Chapter 1

4.6K 143 33
                                    

Sa-Sa POV

Nandito ako ngayon sa apartment na tutuluyan ko, dito kasi ako sa manila mag-aaral ng kolehiyo. Maganda sana kung ang nakuha kung apartment ay malapit sa school kaya lang ang mahal ng renta. Okay narin itong nakuha ko kaya lang kailangan pa muna ng isang sakay bago ko marating ang skwelahan namin.

Hindi naman ito gaanong malaki, pagpasok mo ay may sala na merong lumang sofa pero okay pa naman, meron ding tv sa harapan. Then kitchen na kung saan nandoon ang nag-iisang CR namin. Tapos dalawang kwarto na tig-iisa kami ng pinsan ko.

Kagagaling ko lang kaninang umaga sa probinsya namin. Nagpahinga lang muna ako kanina kaya heto ako ngayon hindi parin natatapos na ayusin ang mga gamit ko. Marami pa din akong mga kulang na gamit dito kaya mamaya ay mamimili ako. Bubuhatin ko na sana ang ibang gamit kaya lang ay tumunog naman itong tiyan ko. Ay sheyytt!!! hindi pa pala ako nakapag-tanghalian, alas 3 na ng hapon. Naku naman mapapagalitan ako nito ni lola, mamaya tatawag na yun para kamustahin ako.

"Abbei sasama ka ba sakin lalabas ngayon? Hindi pa kasi ako nakapag-tanghalian at mamimili narin ako ng mga groceries natin dito" sabi ko sa pinsan kong nakatunganga lang sa tv dito sa sala.

Siya si Abbei Santos, ang pinsan ko sa mother side. Magkapatid kasi ang mama ko at ang mama niya. Lola niya rin si lola Minda which is ang lola ko na nagpalaki sakin.

"Bukas nalang ako lalabas ate, gusto ko kasi munang magpahinga"

Mas matanda ako kay Abbie ng limang buwan at ewan ko ba bakit tinatawag niya pa akong "ate". Haay! Baka nakasanayan niya na siguro.

"Nga pala Abbei may nakita akong lalake sa tapat ng apartment natin hinahanap ka, kilala mo ba yun?"

"Pinsan ko yun sa father side, wag kang magkakamaling kausapin yun, suplado kasi eh. Palibhasa kakabreak palang nila ng girlfriend niya. Kaya iwasan mo siya kung maaari"

"Ah ganun ba? Okay! Wala naman akong planong kausapin yun eh. Sige na aalis na ako kanina pa nag-aalboroto na itong tiyan ko. May gusto ka bang ipabili?"

"Pizza nalang ate" tumango lang ako at umalis na.

Nag jeep nalang ako para mas makatipid. Ang gastos kasi kapag magta-taxi pa ako. Nakatingin lang ako sa bintana ng naramdaman kong may tumabi sakin, nilingon ko naman ito at nanlalaking mga mata na tinitigan ko siya. Napatitig din siya sakin at gulat rin ang reaksyon. OhEmmm! Paano ko makakalimutan ang magaganda niyang mga mata na nakakatunaw kapag tumingin? Ang Matangos niyang ilong na masarap pingutin. At ang labi niyang mapupula na ang sarap halikan- What!? erase! erase!.

Ba't sya nandito? Dito din ba siya mag-aaral? Tskk! Syempre naman Sa-sa. Rich kid yan kaya dito siya sa manila mag-aaral. Ikaw ngang laki sa hirap eh dito mag-aaral, siya pa kaya. Sita ko sa sarili.

"Oh! Empire nandito ka pala, anong ginagawa mo dito?"

Tumitig lang ako sa kanya na parang gulat pa din. Seriously? Nandito sa harap ko si ROYAL JOZIAH YBASCO?

Ang first love ko- este mortal enemy pala. Ang childhood sweetheart ko- Tsk! Yan ang sabi nila. Sinampal ko muna ang sarili ko baka kasi nagha-hallucinate lang ako sa sobrang gutom. Arayy!! Ang sakit huhuhu. Narinig ko naman ang pagtawa niya hudyat na totoo nga. Aisshh!!! Nakakahiya bess huhuhu.

"Ha? Ah Oo. Dito a-ako mag-aaral"

Syett na malagkit, bakit ako nauutal? Bakit? Sabihin niyo kung bakit?

"Ah ganun ba? Dito din kasi ako sa manila mag-aaral, ano bang kinuha mong kurso?" sabi niya sabay ngiti.

Ohhhmmyyyyghhaaaddd!! Wag mo akong ngitian. Mas lalo ka lang nagiging gwapo- Ayy! Halimaw pala sa paningin ko. Bigla tuloy akong na concious sa aking itsura. Haiist!

Always Be My Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon