CHAPTER 3

40 5 3
                                    

CHAPTER 3

           "Com'on. Hindi naman kayo ganyan katalunan, 'di ba?" Sabay suntok na tanong ni Raindell sa mukha ng lalaki, nanggigigil siya.


           Nakasalampak ito sa ground at nakapatong siya dito. Ang isang kamay ay nakahawak sa kwelyo nito at ang isa ay sumusuntok pa sa mukha ng lalaki. Duguan na ang mukha ng lalaki pero wala siyang pakialam.


            "Rain, tama na yan. Baka mapatay mo pa." Pagpigil ni Jason sa barkada.


             Muli itong sinuntok ni Rain ng panghuling beses at saka tumayo na habang pinapaspasan ang sarili.


              "Ang pinaka ayoko sa lahat, ay yung nanghahamon ng away pero hindi naman pala kami kaya." Usal niya.


            Limang lalaki ang nakasalampak sa ground. Puro duguan ang mukha at puno ng pasa. Ang iba ay wala ng malay pero alam naman nilang buhay pa ang lahat.


             "Tama ka. Nakakainis na nga rin minsan." Sambat ni Mike.


            "May plano ka pa bang bumalik sa office?" Tanong ni Kent kay Jason.


             "Wala na akong pakialam sa gurong yun at sa detention niya." Sagot nito.


            "Good. Akala ko lumalambot ka na at talagang isasali kita sa mga nakasalampak na mga gagong yun." Sabi ni Rain.


          "Hahit lumambot ako, hindi naman ako mahina."

            Naglalakad na silang apat pabalik sa school. Malapit lang naman yun sa kantong saksi ng away nila.


            "Pumunta nalang tayong cafeteria." Anyaya ni Mike.


            "Palagi ka namang pumupunta don eh pagkatapos ng away." Sambit ni Kent habang inaayos ang backpack niya.


           "Mali. Palagi yang kumakain pagkatapos ng away." Pagtatama ni Jason.


           "Buti hindi ka tumataba." Pagsali ni Raindell sa usapan.


            "Dude, paano naman ako tataba kung palaging ganito ang ginagawa natin? Nae-exercise ang muscles ko." Pinakita pa niya ang braso at sinapak siya ni Jason.


        "Dude, wag kang magmayabang dahil meron din sa'kin." Ani Jason na nakangisi pa, pinakita ang abs.


       Nakapasok na rin sila sa school at marami ng students na gumagala. Tapos na kasi lahat ng klase at nagsiuwian na ang iba. Dumiretso sila agad sa cafeteria. Umupo sina Kent, Jason at Raindell sa palaging pwesto nila. Si Mike ay tumungong counter at um-order ng pagkain.


          "Papalapit na ang kakambal at ang manliligaw mo, Rain." Kent mentioned at his side.


          Lumingon siya sa pintuan at papalapit nga ang dalawa sa kanila.


         "Hindi ko manliligaw si Michell." Sambit niya.


          "Alam naman naming may gusto siya sayo. It's so obvious, Rain." Jason mumbled across him.


           "Yeah and it's so obvious too na wala akong gusto sa kanya. Kaibigan ko lang siya." He grunted. Yun na kasi talaga ang nararamdaman niya dito. Hindi na hihigit yun kahit pilitin pa niya ang sarili.


PERFECTLY UNORDINARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon