CHAPTER 10
Huminto sila sa harap ng Divine Shepherd Memorial Chapel, ang pinakamalaki at marangyang memorial house sa kanilang syudad. Marami ng nakapark na kotse sa parking lot. Bumaba na din sila at sumunod siya.
Habang naglalakad ay mas lalong lumalakas ang tibok ng puso niya. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Pagpasok ay dumeritso pa sila sa isang pinto.
Bumukas ang pintuan at napahinto siya sa kinatatayuan. Nabungaran niya agad ang nag-iisang kabaong na nasa unahan lang. Ibig-sabihin, ligtas nga talaga ang kakambal niya. Napakaraming bulaklak ang nasa kaliwa't kanan na naglilinyahan. Ang kabaong, kulay gold at sobrang kintab, hindi imposibling isipin na baka gold nga talaga yun. Hindi niya alintana ang mga tao sa paligid dahil nakasentro lang ang atensyon niya sa kanyang kabaong at nabasa ang pangalan na nandon. Kumunot ang noo niya, he blinked many times and narrowed his eyes. Hindi niya namalayan na papalapit na pala siya don dahil may sarili atang utak ang binti niya na lapitan ito.
RAIMER F. AZARCON
Yun talaga ang nababasa niya na ngalan sa kabaong.
"Hindi.." Sambit niya at tumakbo na para makompirma ito. Dread filled him as he took every step. No! Paulit-ulit sa isip niya ang salitang yan. Hindi niya kailanman matatanggap pag totoo nga ang nakikita. He's my damn brother! My twin! He can't be dead because of me.. Hindi pwede! Umiiling na din siya. Kahit nanginginig ang buong katawan ay pinilit pa rin na makalapit.
Agad siyang dumungaw sa loob niyon nang marating ito. His jaw dropped and tears started to build in his eyes. Napatitig siya habang umiiling.. "Hindi.. Hindi! Raimer!" Sigaw niya, tinangkang hawakan ito pero wala siyang napala. Naglaglagan na ang mga luha, ito na pinakamasakit na nasaksihan niya. Parang pinipiga at paulit-ulit na sinasaksak ang puso nang makitang patay na ang kakambal dahil sa kanya. "Raimer! Gumising ka! Ako ang namatay sating dalawa dahil isa nalang akong kaluluwa.. Raimer.. Bro.." Humagulgol na siya sa pag-iyak. "Bakit ikaw ang nandiyan? Akala ko ba may nakaligtas satin?" Napaluhod na siya dito. "I'm sorry.." Tinitigan niya ang mukha ng kapatid. "I'm really sorry, bro." Naupo nalang siya sa carpeted floor at nakatakip ang mga palad sa mukha. "This is all my fault." Bintang niya sa sarili. He gritted his teeth and clenched his fist. "Kasalanan ko ang nangyari sa'yo. My goddamn fault!" Tahimik nalang siyang umiiyak sa sahig. Wala ni isang nakapansin sa kanya. Nilalakaran at nilalagpasan lang siya ng lahat na lumalapit kay Raimer.
Hindi na muna inisip ni Rain kung nasan ang katawan niya dahil mas matindi ang nararamdamang sakit sa puso at konsensya nang makita ang bangkay ng kapatid.
Naririnig niya ang pangalan ng parents na parating nababanggit ng mga bisita sa paligid. Inangat na rin niya ang kanyang ulo at nakita ang mga magulang na kausap ang isa sa mga bisita. Malamang kasamahan nito iyon sa trabaho kasi hindi niya kilala. Isang lalaki na nakablack business suit.
Tumayo siya at tinungo ang direksyon ng mga to. May mga luha pa rin sa kanyang mga mata habang papalapit at huminto sa tabi ng mga magulang niya. Hindi na pinansin ang pinag-uusapan ng tatlo. "Ma, Pa, I'm sorry.. I'm so sorry for what i did to my brother. I'm very sorry napahamak ko siya." Paghingi niya ng tawad sa mga ito.. Tumulo ulit mga luha niya. "Sana naririnig niyo ko o nararamdaman man lang.." Hinaing niya kahit walang magagawa yun.
Nakaramdam siya ng lamig sa buong katawan nang may tumayo sa kinatatayuan niya. Napaatras siya dahil don at si Makoy pala ang lumagpas sa kanya.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY UNORDINARY
Paranormal[TAG - LISH] Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes...