CHAPTER 11
Raimer stepped inside the restroom. Buti walang tao. He immediately went to the sink and washed his face, or rather his twin's face. As he stopped, he just let the water dripping off his chin.
Tumingin siya sa salamin at tinitigan ang sarili, naging blangko ang puso niya. Parang namanhid na dahil sa lahat ng emosyong sabay-sabay na bumulabog sa kanya. Damn! Who wouldn't go crazy when you look yourself in the mirror and it's not yourself that you're seeing. He's in other's body, and it is his twin's.
"Naloko na to.. Anong nangyayari? Bakit nahkakaganito?" Tanong niya sa sarili at sumandal sa lababo, tumalikod na siya sa salamin.
It almost gave him a heart attack when he saw his face in the mirror yesterday in his restroom inside his hospital room. Saka niya lang din narealize non na kaya pala natatawag siyang Rain kasi si ito nga talaga ang nakikita nila. And now, Rain's the one they thought who survived. But only his body, and then Raimer's soul is in it.
"Dahil nandito ako sa katawan ng kapatid ko, nasan ang kaluluwa niya?" Tanong niya pa na wala ring makakasagot. Wala muna siyang pinagsabihan sa mga nangyayari.
He turned again at the mirror. Tinititigan ang mga mata ng kakambal. "Bro, nasan ka? I wish you're here.. Anong nangyayari satin?" Gulong-gulo na siya sa mga nagaganap. Kung nandito ka lang, pagtutulongan nating dalawa ayusin ang kabaliwang ito. Mas madali sana lahat. Iniimagine nalang niya na kaharap ang kakambal dahil ito ang kanyang nakikita sa sarili. Di niya maiwasang maisip na baka wala na nga talaga ito dahil siya na ang pumalit sa katawan nito. Sumasakit puso niya sa naiisip na yun. Tears started to build in his eyes, tulala nalang sya. Tapos dumagdag pa yung hindi maipaliwanag na emosyon nang makita ang sariling katawan na nasa loob ng kabaong. Grief and conscience are filling him. Wala na dapat siya, patay na. Pero nabuhay pa sa ibang katawan. Labis ang kabigatan ng loob niya because he feels like he stole Rain's life. Ninakaw niya ang tsansa nitong mabuhay. That made his tears started to drop. He wanted to return in his own body, baka sakaling mabuhay pa katawan niya.
Bigla siyang natigil sa pagluha dahil sa naisip. Baka nga pwede pa. He wipped his face at tumakbo pabalik sa loob. Maayos na rin naman ang kalagayan ng katawan ni Rain. Tinanggal na niya ang neck brace dahil wala ng masakit. Ikinagulat nga yun ng lahat dahil sa mabilis na pag galing.
People watched him intently nang tumatakbo siya palapit sa kabaong. Kita niya ang sariling natutulog. He touched the glass and felt the coldness from it. Dapat buksan niya yun at hawakan ang katawan. Ang bilis ng tibok ng puso niya, sana lang ay ganon kadali ma resolba ang lahat ng nangyayari. People started to talk at his back but he didn't care. Kailangan niyang gawin to, kailangan niyang subukan. He must try or he'll regret it pag nailibing na katawan niya na wala man lang siyang ginawa.
Hinawakan niya gilid non, hinahanap kung san pwede buksan. Nagtaka na ang mga tao sa paligid sa ginagawa ni Ramier pero wala lang siyang pakialam. Nang nahanap yun ay sinimulan na niyang hilain pataas.
"Rain!" Sigaw ng karamihan sa kanya. Tumakbo na mga magulang niya at ilang kasambahay para pigilan siya sa binabalak gawin. Hinawakan siya ng ama sa braso at si Makoy sa kabila. Pigil siya ng mga ito.
"Rain, what are you doing?" His father asked incredulously.
Hindi siya nakinig at patuloy na hinihila pataas ang takip ng kabaong, pilit siyang pinalalayo sa kabaong ng mga nakahawak sa kanya.
"Sir, huminahon po kayo." Pakiusap ni Makoy sa kanya. Nanunuod nalang ang mga tao sa paligid, nag-aabang sa nangyayari.
"Rain, stop it!" Utos ni Della sa anak, nakahawak sa balikat nito.
"No! I must try!" Pagpipilit niya, struggling to open it, determinadong gawin ang lahat. Napapaiyak na rin siya sa ginagawa, he's so desperate!
"Your twin is already dead. Just accept it, Rain!" Sigaw ng ama sa kanya. "He would never wake up no matter how you shake him because he's dead! Dead because of you!" Pinakawalan na siya nito.
Napatigil si Raimer sa narinig. Kung naririnig lang din ito ni Rain ngayon, sigurado siyang buong puso itong masasaktan. Nasasaktan nga din siya para dito.
"Randy!" Della exclaimed. Napasinghap nga din ang mga bisita nila. "I thought napag-usapan na natin to." Hinila niya ang asawa palayo sa anak at nilapitan si Raimer.
His jaw clenched, tinatagan ni Raimer ang sariling wag umiyak, binitiwan na siya ng lahat na nagpipigil sa kanya na buksan ang kabaong. Hinawakan siya ng ina sa siko at pinapaharap dito. Pero winakli niya ang kamay ng ina at tumalikod dito. Tumakbo patungong pintuan at lumabas.
Maraming tumawag sa kanya pero di niya pinansin ang lahat.
Nagpanting ang tenga ni Rain sa narinig galing sa ama. Para siyang sinampal nito sa mukha. Yun na talaga ang pinaka deritsong bintang nito sa kanya. He can't blame him.. It was really his fault. But it killed him again nang marinig ang mga salitang yun galing sa ama niya. "Fuck! Is there no end in this pain?" Hinawakan niya puso niya at hinimas-himas yun. Mapait siyang napangiti habang tumutulo na naman ang mga luha. "Isn't this punishment enough? Can i just go to hell then? Because staying like this is more than hell." Sambit niya sa kawalan. Durog na durog na puso nya sa mga kaganapan. He never thought to be hurt this much.
Nakita niyang hinila na ng ina ang ama papunta sa terrace. Hindi niya sinundan ang mga to, ayaw na niyang makarinig ng masasakit pang bintang. Tama na yung narinig niya.
Pero kahit papano ay medyo gumaan ang loob niya nang malamang ang kapatid niya ang nakasapi sa kanyang katawan. Matuturing pa rin itong buhay, hindi katulad niya na kaluluwa nalang. Masaya na rin siya don. Ligtas pa rin kaluluwa ni Raimer.
Inayos nina Makoy at ibang katulong ang takip ng kabaong na bahagyang nagalaw. Tumingin siya sa pintuan, planong hanapin ang kakambal at yun nga ginawa niya. Lumabas siya don at hinagilap ito sa kung saan.
Malawak din ang memorial house na yun, naglalakad siya nang may napansin ang gilid ng mata niya na babaeng nakatayo sa isang tabi. Mahaba ang buhok nito na sobrang itim, medyo magaspang at kulay puti ang whole dress na suot, dirty white na sa kalumaan nyon, nagdidilaw na kasi.. Di niya makita ang mukha dahil natatabunan ng buhok. Tumindig ang balahibo niya. Sa kanya pa naman nakaharap ang babae at dahan-dahan itong lumalapit. Di niya makita ang mga paa kasi hanggang sahig ang saya nito. Napapaatras siya dahil sa papalapit na nilalang.
Shit! White ladies are true! Bulalas niya sa isipan. Medyo nanginginig na nga siya sa takot. Tumingin siya sa likuran niya dahil baka may ibang tao don na yun ang sadya at hindi siya, pero wala siyang ibang nakikita.
"Can you see me?" Lakas-loob niyang tanong dito. Malalaki na ang hakbang niya paatras. Pabilis ng pabilis kasi ang paglapit nito.
May narinig siyang mahinang halakhak ng isang babae. Halakhak na nakakapangilabot talaga.
Bahagya niyang nakita ang labi nito, nakangisi iyon, ang isang mata naman walang buhay na nakatitig sa kanya, her left hand is full of dried blood. Sobrang lamig na ng nararamdaman niya. Umihip ang malakas na hangin, bahagyang nagalaw ang mahabang saya nito at nakita niyang hindi nakaapak ang mga paa nito sa sahig. Nakalutang lang ang babae. Natigil siya sa pag atras dahil don at natuod nalang sa kinatatayuan. Ramdam niya ang namumuong pawis sa noo kahit malamig ang paligid at nilalamig din siya. He can hear his heart pounding so loudly, pigil na rin ang hininga niya.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY UNORDINARY
Paranormal[TAG - LISH] Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes...