Chapter 33

1.1K 46 1
                                    

Sa-Sa POV

Pagkatapos ng encounter namin sa kanila ni kuya Es-es ay dumiretso kaagad kami sa sinehan. Pinanood namin ang movie na— ano nga ba yun? Nakalimutan ko!

Basta tungkol yun sa mag childhood sweetheart. Ivan ang pangalan ng lalake tapos tinatawag naman niyang 'patchot' ang babae. Hahaha lol! Naging mag bestfriend sila, pero si girl may lihim na pagtingin kay boy, at feeling niya ay bestfriend lang talaga tingin sa kanya ng lalake.

Until there comes a girl na kung saan na love at first sight si Ivan, nagkaslow motion nga daw kasi si siya sa babaeng yun Hahaha. Tapos ang girl na yun pala ay pinsan ni patchot. Ahh basta ganun.. hahaha tinatamad akong magkwento. Napanood niyo naman siguro yun. At clue.. happy ending ang story nila.

"Anong gusto mong kainin?" Tanong sakin ni jozh pagkatapos naming manood.

"Uhmm.. Gusto ko ng ice cream"

"Ice cream? Bakit yun?"

"I love ice cream specially yung ube!" Kinikilig ko pang sagot.

"Yun talaga?" nakasimangot niyang tugon.

"Hahaha Oo, kung ayaw mo edi ako nalang mag-isa ang bibili"

Aalis na sana ako pero hinawakan niya ang braso ko at umiling-iling habang kagat ang ibabang labi at sinabayan ng nakakaawang mga mata. Aww! cute naman ng isang 'to.

"Gusto ko pareho tayo ng kakainin"

"Eh gusto ko nga ng ice cream tapos ikaw ayaw mo naman" nakasimangot kong sabi.

"Tss! Hindi ko naman sinabi na ayoko ng ice cream eh"

Ang ending? Ayun bumili parin kami hahahaha. Kahit ayaw niya eh napilitan naman. Kunwari pa, gusto din naman niya eh. Hahaha

"So ngayon masaya ka na?" Tanong ni jozh na sinagot ko naman ng ngiti sabay taas-baba ng kilay ko.

"Hamburger or fries? Ano gusto mo?"

"Wala! Busog pa ako eh" sabi ko habang kumakain ng ice cream.

"Gusto mo arcade muna tayo?"

"Hahaha sige ba"

Ayun! Ilang oras din kami naglaro. Iba't-ibang laro ang nilaro namin, ang daya nga noong basketball na nilalaro namin eh, paano ba naman basketball player siya tapos ako panay cheer lang sa kanya.

"Ay ang daya naman"

"Hahaha halika nga tuturuan kita"

Nagmamadaling lumapit kaagad ako at kinuha ang bola. Pumwesto siya sa likod ko at hinawakan din ang bola na nasa kamay. Ayy! Parang nakayakap na tuloy siya sakin.

Ang bango pa naman niya. Piniktusan ko ang sarili. Aishh! Ano ba Sa-sa, he will just guide you, okay? Tama na yang pagpapantasya, ang dumi na ng utak mo. May pollution na yata yung utak ko huhu!!

"Hahaha palusot mo lang yata ang pagpapaturo mo sakin ng basketball para mayakap kita hahaha"

Kita mo 'to? Iisa rin pala ang iniisip namin. OhhEmmm Sa-sa! Ang dumi narin ng utak mo. Over polluted na yata. Iwasan mo kasi ang pinsan mong isip bata.

"Duhh! In your dreams Mr. Ybasco"

"Hahaha wag kang magsalita ng tapos Mrs. Ybasco, baka bukas niyan eh sagutin mo na ako"

Mrs. Ybasco?

Waaahhh!! Mrs.? Hindi ba siya aware na nakakakilig ang sinabi niya? Skip nalang natin itong ligawan oh! Punta na tayong simbahan para kasalan na agad. Enebeee!!

"Oh! Kinilig ka na naman diyan? Hahaha" sabay sundot niya sa tagiliran ko.

"Heh! Ayoko na nga lang" sabi ko at binitiwan ang bola.

"Hahaha kinilig ka lang, ayaw mo na agad?"

"At sinong nagsabi na kinikilig ako?"

"Hindi mo na dapat sabihin, obvious naman eh" sabi niya sabay ngiti ng nakakaloko.

"Pwet mo!"

"Hahaha halika na nga tuturuan na kita" sabi niya at hinila ako papunta sa pwesto ko kanina.

"Ganito yan, Hawakan mo ng mabuti ang bola para hindi maagaw ng iba" hinigpitan niya kaagad ang pagkakahawak sa kamay ko na nakahawak sa bola.

"Nakikita mo yang ring na yan? Focus ka diyan, wag sa iba nakatingin. Pero pakiramdaman mo rin ang kaaway mo baka kasi may ibang binabalak sa bolang hawak mo" okay! So tapos?

"Bago mo gawin ang tira ay dapat sigurado ka na, kung baga wala ng atrasan 'to. Isipin mo rin kung para kanino mo inaalay ang tirang gagawin mo" napatango lang ako sa sinabi niya.

"May naisip ka na?"

"Oo!"

"So para kanino?"

"Para sayo" nakangiting sambit ko.

Natigilan siya habang nakatingin sakin pero maya-maya lang ay sumilay ang matamis niyang ngiti sa labi.

"Wala ng bawian yan ha" tumango lang ako.

"Then shoot" sabi niya sabay hagis ng bola.

Woahh! Tamang-tama na shoot nga. Yeahh! First time! Ang galing naman ng guro ko.

"Woah! Empire may 3 points kana sa puso ko" sabi niya sabay kindat sakin.

"Hahaha tangi!"

"Hahaha sige na isa pa"

Kinuha ko kaagad ang bola at pumwesto na. Tumingin muna ako sa kanya at nakatingin lang din naman siya sakin.

"Para kanino yan?"

"Kay kuya Es-es" lumukot kaagad ang mukha niya.

Hahaha wala lang, gusto ko lang siyang asarin. Yan kasi seloso! Nabura din naman ang ngiti sa kanyang mga labi at nag-iwas ng tingin sakin. Hahaha

"Ba't nasali siya sa usapan?"

"Hahaha eh para sa kanya 'to eh"

"Oh sige ikaw nalang mag-isa tutal para naman sa kanya. Alalahanin mo lang ang mga tinuro ko sayo"

Ngumisi pa muna ako sa kanya bago ko ginawa ang pagtira. Nakarinig din naman ako ng palakpak galing sa lokong nasa tabi ko na sinabayan niya pa ng pagtawa. Ayy! Buplaks! Hindi na shoot! Kahiya!

"Hahaha sabi ko naman focus sakin eh. Iyan kasi sa iba mo pa gustong ialay eh nandito naman ako"

"Hahaha sige na nga umuwi na tayo, anong oras na din kaya oh"

"Hahaha teka sandali lang"

"Bakit?"

"Photo booth muna tayo?"

"Para saan pa, eh may cellphone naman na pwede mag picture?"

"Empire! First picture natin 'to na nililigawan kita at maybe last narin natin 'to. Baka bukas kasi ay sagutin mo na ako. Hahaha tapos balik ulit tayo kapag official na tayo"

Tsk! Magpapa-picture lang eh ang dami pang satsat. Kaya ayun, pinagbigyan ko na. Picture lang naman eh. Pero ang loko, ang dami pang pose na ginawa. Ang sakit tuloy ng mata ko sa flash. Tapos ang sweet pa niya sa harap ng camera. Ito pa, noong last pic na at hinalikan niya ako sa noo. Ang sweet diba? Enebeee!!

"Empire diba birthday mo na the day after tomorrow? Uuwi ka ba bukas sa probinsya? Tutal sembreak na naman dahil malapit na ang araw ng mga patay"

"Sa mismong araw ng birthday ko nalang siguro ako uuwi, may tatapusin pa kasi akong project"

"Okay" sabi niya at sumilay ang matamis na ngiti sa labi. Okay? So ano na naman ang pinaplano niya? May dapat ba akong malaman? Nakaka-curious na kasi ang ngiti niya.

Always Be My Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon