Sa-Sa POV
Nang lumabas si Jozh sa fastfood restaurant ay lumabas narin ako. Nag libot-libot muna ako baka sakaling makita ko siya, pero bahala siya sa sarili niya kasi naiinis na ako at kanina pa nangangawit itong leeg ko sa kakahanap sa kanya. Kung ayaw niya magpakita edi wag, baka nga umuwi na yun eh.
"Empire" sigaw sa di kalayuan.
Nakita ko siyang papalapit sakin at may winawagayway na papel. Hinintay ko nalang siyang lumapit sakin.
"Nuod tayo ng sine" sabi niya sabay pakita sakin ng dalawang ticket sa sinehan.
Napakunot-noo ako. Akala ko ba galit siya. Anyare? Ba't nakangiti siya ngayon sa harapan ko hawak ang dalawang ticket?
"Ang pangit kasi ng inasal ko kanina. So ito napag-isip-isipan ko na manood nalang tayo ng sine. Binalikan kita kanina sa kinainan natin kaya lang wala ka na dun. Let's go?"
"Uhmm..ano kasi..marami pa akong bibilhin"
"Ganun ba? Sayang naman pala itong ticket. Sana hindi nalang ako bumili. Sige wag nalang" na ngu-ngunsensyang wika niya at sinabayan pa niya ng pagnguso.
"Sige na nga lang, manood na tayo"
"Tss. Napipilitan ka naman yata eh, wag nalang. Alam ko namang marami kapang gagawin"
"Wag mo nga akong dramahan diyan, kilala na kita jozh ha. Sige ka iiwan talaga kita dito"
"Hahaha ito naman hindi mabiro. Halika na nga, baka magbago pa ang isip mo" Hinila na niya ako papalapit sa sinehan. Bumili muna kami ng popcorn at drinks bago pumasok.
Nang malapit nang matapos ang pinapanuod namin ay may biglang nagtext sa kanya. Binasa niya naman ito at napatingin kaagad sakin. Lumapit siya hanggang sa naamoy ko na ang hininga niya. Sheyyytt!! Wag mong sabihing hahalikan—
"Kailangan na nating umalis, pinapasundo na kasi ako ni ate sa driver namin. Meron daw kaming dinner kasama ang pamilya ng asawa niya, okay lang ba kung umuwi na tayo?" bulong niya sa tenga ko.
Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya. Ang bilis parin ng tibok ng puso ko at panigurado ang pula-pula na ng pisngi ko. Sheyyyt!!! Ano ba kasi itong iniisip ko, nakakahiya.
"Hey, ok lang ba? kung ayaw mo pwede naman nating patapusin muna ang movie"
"Ha? Ahmm... H-hindi umuwi nalang tayo. T-teka anong oras na ba? nauutal kong untag.
Nanginginig ang kamay ko nang
tiningnan ko kung anong oras na. Sheemayy!! Gabi na pala. Ni hindi man lang ako nakapag-grocery."Okay ka lang ba? Ba't ka nauutal?"
Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit na nanginginig ang labi ko. Nauna narin akong tumayo, sumunod naman siya.
"Ihahatid na muna kita"
"Wag na jozh, may pupuntahan pa kasi ako. Mamimili pa ako ng mga kailangan ko"
"Edi samahan na kitang mamili. Ihahatid kita pagkatapos"
"Diba may sumundo sayo? baka naman mainip yun"
"Empire, Gusto ko ihatid kita para narin makasiguro akong nakauwi ka ng maayos. Kaya halika na at bilhin na natin ang mga kailangan mo"
Bumili nalang ako ng pizza at ice cream bago umuwi. Bukas nalang ako mag go-grocery dahil nakakahiya naman kung paiintayin ko pa itong si jozh. Habang pauwi kami ay nalaman ko ring Nursing din pala ang kinuha niya. Doon daw muna siya sa bahay ng ate niya titira habang nag-aaral pa siya dito sa manila. Nang makarating kami sa tapat ng apartment ay lumabas kaagad ako sa kotse.
BINABASA MO ANG
Always Be My Baby (COMPLETED)
Teen Fiction"Ako si Sassy Empire Alvarez, at ang isang Royal Joziah Ybasco ay hinding-hindi ko dapat mamahalin o kahit magugustuhan man lang" Yan! Tinatak ko yan sa puso't isip ko at sinilyuhan ng mahigpit, kinandaduhan ko rin upang hindi mawala sa puso't isip...