CHAPTER 31
Pasado 11 o'clock na ng gabi saka pa lang uuwi si Faith. Marami kasing tao ang club ngayon kaya marami dn ang kinanta niya. Nagpapahinga din naman muna sya saglit habang ang ibang performers ang kumakanta. Didiretso na siyang bahay para makapagpahinga na. Medyo malayo pa naman at pagod na siya. Dadaan pa sya sa ilang tahimik at medyo madilim na kalye para makarating sa kalsada at sasakay nalang ng trisikel pauwi kung may bumabyahe pa. May mga ilang poste naman pero sobrang hina na ng ilaw.
Dumadagdag pa sa pagod nya ang bigat ng gitara na nasa likuran at may backpack pa siya. Nangangawit na mga balikat niya.
Rain suddenly pulled the strap of her guitar. Nabigla sya sa ginawa nito kaya di na nakapalag. Inayos nito ang gitara sa likuran at ito na ang nagdala. Sinamaan niya to ng tingin.
"Just let me. No one's around." sabi nito at nauna ng naglakad.
Wala na siyang nagawa so she just followed.
After a few moment, may narinig si Faith na sumusunod sa kanila. Mga yabag ng ilang tao. Kinuha niya ang gitara kay Rain at binigay naman nito agad. Di lang niya pinapansin ang mga nasa likuran. Napalingon siya sa tatlong lalaki.
"I think, you better run." Seryusong sabi ni Rain. Masama ang pakiramdam niya sa mga nakasunod. Dahil kanina niya pa napapansin sa club na iba makatingin ang mga to kay Faith.
Tumatawa pa ng mahina ang mga lalaki. Di lang pinansin ni Faith ang sinabi ni Rain. Hindi na siya naalarma dahil ilang beses na niya nakasabayan ang mga lalaking nakasunod sa paglalakad niya dati pa kahit mag-isa lang siya.
"Narinig mo ba yung sinabi ko? I said, you better run." Galit na utos ng kasama niya. She just glared at him.
Then suddenly someone pulled her. Napatili siya don sa biglang paghila sa braso niya ng isang lalaki. Then they abruptly circled her. Tumatawa pa ang mga ito at amoy na amoy niya ang alak.
Natulak si Rain palayo sa isa sa biglang lumapit, kahit di siya nakita ng mga to ay pwede naman siyang mabangga.
Nagpupumiglas na si Faith. "Wag po! Bitawan nyo ko! Lumayo kayo sakin!" Mahihimigan ang matinding takot sa boses nito.
"Hey!" Galit niyang sigaw at saka hinila ang isang lalaki at tinulak ng malakas sa lupa. Nagulat ang dalawang kasama nito, kahit mga lasing na ay napansin pa rin ang kakaibang nangyari. Hinawakan niya ang braso ng humahawak sa dalaga at sinuntok ito, napasubsob sa sahig. Umatras ng kusa ang natirang lalaki na nakatayo.
"Ano yun? S-sino may gawa non?" Nanginginig pang tanong nito sa kawalan. Parang biglang natanggal ang pagkalasing.
Lumayo si Faith at di na nakapagsalita sa pangyayari.
Lamapit pa si Rain sa isa sa mga lasing at kinwelyuhan ito patayo. Nanlaki ang mata ng mga kasamahan nito. Nanginginig na umaatras maliban sa hawak niya.
"Walanghiya kayo! Balak niyo pa siya saktan sa harap ko! Ang kakapal ng mukha niyo! " Sinuntok niya ulit at tumilapon ito sa isang kasama. Di pa nakontento si Rain at sinipa niya ang katabi nitong nasa sahig. Napadaing ang mga to sa sakit. Parang sasabog dibdib niya sa galit sa tinangkang gawin ng mga lalaki. Parang mapapatay pa niya ang mga to. Hinihingal siya sa panggigigil. Di na din naman makalaban dahil mga lasing nga at di rin siya nakikita.
"Multo! May maligno!" Sigaw ng naiwang nakatayo at kumaripas na ng takbo pabalik sa pinanggalingan, iniwan ang dalawang kasamahan.
Susuntukin niya pa ulit sana ang isa pero may humawak na sa braso niya at hinihila na siya.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY UNORDINARY
Paranormal[TAG - LISH] Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes...