Sa-Sa POV
Kanina pa kami paikot-ikot ni kuya Es-es sa loob ng mall. Wala akong ka-ide-idea kung saan ba talaga kami pupunta. Kanina pa din siya tingin ng tingin sa cellphone niya.
"Kuya, ba't ba tayo nandito sa mall? Kanina pa tayo dito ikot ng ikot, may bibilhin ka ba?"
"Wala. Halika, manuod muna tayo ng sine"
Nagkibit balikat nalang din ako at nagpahatak na sa kanya papuntang sinehan.
Bumili pa muna kami ng drinks at makakain bago kami pumasok. Hahaha ang dami siguro nitong pera ngayon, libre kasi ng libre sakin. Sino ba naman ang hindi matutuwa diba? Sa wakas nakapagpahinga narin ang wallet ko. Hihihi.
Nang nasa kalagitnaan na ang pinapanuod namin ay bigla akong kinilabit ni kuya. Nilingon ko naman siya at ngayon ay kinakalikot na niya ang kanyang cellphone. Maya-maya lang ay tiningnan niya na din ako at biglang lumapit sakin. Woah! Ang lapit-lapit naman ng mukha niya.
"B-bakit kuya?"
"Pwede bang huwag na nating patapusin ang movie na yan? Nandito na kasi siya" bulong niya sakin.
Masyado kasing focus ang mga nanonood baka mamaya ay patahimikin pa kami kung daldal kami ng daldal.
"Ah sige, halika na"
Nauna na akong tumayo at lumabas. Sumunod lang din naman siya sakin. Hindi ko alam kung saan kami pupunta kaya lumingon ako sa kanya. Lumapit siya sakin at inakbayan ako papuntang restaurant malapit dito sa mall. Napakunot-noo ako ng makita na madilim na pala sa labas.
"Ayun siya" turo niya sa babaeng naka-upo sa pinakadulong bahagi ng restaurant.
Kumaway ang babae ng makita kami. Habang papalapit kami ng papalapit ay nakita ko ang mukha niya. Woah! Sobrang ganda. Huhuhu nanliit tuloy ako sa sarili ko.
"Sa-sa meet Audrey, my girlfriend" pakilala sakin ni kuya es-es sa babaeng maganda.
Wait! What? G-girlfriend niya? Woah! Ang ganda! Saludo na talaga ako kay kuya es-es. Ngumiti ako kay kuya es-es na parang ine-echos siya.
"Ang ganda!" I mouthed at kiniliti ang tagiliran niya. Tumawa siya sa ginawa ko.
"You must be Sa-sa?"
Napatingin ako kay audrey at napatango. Tapos lumapit siya sakin at nag beso. Ganito ba talaga dapat kapag mayayaman? Beso-beso? Aish! Hindi ako sanay.
"Nice meeting you Sa-sa. You know what, palagi kang kinu-kwento ng kuya Es-es mo sakin. And no doubt ang ganda mo pala"
"Hahaha sobra naman po kayo Ate Audrey. By the way okay lang po ba na ate ang itawag niyo sakin?"
"It's okay for me"
Dumating na din ang aming order at nagsimula na kaming kumain. Kanina pa pala umorder si ate audrey. Eh kasi nanood-nood pa kami ng movie kanina eh, yan tuloy nakakahiya.
"So Sa-sa, mauuna na siguro akong umalis sa inyo. May family dinner kasi dapat kami. Tumakas lang ako sandali para makita ang Kuya es-es mo bago siya umuwi sa probinsya"
"Wow! Ang sweet niyo naman ate"
"Haha sige na mauna na muna ako sa inyo. Sana magkita tayo ulit at makapag bonding. Yung salon-salon haha"
"Babe naman, iimpluwensyahan mo pa si Sa-sa sa pagkaaddict mo diyan sa mga salon na yan ha" sabat ni kuya Es-es sa gilid.
"Haha normal naman sa aming mga babae yun. Anyway kailangan ko na talagang umalis. Bye"
"Bye ate. Nice meeting you" kaway ko.
"Ihahatid na kita babe"
"Naku wag na. Dala ko din naman ang sasakyan ko"
"Oh sige take care" humalik pa si kuya sa pisngi ni ate audrey.
Ang sweet naman nila. Kinikilig tuloy ako. Umalis din kaagad si ate Audrey.
"Mukhang lalanggamin naman ako sa inyo kuya hahaha"
Magsasalita na sana siya kaya lang biglang tumunog ang cellphone ko.
[Calling: RJY] (Royal Joziah Ybasco)
Oh my ghad! Nakalimutan ko na susunduin niya pala dapat ako. Huhu kinakabahan tuloy ako. Teka! Anong oras na ba? Napatingin kaagad ako sa relo ko at 7:01 pm na pala. Hala! Uuwi din pala dapat ako sa probinsya. Huhuhu 3 hours pala ang inabot namin kakalibot dito sa mall. Nang sinagot ko ang tawag ay nanginginig pa ang kamay ko.
[Sassy Empire Alvarez!]
"J-jozh, uhmmm hihi"
[Anong hihi? Nasaan ka?]
"Uhmm ano..." parang naubusan ako ng sasabihin. Huhu tulong. Napatingin tuloy sakin si kuya es-es.
[Kanina pa ako dito sa labas ng school niyo, 1 hour to be exact. Nasaan ka ba?]
"Uhmmm ano... wag kang umalis diyan. Papunta na ako"
[Sige hihintayin kita. Ingatan mo ang sarili mo]
"Sige bye" binaba ko narin ang tawag at tumingin kay kuya Es-es.
"Sino yun?"
"Si jozh, kuya. Nakalimutan ko na susunduin pala niya ako. Mauuna na din siguro ako sayo"
"Teka lang, ihahatid nalang kita sa eskwelahan. Sabay din naman tayong pupuntang probinsya eh"
Tumango nalang ako. Mabuti narin siguro yun. Nang marating namin ang eskwelahan ay nakita ko si jozh na nakasandal sa kotse niya habang nakatingin sa gate ng paaralan. Lumingon siya sa amin ng marinig ang pag-ugong ng sasakyan. Napakunot-noo siya ng makita ako.
"Jozh" tawag sa kanya.
Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Huhuhu kasalanan ko talaga na pinaghintay ko siya ng isang oras. Tsk! Bakit ba kasi nakalimutan ko.
"Empire, supposed to be eh dun ka dapat galing sa loob ng gate na yan (sabay turo sa gate ng paaralan). Now tell me, bakit sa kotse na yun ka lumabas?" (turo naman niya sa kotse ni kuya es-es)
Jusko! Kinakabah ako sa tanong niya. Interrogate ba 'to?
"Uhmmm ano kasi jozh..." kamot ko sa ulo.
"Nagdate kayo?"
Umiling kaagad ako. Ba't niya naisip yun?
"Hindi. Uhmmm ano..."
"Pumasok ka sa kotse" sobrang seryoso na niya.
"Teka—"
"Ayaw mo? Gusto mo ba dun ka sa kotse na yun sumakay?" turo niya sa kotse ni kuya Es-es. Nakatanaw lang din naman si kuya es-es samin.
"Oo na, sasakay na"
Kasama niya pala ang driver nila ngayon. So kaming dalawa lang ngayon ang nandito sa likuran ng kotse. Wala siyang imik kaya tumahimik narin ako. Dumiretso kami sa Terminal ng bus papuntang probinsya at nakita ko na dala-dala niya ngayon ang kaisa-isang bag na inimpake ko kaninang umaga. Yun lang kasi ang dadalhin ko papuntang San Juan. Nagtataka ko siyang tiningnan.
"Kinuha ko na kanina ang bag mo bago ako nagtungo sa paaralan ninyo para sunduin ka sana. Naabutan ko kasi si abbei doon sa apartment niyo na uuwi din pala sa bahay nila" sabi niya na hindi nakatingin sakin.
Napatango nalang ako. Sumakay kami sa bus papuntang San Juan. Haist! 'ni wala man lang siyang dalang bag kahit isa.
BINABASA MO ANG
Always Be My Baby (COMPLETED)
Teen Fiction"Ako si Sassy Empire Alvarez, at ang isang Royal Joziah Ybasco ay hinding-hindi ko dapat mamahalin o kahit magugustuhan man lang" Yan! Tinatak ko yan sa puso't isip ko at sinilyuhan ng mahigpit, kinandaduhan ko rin upang hindi mawala sa puso't isip...