Chapter 40

1.1K 43 1
                                    

Sa-Sa POV

All Souls Day na ngayon at ito rin ang araw na uuwi dito sa probinsya si tita chelle upang madalaw ang puntod ni lolo. Katatapos lang din naming mamalengke para sa lulutuin mamaya. Dito rin manananghalian si tita at hanggang ngayon ay wala pa kaming may nailuluto— ayy! Hihi Sila pala. Nakalimutan ko na hindi pala ako marunong magluto.

"Ate halika na. Kanina pa tumawag sakin si mama na nakarating na daw sila sa terminal dito sa San Juan"

"Ha? Eh teka wala pa tayong pantanghalian"

"Hayaan mo na muna yan"

Napasunod nalang ako kay abbei. Tsk! Excited naman ng isang 'to. Eh ano namang kakainin namin mamaya? Bahala kayong magutom!

Pagdating namin sa terminal ng probinsya at natanaw ko kaagad si tita. Tumakbo papalapit sa kanya si abbei at yumakap pa. Hala! Grabe naman 'tong pinsan ko, mukhang ilang taon nawalay sa ina. Duhh! Sa-sa, isip bata nga diba? Natatawang lumapit ako sa kanila.

"Kanina pa kami dito! Ba't ngayon lang kayo?"

Narinig kong may bumulong sa likod ko. Nagsitindigan ang balahibo ko sa batok. Mukhang sinadya talaga niyang lumapit sa tenga ko. At pagalit pa ang pagkakabigkas niya.

Lumingon ako para tingnan kung sino. Pero paglingon ko ay si Dail pala. Omo! Ang lapit-lapit ng mukha namin. Wrong move Sa-sa! Grrr! Ba't ba kasi lumingon pa ako.

Nakita ko pa ang sumilay na ngiti sa kanyang mga labi bago siya nag step back. Natauhan ako kaya tumalikod ulit ako sa kanya at napatingin sa kanila tita at abbei. Kinabahan pa ako ng biglang ngumiti si abbei. Hala! Nakita niya kaya?

"Waaahh!! Kuya Dail nandito ka rin? Buti naman sumama ka kay mama"

"Hahaha sinama ko talaga siya anak para makapagliwaliw naman si Dail"

"Hahaha sana nga tita maaliw ako dito para hindi ko pagsisisihan na sumama ako" mayabang niyang tugon.

"Hahaha hindi talaga kuya, ipapasyal kita mamaya"

Mukhang masaya silang tatlo ah. Ako lang yata itong lutang parin. Buti nalang dahil mukhang hindi naman nakita kanina ni abbei ang nangyari.

"Sa-sa kamusta si mama?" tanong sakin ni tita chelle.

"Okay naman po, hinihintay na nga po niya tayo eh"

Umuwi narin kaagad kami. Hindi nga ako nagkamali, masayang-masaya si lola na makita ang anak niya. Bukod kasi kay mama— na wala na. Ay si tita chelle nalang ang nag-iisa niyang anak.

"Buti maayos kayong nakarating dito"

"Mama si Dail nga pala, pinsan ni Abbei" pakilala ni tita kay Dail, lumapit siya at nagmano kay lola. Hmmm! May respeto din pala ang isang 'to?

"Magandang tanghali po lola"

"Magandang tanghali din iho. Ang ganda naman ng mga mata mo"

"Salamat po" parang nahihiya pa niyang sambit.

"Sana maging masaya ang bakasyon mo dito sa amin. Nakalimutan ko pala na wala pa akong nailuluto, nagugutom na ba kayo?"

"Hindi pa naman po lola. Pwede po bang ako nalang ang magluto?" Sabi ni dail na kinabigla ko.

"Naku wag na iho, nakakahiya naman. Bisita ka namin kaya wag na. Maupo ka nalang diyan"

"Hahaha sige na mama, masarap magluto yang batang yan. HRM ang kurso niyan eh" pagsang-ayon ni tita kay Dail. Woah! Totoo?

"Oh sige ikaw ang bahala. Sa-sa tulungan mo itong bisita natin magluto"

Always Be My Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon