Sa-Sa POV
Naglalakad na kami ngayon ni jozh papuntang palengke. Since hindi naman talaga malaki ang probinsya ng San Juan ay walking distance lang ang palengke. Hindi naman ito masyadong malapit pero hindi rin masyadong malayo. Dala-dala ko ang bayong na binigay sakin ni lola at ang listahan ng bibilhin ko.
"Mukhang makulimlim yata ngayon ang langit" tumingala ako sa langit dahil sa sinabi ni jozh. Ang dilim nga at parang anumang oras ay bubuhos na ang ulan.
"Hala! Parang umaambon na yata"
"Halika na empire sumilong muna tayo"
Hinawakan ni jozh ang braso ko pero hindi parin ako natinag sa pagkakatayo sa gilid ng kalsada at nakatingala parin sa langit. Ramdam ko ang bawat butil ng ulan na pumapatak sa aking mukha.
"Hoyy empire dali na, mababasa ka niyan eh" saway niya sakin.
"Hahaha jozh maligo tayo sa ulan"
"Ano?"
"Namiss ko maligo sa ulan. Diba noong mga bata pa tayo ay tumatapat tayo sa alulod kapag umuulan? Haha namiss ko yun"
"Ha? Eh baka naman magkasakit ka nito"
"Hahaha hindi yan"
Wala din namang nagawa si jozh kundi samahan ako sa paliligo sa ulanan. Hahaha ang lamig ng tubig.
Nagsilabasan narin ang mga bata sa kani-kanilang mga bahay at nagsitakbuhan sa ulanan. Feeling ko tuloy ay isa ako sa kanila na masayang-masaya na nagtatampisaw.
Noong mga bata kami kapag hindi naman umuulan ay lagi kaming naliligo sa irigasyon ng palayan nila kuya Es-es. Sa probinsya kasi namin ay sila ang may malawak na palayan. Tapos kapag nakikita ako ni lola ay palagi niya akong pinagsasabihan na 'Kesyo bakit daw sa irigasyon pa ako maliligo eh meron naman kaming balon at timba sa bahay'. Hahaha noon kasi ay wala pang gripo dito, buti naman ngayon meron na. Hayy! gusto ko tuloy bumalik sa pagkabata. Thinking about the younger years huh!
"Jozh diba noon wala pang kongkritong kalsada dito?" sigaw ko kay jozh dahil baka hindi niya ako marinig sa lakas ng ulan.
"Hahaha Oo, maputik pa nga noon ang daan kapag umuulan. Hahaha palagi ka ngang nadudulas at natitisod eh"
"Parang sinasabi mo naman na lampa ako. Hahaha ikaw nga diyan lumubog pa yung paa mo at napigtas ang tsinelas mo hahaha"
"Hahaha rambo kaya ang tsinelas ko" pagkaila niya.
"Hahaha Alam mo ba na sabi ni lola kapag daw umulan bago ang fiesta or sa araw na mismo ng fiesta ay blessing daw yun mula sa langit"
"Ganun ba yun?" Tumango ako bilang pagsang-ayon.
"Sa-sa? Jozh?" napalingon kaming dalawa ni jozh. Nakita namin si Mimi na nakatayo sa likod na may hawak na payong.
"Kayo nga" lumapit siya sakin at niyakap ako.
"T-teka mimi basa ako"
"Hahaha okay lang, namiss kita Sa-sa"
Si Mimi ang naging malapit kung kaibigang babae sa probinsya at dito narin siya nag-aaral. Gusto niya kasing maging guro buti nalang at merong course na education dito.
"Teka! Ba't kayo magkasamang dalawa? Ayieeee!" tukso niya.
"Tsk! Manahimik ka nga diyan" sita ko sa kanya.
Napahalakhak si mimi at ngumiti lang din naman ang walang hiyang lalakeng kasama ko.
"Hahaha nga pala birthday ngayon ng bunso kung kapatid na si nene, naalala niyo?" napatango kaming dalawa ni jozh.
BINABASA MO ANG
Always Be My Baby (COMPLETED)
Novela Juvenil"Ako si Sassy Empire Alvarez, at ang isang Royal Joziah Ybasco ay hinding-hindi ko dapat mamahalin o kahit magugustuhan man lang" Yan! Tinatak ko yan sa puso't isip ko at sinilyuhan ng mahigpit, kinandaduhan ko rin upang hindi mawala sa puso't isip...