Raindell stared at the sleeping Faith. Nakatayo siya sa isang sulok ng pribadong kwarto nito sa ospital. Nakasandal sa pader at nakacross-arms pa.
He was there all the time since she was brought to their school clinic. Very thankful that his friends and twin took care of her.
Pagkatapos ng lahat ng tests na pinagawa ni Mike sa mga doctor don ay nalagay na rin ang dalaga sa sarili nitong kwarto.
Narinig niya pa na tumawag si Kent para makibalita at hindi na din ito makakapunta dahil sa family meeting nito.
Tumingin siya sa wall clock ng kwarto. Mag aalas otso na.
"What's the plan guys?" Tanong ni Mike. "Pwede naman natin siyang maiwan dito. I'll make sure to appoint some nurse to have a close eye on her or stay in this room all night." Kay Raimer ito nakatingin. Pati ang lahat.
Napaisip si Raimer. Pwede nga naman niyang iwan ang dalaga dito at umuwi. Pero mas gusto nalang niyang manatili sa tabi nito. Dahil na rin sa ayaw niyang umuwi.
"I'll stay." Sagot niya.
Parang di na rin nagulat ang lahat sa desisyon nito.
"Whoa.. Honestly bro.." Ipinatong ni Jason ang kamay sa balikat ni Raimer. Magkatabi sila sa mahabang sofa. Si Mike naman ay nasa single sofa. May sala set din kasi ang kwarto. May flatscreen tv pa at minibar. "Gusto mo lang ba si Ms. Fajarah or mahal mo na?"
Nagulat ang lahat sa tanong nito.
Hindi alam ni Raimer kung ano ang sasabihin. Wala siyang karapatan na sagutin at kompirmahin ang nararamdaman ng kakambal niya kay Faith. Hindi naman kasi siya si Raindell kaya di niya masasagot ito ng tama.
Napakibit-balikat si Raimer sabay sagot. "Di ko alam." Sumandal na siya. "Di ko alam kung ano ba talaga ang nararamdaman ko sa kanya. Basta I care for her."
Napakunot-noo si Mike. "Ikaw ba talaga yan bro? You were always sure in your answers. Or what you do. But right now, you're so unsure"
"Ou nga." Sang-ayon ni Jason.
Bumilis ang tibok ng puso ni Raimer sa kaba. Nahahalata na siya ng mga ito. "Okay look." Raimer leaned forward again. Ipinatong ang dalawang siko sa tuhod. "I'm not sure because ayoko lang magsalita ng tapos. And besides, i have too many problems right now para isipin kung ano talaga ang tunay kong nararamdaman sa kanya." Napabuntong-hininga siya sa mga nasabi at sumandal ulit.
Rain thought of what Jason asked. Gusto niya nga lang ba si Faith or mahal na? Ramdam niya ang pagbilis ng tibok ng puso niya. He heaved a breath and stepped away from the wall. Nilapitan niya ang natutulog na dalaga. Careful not to make any noise dahil maririnig siya ng mga mortal.
Nang nasa tabi na siya nito ay napatitig nalang siya dito. Naaawa at nag-aalala ang pakiramdam niya. Kasabay na rin ng galit sa kung sino mang may gawa nito kay Faith. Nagagalit din siya sa sarili niya dahil wala siya nong nasa kapahamakan ito. Hindi niya ito naprotektahan. Pero babawi siya dito. Babawi siya sa kung anong paraang kaya niya at pwedeng magawa.
Hinaplos niya ang daliri sa pisngi nito. Mahimbing pa rin itong natutulog at di pa nagigising mula kanina.
Makalipas ang ilang sandali ay nagulat siya sa pag galaw ng pilikmata nito. He held his breath and his hand freezes on her cheeks. Napatitig nalang siya at tuluyan nang bumuka ang mga mata nito.
"Faith.." He finally mumbled.
Napatingin ito sa kanya.
Tapos dahan-dahang nagliwanag ang mukha ni Rain. At gumaan na rin ang pakiramdam niya.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY UNORDINARY
Paranormal[TAG - LISH] Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes...