Chapter 12

1.5K 53 0
                                    

Sa-Sa POV

Kakarating lang namin sa apartment at itong mokong na kasama ko ay wala yatang balak na kausapin ako. Tsk! Daig pa ang babaeng may mens. Sinalubong kami ni abbei sa pinto na may malaking ngiti sa mga labi.

"Hellooooooo!!!!! Everything's ready" sabi ni insan at kumindat pa kay jozh, ngumiti lang din ng tipid si jozh sa kanya. At dumiritso na pumasok sa apartment.

Teka, hindi pa ba uuwi ang isang yun? Gabi na ah, sinundo-sundo pa kasi ako. Alam naman niyang 6 pm ang uwi ko tuwing friday. Siniko ako ni insan kaya napalingon ako sa kanya.

"Anong nangyari dun? Umalis pa siya kanina na ngumingiti, eh ba't nakabusangot ngayon yan?" pang-iintriga niya.

"Aba malay ko diyan"

"Ikaw ha, may tinatago ka pa sakin. Halika na nga at kumain na tayo"

"Sandali lang at magbibihis lang ako insan" dumiritso ako sa kwarto ko at nagbihis muna.

Magha-half bath pa sana ako kaya lang ay nandun sila sa kusina, eh nandun pa naman ang nag-iisang banyo dito sa apartment namin. Tsk! Mamaya na nga lang. Pumunta na din kaagad ako sa kusina pagkatapos kong magbihis. Naabutan ko sila na umuupo na at ako nalang yata ang hinihintay.

"Hmmm... Mukhang masarap ah. Sinong nagluto?"

"Sino pa ba sating tatlo ang marunong magluto ate?"

Sino pa nga ba?

"I-ikaw nagluto nito jozh?"

Tango lang ang nakuha kong sagot. Hayy!! Wala bang planong magsalita ang isang 'to? Nagsimula narin naman kaming kumain and OhEmmmm..

"Woaah! Ang sarap naman nito jozh, marunong ka palang magluto?" hindi nakaligtas sakin ang pasimple niyang pagngiti.

"Naku ate kung nakita mo lang sana siya kanina habang nagluluto. Mapapabilib ka talaga"

"Turuan mo naman ako minsan jozh"

"Ba't sa akin?" tipid na tanong ni jozh.

"Eh ang sarap mo kayang magluto. At kapag marunong na akong magluto ay ipapatikim ko kaagad sa inyo. Bilang isang babae kasi ay nakakahiya na ang asawa ko lang ang palaging magluluto para sakin"

"So na i-imagine mo ate na si kuya jozh ang asawa mo at siya nalang palagi ang magluluto? Waaah! pasimple ka rin ate ha" mahina pang hinampas ni abbei ang braso ko.

Napakunot-noo ako sa sinabi ni insan. Ano bang klaseng utak mayroon ang pinsan ko? Ba't hindi parin ito nagma-mature? Arghhh!! Nakakahiya!! Tingin ko tuloy ay namumula na itong pisngi ko huhu!! Pati si jozh ay ngumingiti narin habang nakatingin sakin. So akala niya nakakatawa? Grrr!!

"Manahimik ka nga diyan. Kung ano-anong kadumihan ang tumatakbo sa isip mo" sita ko sa isip-bata kong pinsan.

"Hahaha Ayieeee! Si ate namumula"

"Shut up Abbei" inis kong singhal.

"Hahaha okay lang naman sakin na ako lang palagi ang nagluluto para sa asawa ko eh. Pero maganda din naman yang idea mo empire. Kasi kapag ako ang asawa mo ay kakainin ko kahit hindi gaanong masarap. Hahaha Ganyan kita ka mahal Hahaha" sabat ni jozh.

Waaaahhh! Sa wakas hindi na siya tipid magsalita pero ba't naman pinagtutulungan nila akong asarin? Huhuhu mukhang ang saya-saya pa naman nila. Yumuko nalang ako at binilisan ang pagkain kahit pa mukhang mabibilaukan na ako sa pagmamadali. Huhuhu kainis kasi ang dalawang 'to.

Always Be My Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon