CHAPTER 13
Nakaupo lang si Raimer sa kanyang kwarto sa mansyon. Sobrang dami ng tumatakbo sa isip niya. He still can't believe that a situation like these would befall in them. Nakatulala nalang siya. Nasan na kaya ang kaluluwa ni Rain? Baka nagkapalit kami at nasama siya sa pagkamatay ng katawan ko.. Mga pag-aalalang tumatakbo sa isipan niya.
Tapos biglang tumunog ang cellphone na nilagay sa tabi lang niya. Kay Rain ang phone na yun, hindi to nabasag, di gaya ng sa kanya. Kinuha niya yun at tinignan ang screen. Si Michell ang tumatawag. Di niya alam kung sasagutin ba o hindi. Hindi pa rin siya makapagdesisyon hanggang sa natapos ang tawag. Tumunog naman ulit ito at sinagot na niya.
"Rain, nasan ka?" Bungad agad nito sa kabilang linya. Mahihimigan ng pag-aalala ang boses nito.
Parang pinipiga ang puso niya pag naririnig ang ngalan ng kakambal, lalo na at ito na ang tawag sa kanya ng lahat. Pati kay Michell, alam niyang ganon lang ito ka concern kasi si Rain ang nakikita nito at hindi siya.
"N-nasa bahay." Nauutal niya pang sagot. Kahit papano ay sumasaya rin naman siya sa atensyong binibigay nito sa kanya.
Rinig niya ang pagpakawala nito ng buntong-hininga. "Oh, buti naman nandyan ka lang." Mas relax na ang boses na sagot. "Gusto mo puntahan kita? Gusto ka rin bisitahin ng barkada."
Napaisip siya saglit, then, "No. I want to sleep. Bukas nalang tayo magkita." Hindi pa siya handa na harapin ang lahat. Di niya alam kung ano ang gagawin at ikikilos sa harap ng mga 'to. He decided to keep everything a secret for everyone. Mas lalo lang gugulo ang sitwasyon pag nalaman nilang siya ang nasa katawan ni Rain. At masasaktan din niya ang babaeng mahal niya. "Sa school." Dagdag pa niya. Gusto na ring pumasok bukas para hindi na siya magmukmuk at ayaw munang isipin ang tungkol sa kakambal.
"Okay, sige." Sumigla na ang boses ni Michell. "I'll see you tomorrow."
"Yeah." Maikling sagot niya at pinatay na ang phone. Hinayaan niya itong malaglag sa ibabaw ng kama at humiga siya deritso. He sighed as his back touched the bed linens. Pumikit siya at inalala ang pag-uusap nila ni Michell. Magsasama silang magbabarkada bukas. Nako, bakit ko yun nasabi? I'm not yet ready to meet them tomorrow. Di niya alam anong pumasok sa utak niya na nasabi yun. Ramdam niya ang panghihina ng katawan at pinikit na ang mga mata. Di nagtagal ay nakatulog na si Raimer.
Narinig ni Rain ang usapan ni Raimer at Michelle dahil pumasok siya sa kwarto nang kakambal ng at hindi inaasahang nandon din yun. Ngayon, nakapikit na ito at natutulog. Akala niya, doon ito matutulog sa kanyang kwarto pero nandito ito sa kwarto nito. Ngayon nakatayo siya sa gilid ng kama, napaisip kung ano ang balak nitong gawin. Papasok na ito sa school bukas, makikipagkita sa lahat, balak kaya nitong sabihin na ito si Raimer? Or papanindigan ang panlabas na anyo bilang siya? Di niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng kakambal. Gusto niya itong kausapin, pero ayaw na niyang mas dagdagan pa ang kaguluhan sa utak nito pag nalamang nasa paligid lang siya. Nakabantay sa kilos ng lahat.
Umiling si Rain para mawaksi ang nasa isipan. Tumalikod na siya at nagpasyang magpahinga na din gaya nito. Kaya pumunta na siyang kwarto niya at pabagsak na humiga sa kama. Ramdam niya ang lambot nyon but he didn't bounced at nakitang walang lukot ang hinihigaan. Hindi na niya yun pinag-isipan at umidlip nalang.
Kinabukasan, sa school cafeteria ay nakaupo si Faith sa order counter. Sa ilang araw na dumaan, pansin niya ang pagbago ng ihip ng hangin sa skwelahan. Alam niyang maraming naapektuhan sa pagkawala sa isa sa sikat na kambal. Si Raimer pa ang nawala na siyang pinakagusto ng lahat dahil mabait ito at mapagkumbaba, hindi tulad ni Rain na mahilig sa gulo at mayabang pa, kaya marami din itong kaaway.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY UNORDINARY
Paranormal[TAG - LISH] Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes...