CHAPTER 2
"Rain! Nandiyan ang grupo ni Baron sa labas. Inaabangan tayo dahil hindi ata nila matanggap na natalo natin sila sa laro kahapon." Bungad ni Jason pagpasok ng classroom. Hinihingal pa sa pagtakbo.
Natigil ang lahat sa ginagawa at nakatingin sa kanya. He stilled in his spot.
The teacher glared at him, he clearly interrupted the discussion.
"Gulo na naman ba Mr. Jason Vistas? Well, sad to say hindi ka makakasali dahil may detention kang sasalihan mamaya." Singhag ng guro.
"Ma'am, makakasali po ako sa pareho kasi ngayon ang gulo at mamaya pa ang detention." Sabay kamot sa batok pa niyang sabi.
Napatawa ang karamihan sa kanilang kaklase.
Raindell grunted on his seat. "Great, idiot. Magsalita ka pa."
"Okay, sige. Ngayon na magsisimula ang detention mo, hanggang mamaya. Go to my office now, Mr. Vistas and if i haven't found you there when i return, i'll give you a week under detention." Final na utos ng guro.
"Ma'am! Saan ba kayo galit? Sa gulong sasalihan namin o sa pagdisturbo ko ng klase?" Nagugulohang tanong ni Jason, nakakunot pa ang noo.
"Both." Nakatiim-bagang na ito at lumalaki na butas sa ilong sa paghinga, namumula na rin ang mukha.
Jason sighed in defeat. Tumingin siya kay Raindell. "Ma'am, bakit ako lang? May sasalihan rin namang gulo ang barkada ko ah."
The teacher took a deep breath, calming her nerves. "Lahat ng barkada mo na sasali sa gulo mamaya ay isama mo papunta sa office ko. Now, Mr. Vistas! Drag them with you."
Tumingin agad si Jason kay Raindell. Expressionless ang mukha nito. Raindell stood up and approached his friend, waiting at the door. Both get out and the class discussion proceeded.
Binatukan agad ni Rain si Jason paglabas ng classroom.
"Aray!" Impit ni Jason na hinihimas na ang batok. "Para sa'n yun?" He glared at Raindell.
"Nagtanong ka pa. Gago ka, kahit hindi ko gusto ang gurong yun at ang klase niya ay hindi mo naman ako kailangang idamay sa detention mo."
"Tatawagin ko pa ba ang iba?" Binalewala lang nito ang sinabi niya.
"If you won't, i would really think that i'm your favorite to go to hell with you." Matalim niyang sabi dito. Hindi naman siya galit kay Jason, talagang naaasar lang siya. Sanay na siya dito pero bad mood lang talaga siya ngayon.
"Indeed, you are." Jason mumbled in his side.
"Suntok o batok?" He threatened, nakataas na ang kamay.
"Tatawagin ko na ang iba." Daling naglakad si Jason papunta sa classroom kung nasan ang ibang barkada nila.
"Tumatakas ang gago." Sambit ni Rain nang malayo na ang kaibigan.
Pumunta siya sa pinakamalapit na bench na nakita niya at umupo don habang hinihintay ang iba. He looked around him, the campus is not clearly deserted kasi vacant ang ibang students sa oras na to.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY UNORDINARY
Paranormal[TAG - LISH] Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes...