na, heto na." Tumayo na si Raimer at pinaspasan ang sarili dahil sa pagkain.

        "Wag ka ng mag-ayos, hindi rin naman tatalab yan eh. Halos hindi ka nga niya titignan." Satsat pa ni Jason na tinutulak na paalis si Raimer sa upuan. "Goodluck." Dagdag pa nito.

PERFECTLY UNORDINARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon