Chapter 24

1K 41 0
                                    

Sa-Sa POV

"Sobrang saya mo naman yata ngayon Sa-sa. Hahaha" wika ni kuya. Napabitaw kaagad ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Syempre, nanalo kayo eh"

"Hahaha sama ka mamaya? Magce-celebrate kasi kami sa pagkapanalo namin"

"Sige ba—" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang may nagsalita.

"Hindi siya pwede mamaya" sagot ni jozh sa likod namin.

Paglingon ko ay sakto namang may towel siyang inihagis sakin, na saktong tumama sa mukha ko.

"Langya! Bakit mo ba sakin inihagis ang towel na 'to?"

"Basa ng pawis ang likod ko"

"Eh ano naman ngayon?" pasungit kong sagot sa kanya.

"Punasan mo"

"Tsk! Doon ka kaya magpapunas kay lovell mo"

"Punasan mo nalang kaya ako" naiirita narin siya.

"At bakit ko naman gagawin yun, abir?"

"Bayad mo sakin, dahil ako ang nag-alaga sayo kanina"

Kita mo ang lokong 'to? Hindi ko talaga maintindihan eh. Narinig ko ang pagtawa ni kuya sa sinabi ni jozh. Lumapit siya sakin at bumulong.

"Iiwan ko na muna kayo. Hahaha nagpapalambing yata ang isang yan eh. hahaha"

Hinampas ko si kuya dahil sa sinabi niya. Huhuhu loko-loko talaga si kuya. Nagpapalambing my ass!

"Kailangan ba dapat na magbulungan pa kayo?" iritadong sabi ni jozh.

"Hahaha sige na Sa-sa, mauna na muna ako. Tatawagan nalang kita mamaya kung sasama ka samin. Sabihin mo lang ha at susunduin kita" pagkatapos niyang sabihin yun ay ginulo niya ang buhok ko at HINALIKAN NIYA AKO..

Duhh! Syempre kagaya lang ng kanina, yun bang tinakpan niya ulit ng mga palad niya ang bibig ko at hinalikan yun. Tumakbo kaagad siya na tumatawa pa. Langya!

Nagulat ako sa biglang paghila ni jozh at ang higpit-higpit ng pagkakahawak niya sakin.

"T-teka jozh, nasasaktan ako"

"SINO MAYSABI SAYO NA PWEDE KANG MAGPAHALIK!?" gumagalaw na ngayon ang panga niya sa sobrang galit.

"H-ha? Eh hindi naman—"

"EMPIRE DALAWANG BESES KA NA NIYANG HINALIKAN. DAMN IT!! KANINA PA AKO NAGTITIMPI NA SUNTUKIN ANG GAGONG YUN!!!"

"Wag mong tawaging gago si kuya es-es!!!" nagsisimula narin akong mainis sa kanya, ba't ba kasi sigaw siya ng sigaw?

"SO NGAYON PINAGTATANGOL MO PA SIYA?"

"Ba't ka ba nagagalit? Kung makapagreact ka diyan parang pinagtaksilan kita, sobra ka pa sa isang boyfriend na nagseselos. Nakakainis ka na jozh! Wag mo akong sigaw-sigawan dahil kahit kailan ay hindi pa ako trinato ni lola ng ganyan" halos umakyat na yata lahat ng dugo ko sa ulo.

Always Be My Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon