CHAPTER 6

22 4 1
                                    

CHAPTER 6

          Nasa swimming pool area si Rain, ang kakambal, at mga barkada nya. Maraming naka swimsuit attire dahil pool party ito sa mansyon nina Kent. Nasa business trip kasi ang parents nito buong weekend kaya pwede nitong gawin lahat ng gusto sa bahay. Si Rain ay naka swimming trunks lang. Kaya kung sinu-sinong mga babae ang lumalapit sa kanya dahil naglalaway sa katawan nya. Malapit na rin mag 9pm kaya medyo natatamaan na rin ng iniinom. Inabutan nya ng alak si Raimer pero tumanggi ito.


         "Bro, inumin mo na. Just live for once!" Kumbinsi nya dito.


          Nakaupo lang si Raimer sa pool side. Tiningnan niya lang ang boteng iniabot sa kanya ng kakambal. "You know that I don't drink, so stop making me." Wala sa mood na sagot.


          "Com'on, Raimer." Tinapik ni Jason ito, nakasquat sa tabi. "Pa'no mo naging kakambal si Raindell Azarcon? You're too opposite. Everything is opposite. Well, except for the looks. Halata naman yan ng lahat. But still, you know what i mean." Medyo nagkakabulol na sabi ni Jason. Natatamaan na rin kasi to.


         "Jason's right. You two really complement each other." Sang-ayon ni Kent at tumungga ng alak.


           Kahit malakas ang tugtug ng sayawan ay nagkakarinigan pa rin naman sila kasi nasa kabilang side sila ng pool.


          "Hey, Raindell baby.." Malakas na tawag ni Michell, malapad ang ngiti nitong nang aakit pero hindi na steady ang lakad, papalapit ito sa kanila.


          Tumayo na si Raimer para salubungin sana ito at tulungan sa paglakad. Pero hindi ito pinansin ni Michell. Deritso lang ang lakad nito kay Rain.


          Napatingin silang lahat dito. Halatang lasing na. Nakaswimsuit lang din. Paglapit kay Raindell ay natapilok ito at tumilapon ang ibang laman ng basong hawak. Alak din laman nyon. At mabuti nayakap sya ni Rain kundi masusubsub sana sya sa sahig. Medyo nalalasing na nga din si Rain pero na steady pa rin nya ang bigat nilang dalawa.


         Tumingin si Rain sa mga mata ni Michell. "Kahit gano pa ako kalasing, hinding-hindi kita papatulan, Michell. You're out of my list." Binitawan na nya ito at dumistansya.


          "Why Rain?" Nagsisimula ng tumulo ang luha nito. "Maganda naman ako ah, sexy din ako, matalino, mayaman. So, what's wrong? Ano bang mali sakin?! Hindi mo man lang ako magustuhan." Halatang hindi na nito kontrolado ang sariling emosyon.


         "Because you're one of the people i'm closest to. I'm not for you and you don't deserve me either. You're not a slut, Michell. So, i won't treat you like one." Lumalabas na din ang mga gusto niyang sabihin sa kababata. "Kung talagang matalino ka, stop liking or worst, loving me."


         "Bro.." Sambit ni Raimer.


         "tama na.. Ang sakit na." Sabay alis na sabi ni Michell. Tumakbo na ito sa kung saan.


         "Michell!" Pagtawag ni Raimer dito at sinundan ang babae.


         "I never expect that you'd really tell her that." Napailing na sabi ni Jason at inabotan sya ng isang bote ng alak.


           "Bakit kasi di nalang mag move-on yang si Michell sayo. Obviously, hindi na hihigit sa kaibigan o kapatid ang turing mo sa kanya." Dagdag ni Kent at umupo sa isang bench.


          "That's what i'm trying to make her realize." Lumagok sya ng alak. "But hell, she's so stubborn to accept that."




PERFECTLY UNORDINARYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon