Sa-Sa POV
"Tumawag si mama, pinapapunta tayo sa bahay"
"Ha? Bakit daw?" tanong ko habang nakatitig parin sa higad na babaeng papalapit samin.
"Baby diba girlfriend na kita, ipapakilala kita para maging legal na tayo. Tsaka birthday mo kaya ngayon baka gusto kang batiin ni mama. Namiss ka na siguro"
"Hala! Nakakahiya naman"
"Hahaha ba't ka mahihiya? Eh botong-boto kaya si mama sayo at si papa ganun rin"
Hindi ako nagsalita kaya bigla siyang napatingin sa tinitingnan kong higad na papalapit samin. Ngumiti ang haliparot ng mapatingin sa kanya si jozh. Grrr!!
"Lovell?"
"Ako nga. Jozh nandito ka pala, hindi mo man lang sinabi sakin. Hmmpp! Nakakainis ka" sabi pa nito at biglang yumakap kay jozh.
"Lovell t-teka wag mo kong yakapin"
"Hahaha ano ka ba jozh. Wala namang magseselos eh. Namiss kaya kita"
Mas hinigpitan pa niya ang yakap sa BOYFRIEND KO. Pigilan niyo ko at baka makalmot ko 'tong babaeng ito. Baka higpitan ko rin ang pagkakahila ng buhok niya. Bigla namang napatingin sakin si jozh na parang humihingi ng tulong. Tsk! Napalunok pa siya nang hindi na maipinta ang mukha ko.
"Mauna na ako BABY mukhang busy ka kasi makipaglampungan sa babaeng yan. At baka kasi hinihintay na tayo ng mama mo na magiging mama ko narin. Lovell, gusto ko lang ipaalam sayo na BOYFRIEND KO ang nilalandi mo!" Sabi ko sabay alis pero syempre flip hair muna. Tsk! Dapat palaban tayo.
Nagsimula na akong maglakad papalayo sa kanila. Ayokong iwan ang boyfriend ko doon pero may tiwala naman ako sa kanya. Sa babaeng yun wala talaga eh. Mga bata palang kami ay alam kong may gusto na yung babaeng yun sa BOYFRIEND KO.
"Hahaha sorry lovell. Bawal akong lumandi at magpalandi, kundi papatayin ako ng girlfriend ko"
Yun ang huli kong narinig na sinabi ni jozh. Bago tuluyang mapalayo sa kanila.
"Happy birthday iha. Buti naman at nakadalaw ka" bungad sakin ni tita nang papasok na kami sa bahay nila jozh.
"Salamat po tita"
"Hahaha sabi ko na nga ba na magiging kayo din ni bunsoy"
Tipid lang akong ngumiti. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napalingon sakin si jozh. Tsk! Dedma lang si ate girl! Manigas ka diyan.
"Hahaha oo nga mama. Ang swerte ko sa girlfriend ko" sabi pa niya sabay akbay sakin.
"Halina kayo sa hapag at para makapagdinner na tayo"
Nang tumalikod si tita ay kinalas ko kaagad ang pagkakaakbay ni jozh sakin. Ayoko nga! Niyakap siya kanina ni lovell tapos yang mga kamay niya iaakbay niya sakin? No way! Baka maging higad din ako kagaya ng babaeng yun.
"Baby naman, sorry na"
"Magandang gabi po tito" sa halip na pansinin ang sinabi ni jozh ay lumapit ako sa papa niya at nagmano.
"Magandang gabi din iha. Happy birthday pala, sinabi kanina samin ni jozh na kayo na raw" tipid na ngumiti ako kay tito. Medyo nahihiya parin kasi ako.
Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam na din kaagad akong umuwi. Nakakatuwa lang dahil naghanda pa talaga si tita, naramdaman ko tuloy ang aruga ng isang ina. Atsaka siya rin mismo ang nag bake ng cake para sakin. Gusto niya pa nga na mag wish daw ako. Ang swerte talaga ni jozh sa mga magulang niya.
BINABASA MO ANG
Always Be My Baby (COMPLETED)
Teen Fiction"Ako si Sassy Empire Alvarez, at ang isang Royal Joziah Ybasco ay hinding-hindi ko dapat mamahalin o kahit magugustuhan man lang" Yan! Tinatak ko yan sa puso't isip ko at sinilyuhan ng mahigpit, kinandaduhan ko rin upang hindi mawala sa puso't isip...