Chapter 32
Biglang tumunog ang alarm clock ni Faith sa ibabaw ng maliit na mesa na katabi ng hinihigaan niya. Naalimpungatan pa siya sa ingay. Sumasakit ulo niya, kulang sa tulog. Hindi na masyadong halata ang bukol na nasa gilid ng noo at pasa nito. Pero medyo masakit pa rin pag nagagalaw.
Bumangon na din siya at pinatay ang gumising sa kanya. Tumingin-tingin pa siya sa paligid na inaantok pa rin. Ang bigat ng talukap ng mga mata niya. Then pabagsak nalang siyang nahiga ulit. "Shit.. Ang sarap matulog." Ungol niya pa.
"Mapapaungol pa kita ng mas masarap diyan."
Agad napamulat si Faith at napaharap dito. "Tangna naman Rain! Ang aga mo mangbwiset." She glared at him.
"Aga mo nga umungol eh. You shouldn't do that, you know." Nakapulupot ang mga braso nito habang lumalapit sa kanya. "Because though I'm just a soul, I'm still a guy. You're tempting me." Dumungo ito sa kanya at inilapit pa ang mukha. "I can even touch you like I'm still alive." May halong pang aakit pa ang boses nito. She admit, he really did sound sexy. Along with his minty breath mixed with alcohol and manly scent. Parang nakakalasing ang bango nito. She's tempted to close her eyes and just breath him in, but of course, she'll never do that. She can resist, nasasanay na din naman siya dito. He's staring at her and di rin naman siya nagpatalo.
Kitang kita ni Faith ang mga mata nito. It's not just hazel, there are even green rings around its pupil. Saka niya lang ito napansin. Hypnotising. Nasabi niya sa kanyang isip. Yung isang kamay niya ay inaabot ang unan at habang nagkakatitigan sila ay nahawakan na niya yun at agad sinampal sa mukha ni Rain. Muntik pa to matumba sa sahig sa gulat. Tumayo na din siya at binalik ang unan sa higaan.
"Salamat sa pag gising sa diwa ko." Sabi niya bago tumalikod at kinuha na ang mga dadalhin papuntang banyo pati ang school uniform. Nasa harap na siya ng pinto ng may napansin. Humarap uli siya at sinuri ang buong kwarto. "Nasan yung bata? " Tanong niya kay Rain na nakaupo na sa kama.
"Sa labas." Sabay hawi sa buhok nito pataas dahil bumababa na sa mata.
"Anong ginagawa niya don? Pinaalis mo? "
"No. That's his choice. Ewan ko sa kanya." Nagkibit balikat na ito. Mas gusto pa nga ni Rain na wala don ang bata. He's thankful na masosolo niya pa si Faith.
Tumalikod na ulit siya at lumabas na. Pagdating sa hagdan ay nakita niya yung bata. Yakap-yakap lang nito ang bola habang nakaupo at nakatingin sa gate. Dati niya pa talaga napapansin na parang may hinihintay ito. Baka yun ang dahilan kaya hindi pa ito nakatawid sa kabilang buhay o kung saan man yung patutunguhan ng mga kaluluwang hindi na niya nakikita.
She look around, making sure no one is there. At saka huminto sa tapat nito.
"Bata, ano pangalan mo?" She asked quitely. Kasi baka may makarinig sa kanyang iba o makakitang nagsasalita. Lumingon ang bata sa kanya, nakatingala.
"Lester po."
Tumabi na siya ng upo dito para di na mahirapan ang bata sa kakatingala sa kanya. "Sabihin mo, sino hinihintay mo?"
"Sina nanay at tatay."
"Nasan ba sila?"
"Umalis pumuntang bayan."
Nagdadalawang isip siya kung itatanong niya ba ang nasa isip niya. "Pano ka namatay? Ilang taon na ba?"
"Sa sunog po. Di ako makahinga sa usok. Nakulong ako sa loob. Huli na ng nakuha nila ako. At sa isa mo pong tanong, hindi ko po alam."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY UNORDINARY
Paranormal[TAG - LISH] Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes...