CHAPTER 8
Faith is wiping a table. Kakabus-out lang nya ng mga pinagkainan ng dalawang costumer. It's an early Sunday morning. Mag se-seven palang ng umaga. She's working overnight dahil wala naman siyang pasok. Off siya ng 8:00 am ngayon.
"We have a breaking news. Kakapasok lang po na balita mga kaibigan. Ito po ay naganap kaninang 5:30 ng umaga. Isa pong ten-wheelers truck ang nakabanggaan ng isang kotse. Una daw pong iniwasan ng mga sakay sa loob ang unang nakasalubong na truck. Pero bumangga po sila sa kasunod nitong truck. Wasak po ang bandang kanan ng kotse at tumilapon ito sa gilid ng kalsada. Dahilan rin na bumangga ito sa isang malaking punong kahoy at nawasak ang harapan. "
Nakikinig lang si Faith sa sabi ng reporter sa tv. Binalik na nya ang pampunas sa bulsa ng apron at kinuha na ang tray sa upuan. Nagsisimula na siyang maglakad papuntang kusina pero natigil siya sa kanyang kinatatayuan ng marinig ang pagpapatuloy ng reporter.
"Ang mga laman po ng kotse ay sina Raindell Azarcon at Raimer Azarcon."
Dahan-dahan siyang napalingon sa tv.
"Parehong lasing ang dalawa dahil kakagaling lang ng mga to sa party ng isang kaibigan. Agad pong narespondihan ang mga biktima dahil humingi po ng tulong ang driver ng naunang truck. Parehong panig po ang may kasalanan dahil lasing po ang magkapatid na Azarcon at wala naman sa linya ang dalawang truck. Mabibilis din ang takbo nito."
Nanginginig ang mga kamay ni Faith. Muntik na niyang mabitawan ang tray. Mabilis na rin tibok ng puso niya at ramdam ang panlalamig sa sarili. Gumalaw na siya sa kanyang kinatatayuan at halos patakbong nagtungo sa kusina.
"Faith, iha, namumutla ka, okay ka lang?" Pansin sa kanya ng manager. Papalapit ito sa kanya.
"Okay lang po ako, sir." Agad niyang sabi at tumalikod na. Binigay ang tray sa dishwasher. "Sir, pwede na po ba ako mag out?" Humarap uli siya dito. Nakatingin pa naman ang manager sa kanya.
"Sige. Mukhang di mabuti tingnan ang itsura mo. Namumutla ka." Kinuha na nito ang wallet at binigay ang sweldo niya. Halata ang pag-aalala ng kanyang amo.
"Okay lang po talaga ako. Sige po, sir. Salamat." Sabi niya at umalis na ng kusina. Tinungo na ang storage room.
Pagdating don ay napatunganga lang siya. Inaalala niya ang mga narinig sa balita kanina. Yun yung party na iniimbita siya ni Raimer Azarcon pero tinanggihan niya. Wala na namang bago don eh. Pero yung nangyari sa magkapatid na Azarcon, yun ang ikinagulat niya. Hindi niya inaasahang mangyayari yun sa dalawa. Gumalaw na siya, kinuha ang bag at gitara. Panibagong usapan na naman to sa school. Napailing siya. Bakit ko ba naiisip ang mga ganitong bagay ngayon? Dati na akong walang pakialam, wala dapat pinagbago yun. She chided herself.
Lumabas na siya ng storage room at umuwi.
Pagdating niya sa boarding house ay agad siyang nagbihis ng pambahay at humiga agad. Di na siya nag-almusal dahil sa pagod. Sana lang makatulog siya ng maayos ngayon, napapadalas na kasi ang bangungut niya. Wala namang ibang mga nilalang sa loob ng nererentahan niyang kwarto, pero sa labas meron. May isa pa ngang nakaupo sa hagdanan pero iniwasan niya ito. Isang batang lalaki yun, nakajersey uniform at palaging nakatingin sa gate, halatang may hinihintay. Hindi naman nakakatakot tingnan ito, parang normal lang din. Pero wala itong ekspresyon sa mukha. Palagi lang matalas makatingin.
Lunes na, nakalatay pa sa kama si Raimer. May benda pa sa ulo at neck brace. May ilang nakakonektang tube nalang. Wala ng ibang pinsala sa kanya, maliban sa mga sugat, gasgas at head injury. Steady na rin ang kalagayan niya kaya nasa isang private ward na siya sa pribadong hospital. Isang katulong lang galing sa mansyon ang nakabantay sa kanya.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY UNORDINARY
Paranormal[TAG - LISH] Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes...