Chapter 37

1.1K 42 0
                                    

Sa-Sa POV

Nandito ako ngayon sa sementeryo kasama si jozh, abbei at lola. Kaninang umaga kasi ay nakarating na kami dito sa probinsya. Kasama naming umuwi si mimi at Louie, na magkasintahan na pala. Hahaha kinikilig ako sa kanila.

Kakauwi pa lang namin ng sinalubong kaagad ako ng yakap ni lola, ganoon din naman kay abbei. Noong sasabihin ko na sana sa kanya na kami na ni jozh ay hindi na siya nagulat pa. Paano ba naman kasi ay ipinagpaalam na pala ni jozh ang plano niya kay lola bago niya gawin.

Inimbitahan din niyang lumuwas sa maynila si lola pero sabi ni lola ay hinihintayin nalang daw niyang umuwi ako dito. Hayy! Ang sweet-sweet naman talaga ng boyfriend ko. Nakaplano na pala ang lahat ng hindi ko man lang namamalayan.

"Mama, lolo. Si jozh po naalala niyo? Siya po yung bata na sinusumbong ko sa inyo noon. Siya po ang dahilan ng mga iyak ko. Diba nga po palagi niya akong pinagtitripan noong mga bata pa kami? Hahaha akalain niyo po yun, boyfriend ko na siya? Hahaha sayang mama at lolo hindi niyo man lang po siya nakita" pagkausap ko sa puntod nila mama.

"Babe naman baka mamaya umayaw sakin si mama at lolo sa pinagsasabi mo. Wag po kayo maniwala sa kanya mama at lolo. Mahal na mahal ko po itong anak at apo niyo"

Oh! Akalain mo ang lokong 'to? Naki-mama at lolo narin. Hahaha feeling lang!

"Wag po kayong mag-alala, aalagaan ko po si empire" niyakap niya ako patalikod at inunan ang mukha niya sa balikat ko.

"Haha kayo talagang mga bata oo, pagpalain sana ang relasyon niyo. Gawin niyong sentro ang poong maykapal sa inyong relasyon. Madami mang balakid ang dadaan niyo pero magtiwala lang kayo sa isa't-isa at sa naramdaman niyo"

"Aww! lola" sabi ko sabay yakap kay lola.

"Sa-sa apo magandang kaarawan. Hindi ka na bata, may kasintahan ka na nga diba? Alam mo naman sigurong pinalaki kita ng tama hindi ba? Sana alam niyong dalawa ang limitasyon niyo"

"Opo naman lola. Mahal na mahal po kita salamat po sa pagpapalaki sa akin ng maayos" naluluha kong sambit.

"Mahal na mahal din kita apo. Pasensya ka na at ako lang mag-isa ang nagpalaki sa iyo, kung sana ay buo lang ang pamilya niyo ng mama at papa mo"

"Shhh! Lola wag na po natin silang pag-usapan"

"Lola Minda makakaasa po kayo sakin na papakasalan ko po muna ang apo ninyo bago namin gawin ang bagay na yun. Bago po kami gumawa ng pamilyang buo" sabat ni jozh.

"Mabuti naman. Ikaw abbei apo kailan mo balak ipakilala sakin ang boyfriend mo?"

Nabaling ang atensyon namin kay abbei na ngayon ay tahimik lang na nakamasid samin.

"Ayy! Wala pa po lola. Hahaha wala po yatang magkakamaling ligawan ako"

"Haha ikaw talagang bata ka. May lalake talagang para sayo, hintayin mo lang. Wag ka lang magmadali baka magkamali ka sa pagpili"

"Hahaha noted po lola"

Simple lang naman ang birthday ko. Ganun lang din katulad ng dati, hindi parin mawawala ang pansit na pampahaba daw ng buhay. Hahaha yan ang sabi ni lola eh. Ang pinagkaiba nga lang ay nandito si jozh sa tabi ko. Na alam kong hinding-hindi ako iiwan.

Thank you lord for giving me a man like him. Maybe my life isn't perfect but I could not ask for more.

Ayy! May cake rin pala ako ngayon. Hihi sa wakas nakapagblow rin ako ng candle sa cake hihi, nafeel ko rin ang ganung feeling. Paano ba naman kasi noong mga younger years ko ay parati sa kandila lang pero walang namang cake hahaha lol! Although hindi naman ako nagrereklamo. Pero iba pala ang feeling! Mukhang matutupad talaga ang wish ko.


Pag-uwi namin sa bahay ay dumiretso kaagad ako sa kwarto. Hmmm! Pagod talaga ako kasi kaninang umaga lang kami dumating tapos dumiretso pa kaming sementeryo. Hihiga na sana ako ng makita ko ang kama na mayroong mga regalo, galing sa mga kakilala ko.

"Baby, regalo ko para sayo"

Hindi ko namalayan na sinundan pala ako ni jozh dito sa kwarto. May dala-dala siya ngayong maliit na paso at plastic na bulaklak na nakatanim doon. Hahaha ang cute. Ganito siguro yung mga deni-design sa loob ng bahay at pwede din sa kwarto. Hihi May ganito pala?

"Woah! Ang cute naman"

"Hahaha ang hilig mo kasi sa bulaklak. Eh hindi ko naman alam ang ireregalo ko sayo, kaya heto nalang. Pero wag mong isipin na fake yung pagmamahal ko sayo dahil fake 'tong bulaklak at paso ha"

"Hahaha thank you talaga baby. I love it"

"Hahaha ba't ba kasi ang hilig-hilig mong magtanim ng bulaklak? Narinig ko noon kay lola Minda na noong bata kay ay pinapakialaman mo ang mga tanim niyang gulay. Kaya nga ipinaubaya na niya sayo ang mga bulaklak sa hardin basta wag lang ang mga gulay na pwede niyong ulamin hahaha"

"Hahaha eh kasi po nakakaakit sila. Ang ganda kaya tingnan ng paligid na maraming halaman. Kahit pa bahay kubo ay gumaganda basta madaming bulaklak sa paligid" napatango siya sa sinabi ko.

"Atsaka alam mo ba na Our hearts is a fertile soil? So whatever we plant it will basically grow" patuloy ko pa.

"Ah! Kaya pala sa sobrang hilig mo sa pagtatanim ay pati 'tong puso ko ay tinaniman mo ng pagmamahal tsaka pinangalan mo pa yata. Yan tuloy lumaki ng lumaki hanggang sa di ko na mapigilan"

"Hahaha ang corny mo"

"Hahaha ikaw nag-umpisa eh"

"Hahaha thank you talaga dito jozh" sabi ko dahilan para mapakunot ang noo niya.

"jozh parin?" umismid pa ang loko.

"Baby pala hihi" umiling siya bago ngumiti.

Eh bakit ba? Although kinikilig ako kapag tinatawag niya ako sa endearment namin pero hindi ko parin talaga mapigilan ang dila ko na tawagin siya sa pangalan.

"Ang sarap namang pakinggan ng salitang 'baby' lalo na kapag galing sayo"

Niyakap niya ako patalikod, nakaharap kasi ako ngayon sa misa dito sa kwarto ko habang inaayos ang ibinigay niya sakin. Dito ko nalang kasi ilalagay tutal parang bagay namang tingnan. Hayy! He's being clingy again.

"Baby?" bulong niya sa tenga ko na nakapagpatindig ng aking balahibo.

"Hmmm?" eww! Parang hindi ko makikila ang boses ko.

"Palitan na kaya natin ang picture sa side table mo?"

Nawala sa isip ko ang nakakalaswang imahe at napatingin sa picture frame na tinutukoy niya.

"Ha? Bakit naman?"

"Eh ang pangit naman niyang koreanong yan eh"

"Wag ka ngang ganyan kay Lee Minho, siya kaya ang first love ko"

"Tss. Nagseselos na ako baby ha"

Nilingon ko siya. Ang lapit-lapit na tuloy ng mukha namin. Ngumuso pa siya habang nakatingin sa labi ko.

Kinalas ko kaagad ang pagkakayakap niya at lumayo sa kanya. Umupo ako sa kama habang nakatingin sa kanya.

"D-dagdagan nalang natin ng picture frame"

"Pwede din naman basta tatabunan yang koreanong ito" kinuha niya ang picture frame at ngumiwi pa.

"Hahaha seloso naman 'tong boyfriend ko. Sige na nga, ano bang picture ang ipapalit natin?"

"Yung picture nating dalawa" sambit niya nang nakangiti.

It was really dangerous kapag kami lang dalawa sa iisang lugar lalo na sa loob ng kwarto. Naaakit ako sa simpleng ngiti niya lang at wala man lang siyang kamalay-malay doon. Mas lalo lang akong nahuhulog sa lalakeng ito eh.

Always Be My Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon