CHAPTER 30
Ngayon lang muling makita ni Rain si Faith mula nong umalis ito sa ospital. Matindi ang tama ng mga sinabi nito sa kanya non kaya nahihirapan siyang makita ito. Sumasakit at naninikip ang dibdib niya sa tuwing naiisip na tama lahat ng pinamukha nito sa kanya. Pero ngayon, di niya maiwasang titigan ito sa reaview mirror. Nakikita niya ang repleksyon nito doon. Kahit nasasaktan siya ay namimiss niya pa rin ang dalaga. Alam niya ring nasa panganib ito dahil sa nangyari at may pinagdadaanan pa mula sa mga bangungot ng nakaraan. He wanted to ask how she is. Pero alam niyang di rin siya masasagot nito ngayon.
"Tell me what's going on kasi may gagawin pa ko." Sabi ni Faith, halatang naaatat na to.
May trabaho pa kasi ito. Alam na niya tungkol saan ang sasabihin ng kakambal dahil nakasunod siya dito mula nong di na niya sinusundan si Faith.
Even he, doen't like the idea of his parents investigating her. Buti pinili ni Raimer ang other option nito. But how he wished that he'll be the one introducing her to their parents. Pakiramdam niyang mas sasaya siya pag siya ang gumawa.
Halatang nag-iisip pa ang kakambal niya kung pano sisimulan, nakikita niya ang reaksyon ng dalawa sa harap dahil sa rearview mirror.
"You're going to meet our parents." Deritsang sabi ni Rain.
"Ano?!" Gulat na reaksyon ni Faith, napatingin pa sa kanya sa likuran.
"Shit!" Bulalas ni Raimer dahil bigla nitong naapakan ang break sa gulat na sigaw ni Faith.
"Shit, sorry." Paumanhin ng dalaga.
Umayos na uli ang pagmamaneho ni Raimer. "Kalma ka nga, wag ka agad manigaw, nakakagulat ka eh." Nilingon siya nito.
"Pasensya. Tagal mo kasi sagutin tanong ko." Pagdadahilan niya. Bahagya siyang lumingon sa likuran at sinipatan si Rain.
"I'll explain it properly in a few minutes. Just wait, okay? I don't want to get into any accident again." He said frustratingly as he rumpled his hair upwards.
Para na nga ding si Rain ito kumilos. Pansin ni Faith, nakatitig nalang din siya dito.
Nakakuyom na ang mga kamao ni Rain sa gigil. Nasasaksihan niya ang pagtitig ni Faith kay Raimer. Nakapulupot lang ang mga braso niya at iniwas na ang tingin sa babae.
"Why are you staring at him?" Di niya napigilang tanong dito.
Nakita niya ang pagbaling na ng tingin nito sa katabing bintana.
"Don't tell me nagugustuhan mo na ang kakambal ko. Para malaman mo, si Michell mahal niyan." Pagpapatuloy ni Rain. Rinig niya ang pagbuntong hininga nito.
Huminto na din sila sa harap ng isang restaurant.
"Meryenda tayo. Gutom eh." Sambit ni Raimer at parehong tinanggal ng nasa harap ang seatbelt nila.
"Bakit dito?" Tanong ni Faith nang nakababa na sa kotse. Nasa harap sila ng diner na pinagtatrabahuan niya.
"Why? Don't you like it here? It looks pleasant." Komento nito.
Wala na rin siyang magawa dahil nandito na sila.
"Iwan mo nalang muna yang gitara mo sa kotse. Kunin mo nalang din mamaya." Sabi ni Raimer nang makitang bitbit niya yun sa paglabas.
"Hindi na. Para diretso na ang alis ko mamaya."
"Ihahatid din naman kita sa boarding house mo."
BINABASA MO ANG
PERFECTLY UNORDINARY
Paranormal[TAG - LISH] Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes...