CHAPTER 5

25 4 0
                                    

CHAPTER 5

          "Anong pakialam mo?" Balik tanong ni Faith nang nakabawi na sa pagkagulat. Hindi na ito tinignan at nagsimula ng humakbang palayo dito at sa club.


         "It's nearly 10. Ano pang gagawin mo?" Tanong uli nito, sumusunod sa kanya.


          "What now if it's nearly 10? Wala kang pakialam sa kung anong gagawin ko." Pagsusungit niya.


          "Okay." Sabi ni Rain at di na sinundan si Faith. Hinayaan nalang niya at pumunta sa kanyang motor. Sungit at suplada talaga ng babaeng yun.


         Binuhay na ni Rain ang motor pagkatapos isuot ang helmet. Lumingon uli siya sa direksyon ni Faith. Hindi niya alam pero parang namamagnet siya dito. Pinaandar na niya yun at tinungo ang direksyon nito. Umarangkada siya at agad na huminto sa harap ni Faith. Nakita niya ang halatang gulat sa mukha nito. Lihim siyang napangiti dahil sa itsura ng dalaga. May ibang ekspresyon na rin siyang nakita sa mukha ng babae.


          "Kung may intensyon kang sagasaan ako, galingan mo naman." Nanlilisik ang mga mata ni Faith. Napakuyom niya ang kanyang kamao na nakahawak sa strap ng gitara. Gustong-gusto niyang patayin ang taong nasa harapan niya ngayon.


          Tinanggal ni Rain ang helmet. "Hindi ko yan intensyon."


          "Akala ko ba titigilan mo na ako." Sinipatan ni Faith ito at nagsimula ng maglakad uli, iniwasan ang nakaharang sa harapan.


         "Hindi ko rin sinabi yan." Sabi ni Rain sabay hawak sa braso ni Faith.


        Napaharap uli si Faith dito. Di niya akalain na gagawin yun ni Rain. Nakaramdam siya ng kuryente sa paghawak nito sa kanya. Ano bang binabalak nito? Ayaw niyang mapasangkot sa kahit anong gulo o ma-link sa kahit na sino. She can't afford to have time with those nonsense things.


          "Ano bang ginagawa mo at bakit mo ba ako pinapakialaman? Hindi tayo magkaibigan. Schoolmates lang tayo. Yun lang." Binabawi niya ang brasong hawak nito pero ayaw siya nitong pakawalan. "Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" Galit niyang sabi dito. Pinipigil lang ang pagtaas ng boses dahil ayaw niyang may makapansin sa kanila.


           "Sumakay ka. Ihahatid na kita sa bahay mo." Walang emosyong sabi ni Rain.


          Buong lakas na hinaklit ni Faith ang braso niya at umatras pa. "Wala kang karapatang utusan ako." Madiin niyang sabi. Nag-iinit na ang pakiramdam niya dahil sa galit dito.


          Napabuntong-hininga si Rain. "Tigas mo talaga. Ingat ka na lang." Sinuot na niya ang helmet at umarangkada na muli. Iniwan na niya si Faith don na nakatayo lang. Lumiko siya sa isang kalye at huminto. Ibinaba niya ang stand ng motor at tumambay saglit. Pagkatapos lang ng ilang sandali ay nakita na niya si Faith. Naglalakad lang ito ng diretso. Hindi naman siya napapansin kasi di ito tumitingin sa paligid. Medyo marami rin namang taong naglalakad sa sidewalk. Di na niya alam anong ginagawa niya. Parang naging stalker na siya nito. Inalis na niyang ang stand ng motor at dahan-dahan itong sinusundan kung saan papunta.

          Huminto na rin sa paglalakad si Faith matapos makaliko ng ilang kanto. Halos kinse minutos din yung paglalakad nya. Tiningnan niya ang wristwatch. 9:55. Hindi pa siya late. Pumasok na siya sa isang diner. Di naman sikat at mamahalin. Pero marami pa ring costumers dahil sa masasarap ang mga pagkain. Sa backdoor sya pumasok. Nasalubong niya ang ilan sa mga tauhan kagaya niya. Binati siya ng mga ito hanggang pumasok siya sa cr para makapagbihis ng uniform. T shirt na v-neck na kulay blue lang. Tapos kinuha pa apron niya. Itinali ang buhok into a ponytail. Isa syang busgirl sa trabaho niya na to. 24/7 ang diner. Hanggang alas dose lang naman siya, dalawang oras lang na pagtatrabaho dito. Kaibigan lang din niya ang may ari dahil kapatid lang ito ng owner ng bar na tinugtugan kanina. Nagtatrabaho lang siya dito kung kailan vacant at gusto niya. Dagdag bayad na rin sa gastusin at pag-iipon.

PERFECTLY UNORDINARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon