Sa-Sa POV
2nd week na ngayon ng pasukan at meron kaming program para sa mga freshmen or should I say na initiation para sa mga 1st year. Akala ko nga sa mga fraternity lang nagaganap ang mga initiation na 'yan, pati din pala sa college meron. Way daw kasi yan ng university para i-welcome kaming mga baguhan dito sa school at para na rin siguro makapagbigay galang kami sa mga seniors namin or pwede din namang getting to know each other.
Magpapa-signature lang daw naman kami sa mga seniors namin so ibig sabihin lahat ng mga nursing students mula 2nd year hanggang 4th year ay dapat mapaperma ko. Buti na nga lang ay puro nursing students lang ang papapermahin ko, kung ano kasing course mo yun din ang dapat pumerma sa papel mo. Eh kung lahat ba naman ng kurso ang papermahin ko siguro aabot ako ng ilang araw o buwan bago matapos lahat.
"Pwede naman siguro akong makapasok mamaya sa school niyo 'no? Since meron naman kayong program" sabi ni jozh na katabi kong nagmamaneho ng sasakyan.
Ewan ko ba kung bakit palagi niya akong hinahatid-sundo. Ibang school pa naman ang pinapasukan niya.
"Pwede naman daw pumasok ang mga outsiders kuya sabi ng prof namin. Pero kapag nakapasok na kami ay hindi na kami pwedeng lumabas hanggat hindi pa kami natatapos sa aming papapermahan" sagot ni insan na nasa likuran namin. Nakalimutan ko pala na kasama din namin siya.
"Okay. Pupunta ako mamaya pagkatapos ng klase ko"
"Naku wag mo na kaming sunduin jozh kaya na naman naming umuwi ng kami lang" pigil ko dahilan para mapatingin siya sakin.
"Pfft. Sino bang may sabi na susunduin kita? Mamamasyal lang kaya ako. Balita ko kasi madaming chikababes sa school niyo" natatawang wika niya.
"Ouch! pahiya ka ate oh Hahaha"
"Loko ka talaga" sabay hampas ko sa kanya "Akala ko ba may girlfriend ka na? At sorry ka nalang, hindi ka welcome sa school namin"
"Ooops! Ito naman hindi mabiro at correction wala akong girlfriend may gusto akong babae pero hindi ko pa siya girlfriend" sabi niya sabay kindat.
"Aba! At ngayon deni-deny mo pa. Pag nakilala ko talaga 'yang girlfriend mo isusumbong talaga kita"
"Hahaha seryoso nga, wala pa talaga akong girlfriend not unless gusto mong maging girlfriend kita?"
"Ha-ha-ha patawa ka, kung ikaw lang naman ang maging boyfriend ko, edi no thanks nalang. Ayokong umiyak gabi-gabi na malaman kong madami pala kami. So thanks but no thanks"
Napaiwas siya ng tingin sakin. Did I hurt his ego? Maya-maya lang ay nagkibit-balikat na din siya at sabay ngiti sakin pero parang may something, hindi ko nga lang alam kung ano. Umiling nalang ako at kinalas ko na ang seatbelt dahil nandito na kami sa tapat ng paaralan.
"Salamat ulit at ingat ka" sabi ko habang baba ng sasakyan.
"Ikaw din ingat ka dahil liligawan pa kita" sabi niya sabay flying kiss kaya kaagad ko siyang binato ng panyo.
"Umalis ka na nga"
"Hahaha sige akin nalang itong panyo mo siguraduhin mong wala pang sipon ito ha. Bye" bago pa ako makapagsalita ay nagwave na siya at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Walang hiyang lalakeng yun hindi man lang sinauli ang panyo ko.
"Hoyy ate" kinilabit ako ni abbei nang hindi pa ako sumunod sa kanyang maglakad.
"Wag ka nang mag-isip diyan sigurado naman akong liligawan ka din nun" natatawang saad niya.
BINABASA MO ANG
Always Be My Baby (COMPLETED)
Teen Fiction"Ako si Sassy Empire Alvarez, at ang isang Royal Joziah Ybasco ay hinding-hindi ko dapat mamahalin o kahit magugustuhan man lang" Yan! Tinatak ko yan sa puso't isip ko at sinilyuhan ng mahigpit, kinandaduhan ko rin upang hindi mawala sa puso't isip...