Chapter 42

1.1K 48 0
                                    

Sa-Sa POV

Napalingon ako ng tawagin ako ni jozh. Ngumingiti pa ako habang papunta sa kanya pero may napansin akong babae sa gilid niya at NAKAKAPIT ITO SA BRASO NIYA. Unti-unting naglaho ang ngiti ko at napakurba ang kilay. Sino 'to?

"Baby" bigkas niya habang inaalis ang kamay ng babae na nasa braso niya.

"S-sino siya?"

"Uhmm..Si Charmaine"

"Hi I'm Charmaine, I'm his ex" Napanganga ako sa sinabi ng babae. Woah! Ang lakas ng loob.

"Ang past at present ay nagkita huh" biglang wika ni Dail na nasa likuran ko na pala ngayon.

Hinawakan ni jozh ang braso ko at lumayo kami sa kanila Dail at Charmaine. Tama ba ang narinig ko? Naramdaman ko nalang na hinaplos ni jozh ang mukha ko.

"T-totoo ba ang sinabi ng babaeng yun?"

Tumango siya sa tanong ko. Ba't parang ang sakit? Alam ko naman na ako na ang mahal niya ngayon pero ang sakit makita na magkasama parin sila ng ex niya.

"Bakit kayo magkasama?"

"Baby, don't jump into conclusion okay?"

Ibinaling ko ang dalawang naiwan at kasalukuyan silang nakatingin din samin. Pero malayo naman kami sa kanila kaya hindi nila kami naririnig. Tumingin ulit ako kay jozh at nagtama ang aming mga mata.

"Paniniwalaan mo naman ako diba?" ngumiti ako ng tipid at tumango.

Paniniwalaan kita jozh dahil mahal kita at pinagkakatiwalaan kita. Nagkamot muna siya sa ulo bago nagsimulang magpaliwanag.

"Umuwi kasi sila Ate Reign dito kasama yung asawa niya. Si kuya wave, naalala mo? (tumango ako) Hindi alam ni kuya wave na break na kami ni Charmaine kaya inimbitahan niyang pumunta dito sa probinsya para sana isurpresa ako. Late narin nalaman ni ate ang plano ni kuya wave kaya ito nakasunod dito si Charmaine sa probinsya"

"Eh ba't magkasama kayo ngayon?"

Hindi niya mapigilang ngumiti sa tanong ko kaya umismid ako.

"Hmmm! Nangangamoy selos ah"

"Aish! Sagutin mo nalang kasi"

"Hahaha kakagaling lang kasi namin sa sementeryo para magsindi, tapos gustong pumasyal ni Charmaine. No choice naman ako kaya heto nililibot ko siya"

"Ah! Pero ex mo ba talaga siya?"

"Oo. Pero baby alam mo naman na ikaw na ngayon ang nagmamay-ari ng puso ko diba? Pinagkakatiwalaan mo naman ako diba?"

"Jozh pinagkakatiwalaan kita pero ba't may ganun?"

"Ha? Anong ibig mong sabihin?"

"Kailangan ba talaga na nakakapit siya sa braso mo?"

"Hahaha wag ka na ngang magselos Baby. Mahal na mahal kita eh. Halika nga dito"

Lumapit ako sa kanya at hinalikan niya ang noo ko sabay yakap sakin. Hahaha bumabawi ang loko.

"Eh ba't kayo magkasama ng lalakeng yun?" tanong niya at kinalas ang pagkakayakap sakin.

"Duh! Si Dail yun. Yung pinsan ni Abbei"

"Alam ko. So bakit nga magkasama kayo? Nag date ba kayo?"

"Hahaha nagseselos ka rin yata eh" pang e-echos ko din sa kanya. Ba't parang kinikilig ako?

Always Be My Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon