CHAPTER 25

18 0 0
                                    

       Tahimik lang si Faith, nag-iisip. Ayaw na niyang may mapahamak pang iba dahil sa kanya. Kahit kaluluwa na si Rain, ay nanganganib pa rin ito.

      "Isa ring multo, right?" Naiinip na tanong ni Rain. "Describe mo sakin."

      Kumunot ang noo ni Faith. "Pano mo nasabi?"

     "My friends interrogated the teacher that was with you. She said, you seemed like you're seeing something that they can't." He explained. "At nagkakagulo din ang mga estudyante sa section niyo. They all saw the chair suddenly flew on your forehead. But no one saw who did it. Basta nalang yun tumilapon sayo. And they all bet na nakikita mo kung ano yun."

      Tahimik lang na nakikinig si Faith dito. Nabibingi na siya sa kanyang naririnig dahil umuugong sa isip niya ang paglala ng mga komplikasyon niya sa buhay.

      "Faith, are you listening?" Naiiritang tanong ni Rain.

     Tumingin na rin siya dito dahil kanina pa siya nakatango.

      "So, sino nga ang may gawa sayo niyan? Isa ba sa mga kaluluwa sa school? Sabihin mo sakin." Rain demanded. Umiinit ang ulo niya sa pinag-uusapan nila ni Faith.

      "Hindi ko kilala ang multong yun. First time ko lang nakita." She lied. Pero totoong di niya kilala yun. She only lied about saying that it was a ghost. It's scarily more than that. Pero hinding-hindi niya yun sasabihin kay Rain. He's out of her business. Di na dapat ito masangkot pa sa kagulohan ng buhay niya.

      "Naalala mo ba itsura niya? Ano suot niya? Babae o lalaki?" Sunod-sunod nitong tanong.

     Sinamaan niya ito ng tingin. "Di ko na maalala, tumilapon na nga yung upuan sakin. Kaya di ko na natitigan mukha niya. Basta lalaki." Tumatapang na boses niya dahil naiinis na siya sa mga tanong nito. Ayaw na kasi niyang pag-usapan pa.

     Umusbong ang katahimikan sa kanila.

     Bumuntong-hininga si Rain at itinaas ang kamay. Hinaplos niya ang buhok ni Faith dahil natatabunan na ang mukha nito. Bago pa niya mailagay sa likod ng tenga nito ang buhok ay winakli na ng dalaga ang kamay niya.

     "Tumigil ka nga." She glared at him.

     Rain smirked and shook his head. Kita niyang masama pa rin tingin ni Faith sa kanya. Hinawakan niya ulo nito at ginulo ang buhok.

     Dalawang kamay na nito ang ginamit para pigilan siya.

     "Tumigil ka nga sabi eh!" Pasigaw na niyang sabi dito. Bigla niyang nasapo ulo dahil sa biglang pagsakit niyon. Dahil sa pagsigaw niya.

     Rain immediately stopped and moved closer to her. Napalis agad ang ngiti sa mukha niya at napalitan ng pag-aalala.

     "Okay ka lang?" Hinawakan niya kamay nito.

     "Ou. Lumayo ka nga sakin." Marahan pa siyang tinulak ng dalaga palayo at binawi ang kamay mula sa kanya.

     Natigil sila nang may kumatok at bumukas na ang pinto. Tumayo agad si Rain at lumayo sa kanya. Bumalik ito sa pwesto na nasa sulok lang, nakatayo habang naka crossed-arms pa.

      "Nasan sila?" Tanong ni Faith. Si Raimer lang kasi ang pumasok.

     "Umuwi na." Sagot nito habang humahakbang patungo sa kanya. Nilagay nito ang dalang pagkain sa bedside cabinet at kinuha ang foodtray sa ibaba.

      "Di ka ba uuwi?" Tanong niya dito. Nilagay nito ang tray sa harap niya, sunod ang pagkain sa ibabaw at kutsara't tinidor.

      "Hindi." Kumuha ito ng tubig sa despenser at nilagay sa harap niya, katabi ng pagkain.

PERFECTLY UNORDINARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon