CHAPTER 15

20 1 0
                                    

CHAPTER 15

         Huminto si Faith sa harap ng isang gate na kulay gray. Binuksan niya at pumasok. Akmang susunod na si Rain pero hindi siya lumagpas sa gate, nagtaka siya, hinawakan niya ang pader pero matigas na din ito. Kinapa-kapa na niya pero hindi na siya lumalagpas.

        "Hey! Bakit hindi ako makalagpas?" Frustrated na tanong ni Rain, naiinis na.


        Sa loob ay nakatayo pa si Faith sa may gate. Napangisi siya. "Talagang hindi ka makakalagpas kung malapit lang ako." Sambit niya sa sarili at tumakbo na papunta sa room niya sa itaas. Para hindi siya agad masundan ni Rain. Pero tingin niya malalaman din nito iyun kung sa kwarto lang niya ito hindi makapasok. Saka lang ito makakapasok kung wala siya. Pero atleast, sa ngayon, hindi pa nito lubusang alam na may kakayahan siya. Pagkapasok sa kwarto ay agad niyang nilock ang pinto at nagbihis, maghahanda na rin siya papuntang club kahit mamaya pa yun. Alas-dos pa naman ng hapon, maaga pa.


        Pagkatapos magbihis ay nahiga na siya. May narinig siyang kumalabog sa pinto niya pero di na ito pinansin. Napaisip nalang, naging kaluluwa si Rain at iba ang nasa mortal na katawan nito. Naisip niyang baka si Raimer yun. But how did it happened? Mas lumalim ang pag-iisip niya. The accident, don nagsimula ang lahat. Rain seems not worried who's inside his body, maybe it's really Raimer. And Rain already accepted his fate of being a soul from then. But she's so damn curious. She wanted to make sure of her thoughts. Nakapagdesisyon siyang alamin yun sa susunod na pagtatagpo nila ng mortal na Rain. Sa ngayon, matutulog muna siya at mamaya na poproblemahin ang totoong Rain na nasa labas lang ng kwarto niya. Kumakatok ito at tinatawag siya. "Bahala ka diyan." Sambit niya, siya lang naman ang nakarinig, bago nakatulog ng tuloyan.



        Nakapasok na rin si Rain matapos ang ilang sandali. Pero hindi na niya nakita si Faith don. Ito ba bahay niya? Or boarding house lang? Ang pangit naman. Impresyon niya sa nakikita sa loob. Maraming mga naka junk na bagay sa tabi-tabi, yung bubong ay parang lilipad na kung may malakas na hangin. Hindi man lang plainly coated ang sementong pader, nagka-crack pa yun. Gawa lang din sa kahoy ang bahay. Yung mga pader lang ang semento. Amoy ihi pa ng daga ang paligid. Nasusuka na siya pero gusto niyang hanapin si Faith. Nahuli ng atensyon niya ang batang nakaupo sa hagdan. Napakaputla nito at walang ibang reaksyon sa mukha. Matalas lang din na nakatingin sa kanya. May hawak itong bola at nakajersey pa. Alam niyang kaluluwa na din ito kaya nilapitan niya.


        "Bata, may nakita ka bang babae? Yung mahaba ang buhok at nakaschool uniform pa?" Tanong niya dito.


        "Meron." Maikling sagot ng bata.

        "Dumaan ba siya dito?" Ang tinutukoy niya ay nagtungo ba ito sa taas.

        Tumango ito.

        "Alam mo ba saan ang kwarto niya?"

        "Bakit ko sasabihin?" Balik tanong nito.

        Nagulat siya sa inasta ng bata. Tinitigan niya ito ng masama. "Dahil nagtatanong ako." Matigas niyang sabi.

        "Hanapin mo nalang."

        Naiinis na siya sa bubwit na'to. "Aba, mas matanda ako sayo kaya sagutin mo ko ng maayos." Tinakot niya ito ng tingin.

        "Di mo ko matatakot diyan." Sambit lang nito at hindi na siya tinignan.


        Nanggagalaiti na siya sa inis dito. Bumuntong-hininga siya para pakalmahin ang sarili. "Kung di ka pa patay tagalang malalagot ka sakin bubwit ka." Usal na lang niya dito at humakbang na paakyat, dumaan sa tabi nito.

PERFECTLY UNORDINARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon