Sa-Sa POV
Another Friday na naman at kapag naaalala ko ang araw na ito ay napapangiti nalang ako. Uuwi kasi muna ako sa San Juan kung saan ang probinsya namin. Mamayang gabi na ako ba-byahe pagkatapos ng klase ko mamaya.
Ready na ako papuntang school ng may narinig akong sasakyan na pumarada sa harap ng apartment namin. Lumabas si jozh sa sasakyan niya na nagpangiti sakin.
"Good morning!"
"Ang ganda yata ng umaga mo empire"
"Hindi naman. Sakto lang haha"
"Nasaan pala si Abbei?" silip niya sa apartment.
"Ayon maagang umalis"
"Ganun ba? Sige pasok kana"
Pinapasok niya na ako sa kotse. Hahaha libre na naman pamasahe ko. Ewan ko ba sa isang 'to, palagi akong hinahatid-sundo. Minsan nga naisip ko na 'Hindi ba na le-late ang isang ito?' pangarap niya sigurong maging driver eh. Mahina akong natawa sa naisip ko.
"Parang iba ka yata ngayong araw?"
"Hahaha excited na kasi ako"
"Excited sa ano?"
"Uuwi kasi ako mamayang gabi sa San Juan"
"Ha? Ba't ka naman uuwi?"
"Syempre namiss ko na kaya si lola at isa pa naalala mo ba noong tumawag si louei?" lumingon siya sakin pero binaling din niya kaagad ang tingin sa kalsada.
"Ano nga pala yung pinag-usapan niyo?"
"Si lola yun, pinaki-usapan kasi siya ni lola na tawagan daw ako"
"Oh ano daw sabi ng lola mo?"
Napangiti ako habang sinabi ko sa kanya ang napag-usapan namin ni lola.
[Calling: Louei]
Sinagot ko kaagad ang tawag. Bihira lang kasi tumawag si louei at sigurado ako na importante ito.
"Hello Louie?"
[Hello sa-sa, kakausapin ka daw ni lola Minda]
"Ah sige, pakibigay kay lola" nawala siya sa kabilang linya. Maya-maya lang ay nagsalita na si lola.
[Hello apo?] Namiss ko ang boses ni lola. Hays!
"Lola? Kamusta po?"
[Mabuti naman ako apo, ikaw diyan? Kumakain ka ba ng maayos?]
"Oo naman lola. Ba't po pala kayo napatawag? Miss niyo na po ba ako lola? haha" paglalambing ko pa.
[Ay oo nga pala bago ko pa makalimutan, tumawag ako kasi malapit na ang fiesta dito sa San Juan. Umuwi ka naman dito sa probinsya. Mula kasi ng nag-aral ka diyan ay hindi kapa nakakauwi. Eh madalang ka pa namang tumawag. Miss na kita at mukhang miss ka narin ng mga kababata mo dito. Higit na ang nagmamay-ari ng cellphone na ito]
Ayy! Si lola talaga oh. Mukhang pinagkakanulo ako sa iba.
"Hahaha lola naman. Sige po uuwi po ako sa susunod na linggo"
[Sige apo. Ibibigay ko na ito kay Louie. Mag-ingat ka riyan]
Nawala na sa kabilang linya si lola at nagsalita si Louie.
BINABASA MO ANG
Always Be My Baby (COMPLETED)
Teen Fiction"Ako si Sassy Empire Alvarez, at ang isang Royal Joziah Ybasco ay hinding-hindi ko dapat mamahalin o kahit magugustuhan man lang" Yan! Tinatak ko yan sa puso't isip ko at sinilyuhan ng mahigpit, kinandaduhan ko rin upang hindi mawala sa puso't isip...