CHAPTER 17

27 1 0
                                    

CHAPTER 17



        "Rain.." Sambit ni Faith sa pangalan niya. He felt relieved hearing his name on her lips. Gising na nga talaga ito. He's continually gently rubbing his thumb on her cheeks, doing it unconsciously. Saka lang yun natigil nang hinawakan ni Faith ang kamay niya and pushed it away from her.

        Binawi rin nito ang kamay na hawak niya. Dahan-dahan itong bumangon paupo. Rain remained kneeling on the floor, facing her. Sumandal si Faith sa pader, ipinikit ang mga mata. Iniisip ang tungkol sa kuya niya, tapos dumagdag pa si Rain na nasa harapan.


        Hindi muna nagsalita si Rain, tinititigan lang niya ang mukha ng dalaga. Ramdam niyang may nangyayari, pero hindi alam kung ano yun.



        She felt the longing pain. The pain of losing her only brother. Napatango siya, tinatago ang mukha sa kaharap. Tumatabon din ang mahaba niyang buhok. She felt it like it was just yesterday. Sa pagkamatay nito dati, hinintay niyang magpakita ang kaluluwa nito, pero hindi ito nagpakita. After how many years, ay ngayon lang ulit. Ngayon lang at nasa hindi maintindihang sitwasyon pa. Namatay ito dahil sa kanya. It was her fault. Until now, she's blaming and punishing herself.

        She bit her trembling lips. She hated herself. She hated what she's able to. Because of their abilities, nawala ang lahat sa kanya. A tear escaped from her eyes, followed by more. Her loving and complete family before, ay nabawasan at nagkawatak-watak na. A sob came out from her.

        Nalilito si Rain sa nangyayari. Kahit hindi niya makita ang mukhang natatabunan ng buhok ay rinig niya ang mahinang hagulgul ng pag-iyak nito. Her shoulders are shaking. Dahan-dahan siyang tumayo at sumampa sa kama.


        Mabilis ang tibok ng puso niya at parang nahihirapan siyang huminga. "Faith.." Malumanay niyang sambit sa ngalan nito. He slowly moved closer to her. Hindi niya alam bakit, but he feels like his heart is breaking again, seeing her in this situation. Parang hindi ito ang babaeng nakikita niyang masungit sa halos lahat ng tao. Ang babaeng minsan na niyang narinig na tinatawag na 'cold-hearted' sa school nila. Bawat hagulgul nito ay tumutusok sa puso niya.


        He's clenching his fist, pinipigilan ang sariling hawakan ito. He knows that she don't want him to touch her. But, damn it! Hindi na niya mapigilan ang sarili.

        Rain moved her hair aside, her hands are hiding her face. Kung ayaw nitong ipakita ang mukha, then fine. He pulled her to him and chained in his arms. Mahigpit na lang niya itong niyakap. He don't know why he can't stop himself from her. Sa babaeng ito, lumalabas ang pagiging protective niya. He never want her to get hurt. Gusto niya itong protektahan sa lahat.

        Mas nauuna pa ang pag-aalala niya kaysa sa  pagtataka kung bakit umiiyak ito.


        Then he felt she wanted to get free from him. Kahit ayaw bitawan ay pinakawalan pa rin niya. She moved aside and stood up. Sinundan nalang niya ito ng tingin.

        "Umalis ka na, Rain." Napapaos na utos nito. Nanatiling nakatalikod sa kanya.

        Napabuntong-hininga siya. Bakit ba hindi na siya nagulat don? Well, ganitong Faith ang kilala niya. He felt somewhat better that in just a moment, naging amasona ulit ito.

        Tumayo siya at hinarap ito. Nakapagitan sa kanila ang kaunting liwanag na galing sa buwan, sumisilip sa bintana. Nanatiling nakatango lang ang ulo nito. Ayaw siya tignan.

PERFECTLY UNORDINARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon