Chapter 34

1K 42 2
                                    

Sa-Sa POV

Kagigising ko palang nang biglang tumunog ang cellphone ko. Text lang pala at OhEmmm ba't ang dami? Binasa ko muna ang mula kay tita lucy pero 'congrats' lang naman ang nabasa ko. Then binasa ko pa ang iba galing kina Louie, mimi, kuya Es-es at ate audrey. Puro ganun lang din, puro 'congrats'.

Congrats? Bakit congrats? Woahh!! Nanalo ba ako sa lotto ng hindi ko alam? Pero teka!! Hindi naman ako tumataya sa lotto eh. Para saan naman ang congrats?

Ibig bang sabihin nila ay happy birthday? Pero bukas pa naman ang birthday ko eh. Ano ba ang alam nila na hindi ko alam? Tsk! Ang dami ngang text pero ni isa ay walang galing kay jozh.

Lumabas ako sa kwarto at nakita ko si abbei na kakalabas lang din sa kwarto niya na umuunat pa. Kinukusot pa niya ang kanyang mata. Ngumiti din naman siya ng makita ako.

"Good morning ate" masigla niyang bati sabay lapit sakin at yumakap.

"Haha hoyy!! Maganda yata gising mo ngayon?"

"Hahaha excited lang ate"

"Excited sa?"

Binalewala niya lang ang tanong ko at kinalas ang pagkakayakap sakin sabay punta sa kusina. Luh! Anong nangyari dun? Nag sleepwalk lang ba ang babaeng 'yun? Weird!

Hinayaan ko nalang siya at pumasok na sa banyo. Pupunta kasi ako ngayong eskwelahan dahil may tatapusin pa ako. Si Abbei naman ay wala ng pasok kaya dito lang muna siya sa apartment. Gusto niya daw kasing pumunta sa probinsya, panigurado magiging masaya si lola kapag nakita siya.

"Aalis na ako insan"

"Sige ate ingat ka"

"Tawagan mo ako kung may kailangan ka ha. Lalong-lalo na kung emergency"

Nag thumbs-up siya at tumango kaya umalis narin kaagad ako.



Gabi na pero nandito parin ako sa paaralan. Pilit ko kasing tinatapos ang project na ginagawa ko para wala na akong problema kapag uuwi sa probinsya. Bukas kasi birthday ko na at bukas rin ako uuwi sa probinsya.

"Hayyyy!!! Natapos din" masiglang sabi ni jelian. Kagrupo ko kasi siya.

"Oo nga eh. Tara uwi na tayo" untag naman ni jane na kagrupo ko rin.

"Hahaha buti naman makakauwi na tayo. Parang humihilab na kasi ang tiyan ko eh, nagugutom na yata" huhu totoo talaga, kanina pa ako nagugutom.

Nililigpit na namin ngayon ang mga gamit ng marinig ko na may tumawag sa cellphone ko. Pagtingin ko ay si abbei lang pala. Hayy! Akala ko pa naman si jozh, buong araw kaya siyang hindi nagparamdam! Ano ba Sa-sa! Napapraning ka na naman eh.

[Calling: Abbei]

[Ate nasan ka na ba?]

Kita mo ang isang ito? Ni hindi man lang nag 'hello' o di kaya'y 'hi' man lang. Sana nag 'good eve' man lang siya diba? Tsk! Bastos itong babaeng ito ah.

"Good evening din abbei" sarkastikong sambit ko.

[Ayy! Hihi good eve pala ate]

"Tsk! Oh ba't ka napatawag?"

[Ate emergency!] Bigla niyang sabi.

Napatayo kaagad ako sa narinig. Napatingin naman ang mga kagrupo ko sakin. Jusko! Kinakabahan ako!

"T-teka anong nangyari?"

[Basta bilisan mo ate! Dali!]

"T-teka abb—"

Always Be My Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon