Chapter 22

1.2K 45 1
                                    

Sa-Sa POV

Katatapos ko lang maghugas ng pinagkainan namin ng biglang may kumatok sa labas. Nagpalitan kami ng tingin ni Louie, dito rin kasi siya pinaghapunan ni lola. Pero uuwi narin naman siya mamaya. Si lola ay nasa taas na at naghahanda para matulog.

"Ako nalang Sa-sa" presinta niya at nagtungo sa pinto.

"Mimi ikaw pala yan" rinig kong bigkas ni Louie.

"O-oo. Si Sa-sa nandiyan?" lumapit ako sa kanila habang nagpupunas ng kamay.

"Nandito ako"

"Sa-sa" napatingin ako kay mimi na ngayon ay may dala-dalang paper bag at payong. Umaambon parin kasi.

"Oh mimi, gabi na ah"

"Oo nga eh, pinadala kasi ito ni nanay. Ang dami kasing natirang pagkain, kaya heto pagsaluhan niyo ni lola Minda" sabay bigay sakin ng paperbag.

"Haha si tita naman oh nag-abala pa. Salamat mimi ha"

"Wala yun, sige aalis na ako"

"Teka lang! Magpasama ka na kay Louie sa pag-uwi, gabi na kasi at baka mapano ka pa"

"H-ha? Wag na kaya ko naman eh"

"Hahaha wag ka na ngang mahiya. Sige na Louie samahan mo na siya, dapat maganda parin yan hanggang dumating sa bahay nila ha" napatawa si louei sa sinabi ko.

"Hahaha wag kang mag-alala Sa-sa, makakaasa ka sakin" nagsaludo pa ang loko.

"S-sige Sa-sa mauna na kami" tumango nalang ako at sinara na ang pinto.

Ang cute naman ni mimi. Napaghahalataan tuloy na crush niya si Louie. Duh! Syempre alam ko, childhood sweetheart kaya ang dalawang yan kagaya namin ni jozh. Oopss! Erase...Erase..!! Iwinaksi ko nalang sa utak ko ang aking naisip.

Ang sakit ng ulo ko at ang bigat ng katawan ko. Aishh! Pagod lang siguro 'to. Umakyat ako sa kwarto at nag half bath muna bago kumuha ng unan at dumiritso sa kwarto ni lola. Nakatulog na pala si lola, kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tumabi para matulog.

"Apo! Ba't ka nandito? Gusto mo bang tumabi sakin sa pagtulog?" Aish! Nagising tuloy si lola.

"Hihi Opo lola, miss na miss kaya kita" sabay yakap sa kanya.

Naalala ko noon na bago ako matulog ay nilalagyan muna ni lola ang leeg ko ng pulbo. Hahaha bakit kaya niya ginagawa yun? Hayy Ewan.

"Haha ikaw talagang bata ka oo. Sige na ipikit mo na yang mga mata ko"

Hayy! Ang sarap matulog kapag katabi ko si lola at habang umulan sa labas. Ang lamig tuloy, sana naman maganda ang tulog ko. Nagdasal muna ako bago ipinikit ang aking mga mata. Turo kasi sakin yan ni lola, buti naman at nadala ko hanggang pagtanda.

Kinaumagahan ay nagising akong mabigat parin ang katawan at ang init ng pakiramdam ko. Mukhang may lagnat siguro ako, pero kahit ganun ay nagpapasalamat parin ako dahil nagising ako. Kinapa ko ang gilid at naramdaman ko na wala na si lola, kanina pa siguro bumangon. Gising na ako pero hindi ko parin minumulat ang aking mga mata. Hahaha wala lang feel ko lang. Napahawak pa ako sa noo ng may naramdaman akong maginaw, towel na basa lang pala.

"Empire gising ka na ba?" dahil sa boses na yun ay napamulat ako. Anong ginagawa niya dito?

"A-anong ginagawa mo dito?" biglang akong napabangon. Mukhang bihis na bihis pa naman siya. Huhu sabog na sabog siguro ang buhok ko.

"Teka wag ka munang bumangon. Ang taas kaya ng lagnat mo"

"H-ha? Hindi, okay lang ako" itinali ko ang buhok at dumiritso sa banyo. Bumaba narin naman ako pagkatapos kahit pa sumasakit ang ulo ko.

"N-nasaan si lola?" tanong ko kay jozh na nakasunod sakin at inalalayan ako.

"Sa simbahan. Nag attend kasi siya sa misa ng Fiesta ng San Juan"

"G-ganun ba? Eh ba't ka nandito?"

"Nagsimba din kasi ako kanina. Eh nakita ko na hindi ka kasama ni lola minda. Tinanong ko sa kanya, sabi niya hindi daw maganda ang pakiramdam mo. Kaya pumunta kaagad ako dito pagkatapos ng misa"

"Tapos na yung misa? Eh bakit wala pa dito si lola?" kunot-noo kong tanong.

"Pinauna niya kasi ako dito. May gagawin pa yata silang dasal"

Tumango nalang din naman ako sa sinabi niya at dumiritso na sa kusina. Wow! Ang dami naman yatang ulam. Noon ngang bata ako, Softdrinks na royal at sky flakes lang kapag may sakit ako ay solve na eh Hahaha.

"Mag-aalmusal ka na? Teka umupo ka nalang muna diyan ako na ang bahala"

Sinunod ko ang sinabi niya dahil parang mabibiyak ang ulo ko sa sakit at ang bigat-bigat talaga ng pakiramdam ko.

Nang matapos akong kumain ay pinabalik niya kaagad ako sa aking kwarto at binigyan ng gamot at tubig. Napakunot-noo ako habang nakatingin sa gamot.

"Wag kang mag-alala, tinawagan ko kanina si ate reign kung anong gamot ang ipapainom sayo, nurse siya diba? Eh simpleng lagnat lang naman daw yan kaya ito nalang ang inumin mo" paliwanag niya. Hindi parin ako gumagalaw at nakatingin lang sa gamot.

"Wala ka bang tiwala sakin?" tanong pa niya.

"Uhmmm ano kasi..."

"Ano?"

Sasabihin ko ba? Eyy! Nakakahiya.

"Uhmmm.... H-hindi ako nakakalunok ng ganyang klaseng gamot"

Hindi kaagad siya nagreact pero napa-igtad ako ng bigla siyang humagalpak ng tawa habang nakatingin sa tabletang gamot na hawak niya. Bakit ba?! Eh tinutunaw kasi ni lola ang gamot ko bago niya ipainom sakin.

"Tsk! Wag mo nga akong tawanan. Lumayas ka na nga lang dito"

"Hahaha teka! hahaha hindi ko naman kasi inakala, nurse ka pa naman tapos hindi ka nakakalunok ng ganitong gamot hahaha" sapo na niya ngayon ang kanyang tiyan.

"Kainis ka! Sige ipagkalat mo pa"

Hinampas ko siya ng unan pero umilag ang loko habang tumatawa parin. Katuwaan talaga ako ng isang 'to. Tsk!

"Hahaha teka lang tutunawin ko lang ang gamot na 'to. Wag ka munang matulog okay?" sabi niya habang pinupunasan ang luha niya sa sobrang tawa.

Maya-maya lang ay bumalik siya na dala ang tinunaw na gamot. Ininom ko kaagad yun.

"Teka! Ba't ka nga pala nandito?"

"Empire diba pinaliwanag ko na kanina—"

"No.. What I mean is baka mahawa ka pa ng sakit sakin"

"Shhhh! Your worth catching the cold. Atsaka guilty rin naman ako kasi kahapon hinayaan kitang magpabasa sa ulan"

Guilty na naman?

"Hindi mo naman kasalanan yun eh. Ako kaya ang may gusto na maligo sa ulan"

"Tss! Guilty parin ako kasi ako ang kasama mo. Nakalimutan ko na sakitin ka pala at mahina ang resistensya mo. Kaya magpahinga ka na muna at babantayan kita"

Hindi na ako nakipag-away pa sa kanya at ipinikit ko nalang ang mga mata ko. Hoping that this pain will go away. Char! Hahaha mukhang broken-hearted lang ah. Hahaha nag e-english pala ako kapag may sakit. Napangiti nalang ako sa tumatakbo sa utak ko. Pero binabagabag talaga ako ng mabangong amoy ng lalakeng nasa loob ng kwarto ko. Nanunuot sa ilong.

Always Be My Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon