CHAPTER 26

20 1 0
                                    

  

         "Tumigil ka Rain. Di mo ko madadala sa mga ganyan mo." Pabulong pero matigas na sabi ni Faith. Kanina pa sya nauurat dito.

          "Sinabi mo bang alam mo na siya si Raimer?"

          "ou."

       "Bakit?"

          "Wala ka ng pakialam don." Sabay talikod niya dito.

          "Tell me!" Singhag na sa kanya ni Rain at hinila balikat niya para mapaharap uli siya dito. Wala nga palang ibang nakakarinig dito kahit gano pa ito magsisigaw.

          Nasapo niya agad ang ulo dahil sa mataas na boses nito. Bahagyang sumakit yun. Napakasensitive nya sa ingay ngayon.

           Agad kumunot noo ni Rain at natigilan. "Fuck! I'm sorry." Akma niyang hahawakan sana ito pero winakli siya ni Faith at tumalikod na ulo.

          "Stay away from me." She said while gritting her teeth. Her head is throbbing a little. Nanggigigil siya kay Rain pero di niya mapatulan ito sa ngayon.

         Kahit mahina ay rinig ni Rain ang sinabi nito, may kasama pang pagkamuhi sa tono ng dalaga. Lumayo nalang siya dito at hinayaan ng makatulog.


         KINABUKASAN ay maagang nagising si Faith. Mga alas cinco palang. Pagkagising ay dahan-dahan siyang kumilos paupo. Tiningnan niya ang nakatusok pa sa kanyang kamay. Tinanggal niya ang tape at dahan-dahang hinila ang karayom palabas. Di na naman yun gaano kasakit. Tinakpan niya agad yun ng tissue na nakapatong sa bedside cabinet.

         Tinignan niya ang paligid at nakiramdam na din. Nakita niyang tulog pa si Raimer sa sofa at halatang nahihirapan ito sa posisyon ng pagtulog. Matangkad kasi ito kaya di bitin nalang ang tuhod sa arm ng sofa. Pagbalik niya ng tingin ay nakaharap niya agad si Rain. Dahilan ng muntik na niyang pag-ingay sa gulat. Nakapulupot mga braso nito at mataman siyang tinignan.

        "Letche ka. Wag ka nga basta sumulpot." Asik niya dito. Mas naiinis pa dahil sa pagngiti lang ni Rain. Sinipatan niya lang at bumaba siya ng stretcher.

        She found her clothes beside her bag. Neatly folded and washed. Nagulat pa siya don pero kinuha niya na at pumasok ng cr. Sure siyang cr ang isang pinto sa room.

         "What are you planning to do?" Tanong ng binata. Sinusundan siya nito pero sinirado nya ang pinto ng cr sa mukha ni Rain.

         Nagmadali siyang magbihis kahit medyo nahihilo pa. Nakita niya sarili sa salamin at kita ang malaking itim na pasa sa gilid ng noo. Di niya alam kung pano itatago yun. Magulo pa buhok niya dahil medyo wavy at mahaba pa. Aabot na yun sa pwet.

         Pagkatapos magbihis ay tinupi niya ang hospital gown at binitbit palabas ng cr. Tulog pa rin si Raimer at sinalubong siya ni Rain. Humarang ito sa harap niya.

        "Saan ka pupunta?"

          Tinapatan niya ang matalas nitong titig sa kanya.

          "Uuwi. Bakit?"

         "Di mo ba narinig ang sinabi ng lahat kagabi o wala kang maintindihan?"

         "Hindi ko obligasyon ang sumunod sa lahat ng sinabi nila."

        "Di mo ba naaappreciate na ginagawa lang nila to para sa ikabubuti mo?"

          "Why? Did i asked them to do all these? Hindi diba? Kaya tigilan niyo kong lahat." Pilit niyang pinipigilan ang paglaki ng boses para hindi magising si Raimer.

           Dinaanan na niya ito at pumunta sa bag. Kumuha siya ng papel at ball pen don. Sumulat siya ng pasasalamat niya sa lahat ng ginawang tulong nina Raimer. Pagkatapos ay kinuha na ang gitara at bag. Nagsimula na siyang humakbang patungong pinto pero bigla siyang hinarangan ni Rain bago pa niya mabuksan yun.

         "Get out of my way, Mr. Azarcon." Nanlilisik na ang mga mata niya dito.

           "And why would i do that? Bakit naman kita susundin?" Ganti nito sa matigas na aura. Medyo madilim pa naman sa pwesto nila kasi dim light lang.

         "Bakit hindi mo nalang ako hayaan mag isa? Bakit? Totoo bang gusto mo ko? Mahal mo ko? Kung ganon, wala kang mapapala dahil wala akong ni katiting na gusto sayo. At isa pa, kaluluwa ka na kaya hindi pwede maging tayo. So just stop acting foolishly around me." Tinabig niya ito at nagtuloy sa pagbukas ng pinto.

          Paglabas ay wala na siyang sinayang pa na oras kaya nagmadali ng lumabas ng ospital. Konti pa lang naman ang mga tao sa paligid. Kadalasan ay mga nurses lang ang nakakalat. Sinundan niya lang ang mga signs kaya di siya naligaw.

           She can see ghosts lurking around. Nanghihina siya na siya. Hindi niya tinitingnan ang mga to. Sumasakit na ulo niya. Shit! I need to get out of here fast. Bago pa nila maubos lahat ng lakas ko. Kahit bumibigat na ang katawan ay pinilit niya pa ring binilisan ang mga hakbang.

        Nang makalabas na ay napabuntong hininga siya. Mas bumibigat pa pakiramdam niya dahil sa pasan niyang gitara sa likuran.

        Umuwi na siya at pagdating sa boarding house ay nagtaka siya dahil wala ang batang parati ay nasa hagdan lang nakaupo, hawak ang bola nito. Pero di na niya masyadong inisip yun. Umakyat na siya patungo sa kwarto niya.

           Nang matapat sa pinto ng kwarto niya ay may narinig siyang kumakalabog sa loob. Parang may nag didribble. Kinabahan siya dahil alam niya kung sino ang nandon. Pero binuksan niya pa rin ang pinto at nabungaran nga niya ang bata na nasa loob. Nakaupo ito sa hinihigaan niya, nakabitin lang ang mga paa at nagdinidribble sa sahig ang bola. Sinarado niya muna ang pinto at hinarap ito uli. Nakatingin din ang bata sa kanya. Wala namang ekspresyon sa napakaputlang mukha nito. Tinigil na rin ang paglaro sa bola.

       "Ate, dito po muna ako." Nagsalita ito.

Nagulat siya don at muntik mabitawan ang bitbit na gitara. Nilagay na niya yun sa gilid, isinandal. Isinabit niya ang bag sa dingding.

        "Alam ko pong napapansin mo ko."

        Normal naman ang boses ng bata.

         "Bakit ka nandito?" Tanong niya pabalik. Hinuhubad na niya ang sapatos.

        "Dahil ramdam ko pong parang may paparating na panganib."

        Napalingon siya agad dito at lumapit na. Tumabi ng upo sa bata.

        "Ano'ng sinasabi mong panganib?" Nababahala niyang tanong.

       "Basta po. Yan pakiramdam ko."

         Saglit napaisip si Faith sa mga sinabi nito. Nag-aalala kung anong panganib yun. Baka may kinalaman sa kanya.

         Nasapo na naman niya ang ulo dahil kumikirot uli.

          "Okay ka lang po ate?" Humarap sa kanya ang bata.

         "Ou." Sagot niya at sumampa siya ng tuloyan sa kama at nahiga na. Ramdam ng buong katawan niya ang pagod at panghihina. "Pakilock nalang ng pinto. Para ligtas tayo sa kung anong panganib na yan. At kung may lalaking darating, wag mo pansinin." Sabi niya na nakapikit.

          Sumunod naman ang bata dahil rinig niya ang mga yabag nito.

          Nakatulog na din siya agad matapos yun.  

PERFECTLY UNORDINARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon