Chapter 17

1.2K 42 0
                                    

Sa-Sa POV

Kakaalis palang ng bus na sinasakyan namin at hindi parin ako iniimik ni jozh. Nakapikit lang siya pero alam ko naman na hindi pa siya tulog. Iniiwasan siguro akong kausapin ng mokong na 'to. Bumaling nalang ako sa labas ng bintana at hihintayin ko nalang na imikin niya ako. Pero mukha talagang wala siyang balak na kausapin ako. Huhu!

"J-jozh" tawag ko sa kanya pero 'ni hindi niya man lang ako tiningnan. Kinilabit ko siya dahilan para mapamulat ang mata niya.

"Uhmmm.. S-sorry na"

Aba! Hindi man lang nagsalita at ipinikit niya lang ulit ang kanyang mga mata. Huhu.

"Alam ko namang galit ka eh. Pero sorry talaga, nawala kasi sa isip ko na susunduin mo pala ako. At yung sinabi mo kanina, hindi naman kami nag d-date ni kuya Es-es eh. Ang totoo nga niyan may girlfriend—"

"Empire hindi ako galit sayo" putol niya sa sasabihin ko.

"Eh bakit hindi mo ako pinapansin o kinakausap? Sorry talaga dahil pinaghintay kita ng isang oras"

"Empire wala namang kaso sakin kung ilang oras akong maghihintay sayo. Kahit lalamukin ako kahihintay sayo ay aasahan mo na maghihintay parin ako, pero ipangako mo lang na dadating ka. At yung kaninang inasal ko? Sorry nag-alala lang naman ako sayo dahil nga wala ka pa sa napag-usapan nating oras. Sana naman itenext mo ako para hindi ako mag-alala diba?" dire-diretso niyang bigkas.

Napayuko nalang tuloy ako sa hiya. Kasalanan ko talaga eh.

"Sorry talaga"

"Okay na yun" he tap my head.

Nahihiyang ngumiti ako sa kanya. Hihi ang bait talaga ng lalakeng 'to.

"Pero hindi ko talaga akalain na pinagpalit mo ako kay Es-es na yun"

"Hindi naman eh, nakalimutan ko lang talaga. Atsaka si kuya es-es meron ng—"

"Shhh wag na natin siyang pag-usapan" napatahimik nalang ako sa sinabi niya. Naramdaman ko nalang na lumapit siya sakin at ipinatong niya ang ulo ko sa kanyang balikat.

"Sa ngayon ay matulog ka muna dahil malayo-layo pa ang byahe natin"

"H-ha? Eh paano ka?"

"Shhhh! Matulog ka na okay? Sige na ipikit mo ang mga mata mo. Magkita nalang tayo sa panaginip hahaha" binulong niya lang ang huli niyang sinabi.

Walang hiya talaga ang isang 'to. Hindi ko nalang siya pinansin at ipinikit ko na ang mga mata ko para makatulog.

Sa kalagitnaan ng pagtulog ko ay naramdaman ko na parang bumigat ang ulo ko at parang may nakapatong. Iminulat ko ang mga mata at nakita ko si jozh na nakatulog din pala. Tumingin ako sa labas ng bintana at malapit na pala kami. Aayusin ko na sana ang ulo niya sa balikat ko kaya lang ay nagising din siya.

"Nakatulog pala ako. Nandito na ba tayo?" sabi niya habang kinukusot pa yung mata niya. Awww! ang cute niyang tingnan.

"Malapit na"

"Ah! May muta ba ako?" inilapit ko naman ang mukha sa kanya at tiningnan ang mata niya.

"Wala naman"

"Buti ka pa meron hahaha ang dugyot mo empire hahaha"

Iniwas ko kaagad ang mukha sa kanya at dali-daling kinuha ang maliit na salamin ko sa bag. Langya! Wala naman ah. Ayun binatukan ko ang mokong na tawa parin ng tawa.

Always Be My Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon