CHAPTER 18
"At sino ka naman para pakialaman ako?!" Sigaw niya dito sa galit, sabay tulak. Nagpatinag na rin ito. "Wala kang alam sakin, Raindell Azarcon! Wala kang alam kaya wag kang mangialam." Umalis siya sa pwesto niya para mas makalayo dito.
Rain followed her at hinarap ulit ito. "You're right. Walang nakakakilala sayo. You just came out of nowhere. You're a mystery to all of us. Ni wala kang kaibigan sa school. Dinidistansya mo ang sarili sa lahat. Maliban lang sa mga kasamahan mo sa trabaho. Bakit ba? Why are you like that?" Frustrated niyang tanong sa dalaga.
"No one have to know me." Sagot ni Faith. "Hindi ko rin kailangan ang ibang tao. Sanay na kong mag-isa. at tungkol don sa sinabi mo kanina.." Mataman niya itong tinignan. "Hindi ko kailangan ang proteksyon mo, Rain. O ng kahit sino. I'm fine by myself."
Umiling si Rain. "Hindi mo na mababago ang desisyon ko. No one and nothing can stop me." Madiin nitong sabi na nanlilisik ang mga mata sa kanya.
Napapikit si Faith. Pagod na siya sa pakikipagtalo dito. Pero kailangan niyang mapalayo ito sa kanya. Tiningnan niya ulit ito. This time, her eyes are begging.
"Please, Rain. Ayoko ng gulo. Dinadagdagan mo lang ang problema ko. Pakiusap naman oh." Naiiyak na siya. Sobrang bigat ng loob niya. The same thing is happening. The very thing that she vowed not to do again. "Just leave me alone. Yan lang ang tanging magagawa mo sakin." Pinahiran ni Rain ang luhang tumulo sa pisngi niya. Hindi niya namalayang umiiyak na pala siya. Agad niyang pinalis ang kamay nito at umatras para idistansya ang sarili.
"No--"
"Please, Rain. I've live peacefully alone these past years." Of course, that's not really true. But atleast, her life now is less complicated. Living normally as she can be. "Wag mo ng guluhin ang buhay ko. Pag nalaman ng ibang kaluluwa ang tungkol sakin, hindi nila ako titigilan. Gaya ng ginagawa mo ngayon."
Hindi alam ni Rain kung ano ang isasagot sa sinabi nito. People like her are just too few. Special. Kaya lalapitan din ito ng mga kaluluwa. Hindi na rin siya magugulat kung ilang beses na ito nakakita ng white lady. Pero interesado din siya malaman ang tungkol sa kakayahan nito. "Ano pang ibang nakikita mo maliban sa mga kaluluwa?" Kinakabahan siya sa magiging sagot nito.
She's hesitating to answer him. Pero ano pa bang mawawala, alam na rin naman nito. "Mga maligno." Nakita niya ang paglaki ng mata ni Rain. Halatang nagulat. "Engkanto, demonyo at iba pang mga di pangkaraniwang nilalang." Pagtatapos niya. "Yung iba, saka lang if I focus enough on my abilities."
Rain can't imagine what Faith's life is. It's not really peaceful. Tumatayo ang balahibo niya sa naririnig. Nakakatakot ang kakayahan nito. Seeing everything that most people don't see is really bothering. Nakakabaliw. But she doesn't have to be aloof to everyone. Tumingin uli siya dito. "Where did you came from?"
"You don't have to know." She replied firmly. "Rain, please.. I'm so damn tired." Sabi niya sabay pabagsak na umupo sa kama. "Let's forget all this things. Stay away from me so that the others won't know. Just stick with your brother. Bantayan mo nalang siya." Malumanay niyang sabi.
Hindi sumagot si Rain, nag-iisip. Nakatingala lang si Faith dito. "I can't help you if you want your body back." Sabi niya, baka kasi yun ang kailangan ni Rain.
Agad napatingin si Rain dito. That did crossed his mind. But he won't do it. Kasalanan niya ang nangyari sa kanilang dalawa ng kakambal niya kaya bilang ganti, ay ibibigay nalang niya dito ang mortal na katawan. Nanghihinayang nga rin siya sa pagkakaroon ng normal na buhay. But he wants to sacrifice himself for his twin. Raimer doesn't deserve to be in Rain's situation.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY UNORDINARY
Paranormal[TAG - LISH] Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes...