Chapter 9

1.6K 60 0
                                    

Sa-Sa POV

"Ate? Ate yuhoo! Gising na"

Ang aga-aga ay dinig na dinig ko na kaagad ang ingay ng bunganga ng pinsan kung isip-bata. Humihikab na ninuksan ko ang pinto ng kwarto.

Nakita ko siyang nakabihis na at paalis na yata. Anong oras na ba? Parang ang aga naman yatang umalis nitong babaeng 'to.

"Oh?" Bungad ko sa kanya

"Oh my gosh ate, are you okay?"

"Ang aga-aga insan ha, wag mo akong ini-english"

"I mean bakit kasi ang putla-putla mo? Ayos ka lang ba?"

"Meron yata ako" sabi ko sabay tingin sa tagos ng pajama ko.

"Ha? Eh paano 'yan? Hindi mo ngayon makakausap si kuya jozh. Akala ko pa naman mag kakaayos na kayo ngayon"

"Bahala na. Ang sakit kasi talaga ng puson ko. Alam mo naman kapag may dalaw ako eh hindi maganda ang pakiramdam ko"

"Magpahinga ka nalang muna ate. Ang putla mo kasi eh. Kaya mo ba dito mag-isa?"

"Oo. Itutulog ko nalang ito"

"Sige aalis na ako"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na kaagad siya. Natulog na lang ulit ako baka sakaling mawala ang sakit sa puson ko.

Nagising ako ng may narinig akong katok sa pinto ng kwarto ko. Babangon na sana ako ng nakaramdam ako ng sobrang sakit sa puson ko.

"Ah-eh pakibuksan nalang" sigaw ko sa kung sino mang tao ang kumatok.

Nanlaki ang mata ko ng makita si jozh na pumapasok ngayon sa kwarto ko at mukhang nag-aalala. Teka! Ba't siya nandito? Akala ko ba galit sakin ang isang 'to?

"Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Ha? T-teka ba't ka nandito?"

"Bakit, inaasahan mo bang si kuya es-es mo ang pupunta dito?"

Tinikom ko kaagad ang bibig ko. Galit nga siya.

"H-hindi naman sa ganun pero kasi....paano mo nalaman na masama ang pakiramdam ko?"

"Tinawagan ako kaninang umaga ni abbei na masama raw ang pakiramdam mo"

"Hala! Inabala ka pa ng pinsan kong 'yun. O-okay naman ako eh. Kaya ko naman ang sarili ko"

"Okay ba ang tawag mo diyan? Eh namumutla ka na nga at namimilipit sa sakit, atsaka...." Hindi niya natapos ang sasabihin kasi mukhang nahihiya pa siya.

Nakita kong nakatingin siya ngayon sa tagos ko na nasa bedsheet na ngayon. Hala! Kainis! Nakakahiya! Paano ba naman kasi eh hindi ako nakabili ng mga sanitary napkins. Naalala ko noon na sinamahan niya ako bumili ng groceries at pinapili niya sakin kung anong brand ang ginagamit ko. Huhu sana pala ay bumili nalang ako kahit isang pack lang.

"A-ano kasi..." Hindi ko matapos ang sasabihin kasi nahihiya naman akong magpabili sa kanya ng napkin.

"Wala kang napkin?"

Huhuhu! Masyado naman siyang straight forward. Nakakahiya na talaga, lalake pa naman siya. Hindi niya dapat akong makitang ganito.

As in HINDI DAPAT AT HINDI MAAARI. Tingin ko tuloy ay naapakan na ang dignidad ko. Huhuhu at siguro namumula na naman ang mukha ko.

"Wag ka ng mahiya. Open minded ako, para saan pa at naging nursing ang kurso ko kung binibigyan ko ng malisya ang mga bagay na yan"

Ramdam ko parin sa salita niya na masama parin ang loob niya sakin dahil sa nangyari kahapon. Nakokonsensiya na talaga ako. Huhuhu

"Eh hindi mo naman ako pasyente eh"

"Hindi nga ba?" Napatahimik nalang ako sa sinabi niya. May point nga rin naman siya.

Napanguso nalang ako pero naagaw ko ang atensyon niya. Lumapat kaagad ang mata niya sa labi ko. Nakagat ko tuloy ito sa hiya.

"Wag mo akong inaakit empire, baka makalimutan ko na may kasalanan ka pa sakin" sabay iwas niya ng tingin.

"Hindi naman—"

"Binilhan narin kita ng napkin kanina ng papunta ako rito. Kasi alam kong wala kang stock dito sa apartment mo. Remember nung nag grocery tayo?" pag-iiba niya ng usapan.

Tsk! Pinaalala niya pa talaga. Lumapit siya sakin at tinulungan ako. Arghhh! kina-iinisan ko talaga kapag may dalaw ako kasi ang sakit-sakit parati ng puson ko. Feeling ko anytime ay mapuputol na ang puson ko at mahahati na sa dalawa ang katawan ko.

Noon ngang first time ko ay inakala ko na baka maging manananggal na ako dahil para talagang mapuputol yung katawan ko. Kahit ang maglakad ay hindi pa maayos kaya pinulupot sakin ni jozh ang kumot dahil nga natagusan ako at tinulungan niya akong maglakad papuntang banyo.

"Kung buhatin nalang kaya kita?" bulong niya sa tenga ko habang nakakunot-noo.

"H-hindi. Okay lang" iling ko pa.

Pagkatapos kong magpalit ay paika-ika akong naglakad papuntang kwarto ko. Feeling ko tuloy ay parang matanda akong uugod-ugod. Napatulala ako ng makita si jozh na pinapalitan ang bedsheet ko na kanina ay natagusan. Oh Emm! Akala ko pa naman ay umalis na siya. May pasok pa ang isang 'to eh. Bigla naman siyang napalingon sakin. At tinulungan niya akong mahiga ngayon sa kama.

"Pinakialaman ko kanina ang kabinet mo at naghanap ako ng bagong bedsheet. Pinalitan ko narin para makapag pahinga kana"

"S-salamat" nag-aalangan pa akong ngumiti.

"Nga pala, nag almusal ka na ba?"

"W-wala akong gana"

"Hintayin mo ako dito"

"T-teka jozh—" hindi ko natapos ang sasabihin kasi nagsalita na naman siya.

"Sabi ko hintayin mo ako dito!!"

Pagkatapos niyang sabihin yun ay lumabas na siya. Ba't ba kasi ang seryoso niya? Namimiss ko na tuloy ang malokong jozh na palagi akong iniinis. Hayy! Siguro masama parin loob niya.

Maya-maya lang ay bumalik na siya na may dalang tray at wala akong magawa kundi kainin ang dala niyang pagkain. Mahirap na baka magalit na naman sakin ang isang 'to.

"Jozh, umalis ka na. Late ka na kaya sa klase mo"

"Pinapaalis mo na naman ba ako?" walang reaksyon niyang untag.

"H-hindi naman sa ganun, pero kasi baka naman aabsent ka dahil lang sakin"

"Shhhh! Magpahinga kana muna. Mamaya ka nalang magtatatalak diyan kung maayos na yang itsura mo"

Nilagay pa niya ang daliri niya sa bibig ko para patahimikin ako. Inilapit niya ang kanyang bibig sa tenga ko sabay bulong....

"Kasi ang pangit-pangit mo ngayon. Hindi tuloy ako maka-concentrate sa pagka-usap sayo dahil natatawa ako sa mukha mo" sabay tawa ng malakas habang sapo ng kamay niya ang kanyang tiyan.

Walanghiya talaga ang isang 'to! Nambe-bwesit na naman. Tinalikuran ko nalang siya at ipinikit ko na ang mga mata ko. Hindi ko namang maiwasang mapangiti dahil mukhang magkakaayos na kami.

Always Be My Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon