CHAPTER 21
Pinakawalan na rin ni Faith ang tawang kanina pa kinikimkim. Mahina lang yun pero totoo. Kinunutan siya ng noo ni Raimer, mas lalo lang niya yung ikinatawa. Hanggang sa dahan-dahan ng lumiwanag ang mukha nito at nakisabay na sa kanya. Napapailing pa si Faith. She find their situation very funny.
Then Raimer slowly stopped laughing, but an amused smile posted on his lips. Nahuhumaling siya sa dalaga. He realized that this is the first time seeing her laugh. Mas lalong gumanda ito at nakakagaan sa loob. He felt somewhat honoured na nakasama niya itong tumawa.
Biglang tumigil si Faith, pinupunasan ang luha sa kakatawa. Agad natahimik ang buong paligid. Kanina lang nag e-echo pa boses nila.
"What?" Nagtaka siya dahil nakatitig nalang ang binata sa kaniya.
"Nothing." Raimer shook his head para medyo magising ang sarili. "This is the first time i felt at ease with you."
Faith chuckled. Bumangon siya paupo at hinubad ang sapatos. She crossed her legs and look at him again. Alam niyang mabigat nga talaga ang pakiramdam ng lahat sa kanya. Hindi kasi siya nakikisaya sa mga ito. Ni wala siyang close friends sa klase. She can't believe she'll be in this situation. Kasama niya si Raimer at magaan ang pakiramdam niya dito. Hindi hadlang sa kanya na si Rain ang pisikal na anyo nito. Because she felt in wholefully na si Raimer talaga ito.
"Can i sit?" Tanong ng binata.
Tumango siya at sumampa ito sa kama. Nakadistansya pa rin naman sila sa isa't isa kasi sa paanan niya kanina umupo ito.
"So, you're a good actress, huh.." Humarap si Raimer sa kanya.
Agad siyang kinabahan.
"About earlier. Nong nandito pa ang nurse." Dagdag nito.
Napabuntong-hininga si Faith. Yun lang pala ibig-sabihin. Natawa na naman siya. "Ikaw din. You're good at threatening others like him."
Tumawa ito. "Yan lang ata kaya ko sa kanya eh, pero mabigat pa rin sa loob."
Tumango si Faith.
"So.." He cleared his throat. "Pano mo nalamang ako ito? Na si Raimer nga ako." Simula na ng seryusong usapan.
"Too obvious." Maikling sagot niya. Partly true naman yun, di nito kailangang malaman ang abilidad niya.
"Yun lang?" Halatang nabitin ito sa sagot na narinig.
"Yes." Deritsong sagot niya nakatingin sa mga mata nito.
"Saan mo nahalata or nasigurado na ako nga to?"
"Sa order mo non. Akala ko dahil gusto mo lang kainin yung kinakain ng kapatid mo. He never ordered a spaghetti. Halatang ayaw niya. Then in the following day, hindi ka sumingit. You even said 'please' and thanked me." She paused. Mainam itong nakikinig. "He rarely say those."
Bumuntong-hininga si Raimer. Nangungulila siya sa kakambal. "Tama ka." Umiwas na siya ng tingin sa kaharap. "I don't know where he is. Di ako makapaniwalang nangyayari ang ganito sa totoong buhay. All are just, well, too painful to be true."
"I know. And i fully understand." Nakikita niya ang pighati sa mga mata nito, kahit hindi nakatingin sa kanya, ramdam din naman sa boses nito iyon.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY UNORDINARY
Paranormal[TAG - LISH] Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes...