CHAPTER 19
Natapos na ang duty ni Faith sa counter. Hindi na siya kumain ng tanghalian dahil wala siyang gana. Bakante siya ngayon kaya pumuntang library. Pagpasok niya ay napahinga siya ng maluwag dahil walang nakatambay na kaluluwa sa loob. Nagtungo siya sa palaging pwesto niya, sa pinakasulok na shelves. Hindi naman yun madalas puntahan ng mga estudyante dahil paranormal books ang nandon. At hindi rin siya nagbabasa non, doon lang siya pumupwesto para makapagpahinga. Umupo na siya sa sahig at sumandal sa pader. Malinis naman ang bawat sulok ng library kaya pwede ring humiga sa tiled floor.
Nagsimula na siyang umidlip at tuluyan ng nakatulog kaagad.
Lumipas ang ilang sandali ay nananaginip na naman siya.
Nasa isa siyang kagubatan. Familiar lugar na yun sa kanya. Sa panaginip niya ay maliwanag pa sa lugar na yun. Paparating pa lang ang gabi. She's standing in a clearing. But she saw from afar a very huge tree, pakiramdam niya ito ang pinakamalaki sa lahat ng nandon. Nakakaagaw pansin ito dahil sa laki at ayos ng pagkakahubog. Pwedeng-pwede masilongan sa ulan at araw. Parang may nag-aalaga talaga nito dahil sa itsura.
Some force is urging her to get close to it. Na mamagmet siyang lumapit dito. Kaya nagsimula na siyang humakbang papunta don.
Each step she's taking, something in herself feels wrong. Alam niyang nasa panaginip lang siya. Pero nararamdaman niya ang mas lalong paglalim ng tulog at ayaw ng magising. Kaya nahinto siya sa paglalakad.
"Faith, halika.. Nandito si Francis." Rinig niyang boses ng babae. Ito din ang narinig niya nong nakaraan. "Nasamin ang kuya mo." Parang nangheheli ang boses nito.
"Si kuya?" Sambit niyang naiiyak. Gusto niya makita ito ulit. She's missing her brother forever.
"Ou. Pwede mo na siyang makasama. Halika.. Sundan mo ang boses ko."
Umiiyak na siya ngayon. "Talaga? Pwede ko siyang makasama?" Hindi niya inaasahang pwede pala ulit makasama ito. Humakbang na siya papalapit sa malaking puno. Medyo malapit na rin siya.
Nararamdaman niya sa tulog na katawan ang labis na panghihina. Parang mas lalo siyang nalulunod. Unti-unti na siyang nawawalan ng hininga dahil sumisikip dibdib niya.
Huminto siya sa paglakad. "Mamamatay ako pagsasama sa inyo."
Humalakhak ang babae. "May sakripisyo sa lahat, Faith. Nagawa ng kapatid mong magsakripisyo para sayo. Malungkot siya ngayon dahil hindi ka kasama. Hinihintay ka lang niya."
Natamaan siya sa sinabi nito. Nararamdaman ang pighati sa puso. Nag-uunahan na naman sa pagbagsak ang mga luha niya. Gusto na rin niyang mamatay dahil sa mga kasalanang nagawa. Nawala na rin naman lahat sa kanya. Ngayon, may pagkakataon siyang makasama ulit ang kapatid. Kahit sa ibang mundo pa ay gugustuhin pa rin niya yun. Than living in a mortal world that she has no one.
"Bakit nandiyan siya sa inyu?"
"Malalaman mo rin ang lahat kung sasama ka samin."
Pumasok ng library si Raimer. Kung nasa sariling katawan niya lang ay hindi na magtataka ang mga nakakakita sa kanya kung bakit siya nandon. Pero si Rain nga kasi siya sa lahat kaya naninibago ang mga to. Rain's not fond of libraries. Mahilig din naman ito magbasa, sa bahay nga lang ginagawa.
Nagtungo uli si Raimer sa Paranormal section na nasa pinakasulok na bahagi ng library. Nagiging interesado na sya sa paranormal books dahil sa sitwasyon niya. Kahit kinikilabutan ay tinitiis nalang.
BINABASA MO ANG
PERFECTLY UNORDINARY
Paranormal[TAG - LISH] Nothing could be wrong in Rain Azarcon's life. Nasa kanya na lahat, the looks, money, brain and status. But one unimaginable thing ang nagpabago ng buhay nya. No one talks to him anymore nor listen to him, not even look him in the eyes...