Sa-sa POV
Napamulat ako ng narinig ang tunog ng alarm clock. First day of class ngayon kaya hindi ako pwedeng maging late. Pagbukas ko nang pinto ay siya namang paglabas ni insan mula sa kanyang kwarto.
"Ang aga mo pa ah. Ba't nakabihis kana? Pupunta ka na bang school?"
"Oo pero may dadaanan pa ako kaya mauuna na ako sayo ate"
"Kumain kana ba?"
"Hindi pa, sa school na lang ako kakain hindi ka naman marunong magluto diba? At hindi naman pwedeng puro cookies nalang ang kainin ko"
"Tsk. Bakit ikaw ba marunong magluto?"
"Hahaha sabi ko nga hindi" sabi niya sabay alis.
Ewan ko ba kung saan pupunta ang babaeng yun at ang aga-aga umalis. Nagmamadali pa yata. Ewan ko rin kung bakit pagiging engineer ang gusto niya. I mean Oo matalino naman siya pero minsan kasi isip-bata yun.
Naligo muna ako at nag-ayos bago naisipang magluto ng itlog. Hahaha ito lang kasi ang alam kung madaling lutuin. Minsan nga sunog pa. Ang importante hindi bumula bibig ko diba.
Kasalukuyan ko nang hinahanda ang kakainin ko ng may biglang kumatok. Sino naman kaya 'yun? Pagbukas ko nang pinto ay bigla naman siyang pumasok na parang walang pakialam sakin.
"Nasaan si abbei?" Tanong sakin ng medyo suplado pero cute na chinitong pinsan ni abbei.
Ito yung pinsan niyang nakita ko noong unang lipat namin dito ni abbei. Doon daw kasi siya nakatira sa apartment na nasa harap namin. At balita ko broken hearted daw 'to kaya naging suplado. Hinahalughog niya ngayon ang buong apartment hanggang makarating siya sa kusina. Nagkakamot sa ulo na sinundan ko lang siya.
"U-umalis na"
Nilingon niya ako habang nakakunot-noo. Lumapit siya sakin at tumigil sa mismong harap ko at namaywang pa. Yumuko siya para maging magkapantay ang mukha namin. Grrrrrr! Nakakatakot naman itong pinsan niya. Parang any minute kakainin ako ng buhay.
"At saan naman siya pumunta?" taas kilay niyang tanong.
"H-ha? Sa s-school yata?" Hindi sigurado kong sagot sa kanya.
"Nang ganito kaaga?"
"A-ano kasi..may dadaanan pa daw siya"
"Diba sabi ko naman sa kanya kakausapin ko siya ngayon?"
Napakamot nalang ulit ako sa ulo dahil sa sinabi niya. Aba malay ko naman sa usapan nila 'no. Bakit ako ngayon ang pinagagalitan niya? Pagnakita ko talaga ang isip bata na pinsan kong yun ewan ko nalang kung ano ang magagawa ko sa kanya.
"Pagnakita mo siya sabihin mo na malalagot talaga sakin ang babaeng yun"
Napatango nalang ako sa kanya. Tiningnan pa niya muna ang nakahain sa misa bago umalis. Hindi nakaligtas sakin ang pagngiwi niya. Nahiya tuloy ako, hindi pa naman ganun kaganda ang pagkaluto ko ng itlog. Bahala nga siya! Kumain nalang ako at naghanda na sa pagpunta ko sa eskwelahan.
Papunta ako ngayon sa building ng mga nursing students ng maramdaman kong may nakatingin sakin. Paglingon ko naman ay agad kong nakita ang isang lalake na diretsong nakatingin sa aking mga mata habang papalapit siya.
Napakunot-noo ko. Sino naman ang isang 'to? Bakit parang pamilyar ang mukha niya? Tumigil siya sa mismong harap ko. Woahh!! Ang bango niya. Parang bagong paligo, fresh na fresh.
"Excuse me" Sabi niya sakin.
"Ha?" tanong ko naman na parang hindi naiintindihan ang sinabi niya.
BINABASA MO ANG
Always Be My Baby (COMPLETED)
Teen Fiction"Ako si Sassy Empire Alvarez, at ang isang Royal Joziah Ybasco ay hinding-hindi ko dapat mamahalin o kahit magugustuhan man lang" Yan! Tinatak ko yan sa puso't isip ko at sinilyuhan ng mahigpit, kinandaduhan ko rin upang hindi mawala sa puso't isip...