Sa-Sa POV
~After 3 years~
Madaling araw na at kalalabas ko lang sa hospital. Huling araw na din kasi ito ng internship ko or OJT bilang isang nursing student. Next week ay graduation na rin namin. Wahhh! All struggles will pay off.
Hindi rin madali ang ilang buwang pamamalagi sa hospital ha. Kailangan mong tiisin ang gutom, pagod, puyat, mga nag hi-hysterical na mga pasyente at etc. Pero what I love is yung nagpapakita ka ng care sa mga taong hindi mo naman kaano-ano. Oo nga trabaho naming alagaan ang may sakit pero nothing can take away the happiness when you see the patients smile kapag naging maayos ang pakiramdam nila.
Napadaan ako sa simbahan na malapit sa ospital at mukhang magsisimula na yung misa. Araw ng linggo kasi ngayon kaya madami-dami ang tao. Pumasok ako at buti nalang ay may upuan pa dito sa bandang likuran. Umupo ako since ilang tao pa naman siguro ang kasya dito.
Mukhang pipikit na ang mata ko sa sobrang puyat ng biglang mag-aama namin na pala. Itinaas ko ang dalawa kong kamay at hinawakan ang kamay ng matandang babae sa gilid ko. Napapitlag pa ako ng may naramdaman akong humawak sa isang kamay ko. Kinabahan ako kasi wala pa namang tao na nakaupo sa kaliwa.
"Good Morning baby"
Si jozh lang pala, ngumiti siya sakin na ginantihan ko rin ng ngiti. Ibinaling kaagad namin ang tingin sa harap ng altar.
"Peace be with you" sabi ng pari sa unahan.
Pinaharap ako ni jozh sa kanya at hinalikan ako sa pisngi. Sabay bulong ng..
"I love you baby"
"I love you too" ngiting sabi ko.
Mag-aapat na taon na kami this year. Ilang buwan nalang ang bibilangin kasi araw na ng marso ngayon kung saan ito rin ang buwan ng graduation namin. Madami narin ang aming napagdaanan pero keri lang.
Si jozh? Ayun sweet parin PALAGI. Hindi lang tuwing monthsary, anniversary o espesyal na okasyon kundi PALAGI. Suki narin pala kami sa photobooth sa mall hahaha wala lang. Trip lang namin—ayy! Trip niya lang pala. Palagi niya rin akong sinu-surprise hahaha hilig niya talaga sa sorpresa. Hmmm! Kailan kaya ang perfect timing para ako naman ang gumawa sa kanya 'nun? Hihihi mapag-isipan nga.
Ang pino-problema lang namin ngayon ay ang oras namin sa isa't-isa since busy na rin kami sa kanya-kanyang trabaho. Minsan na lang kasi kami magkita dahil hindi maganda ang schedule naming dalawa. Pero kaya pa naman basta ba walang bibitaw.
"Paano mo nalaman na nandito ako?" tanong ko ng matapos na ang misa at ngayon ay papalabas na kami ng simbahan.
"Papunta na sana akong ospital para sa last day ng duty ko ng makita kita. Since may ilang oras pa naman ako bago magsimula ang trabaho ay dumaan na muna ako. Hahaha kilalang-kilala kita kahit pa nakatalikod ka"
"Hahaha sige na baka ma-late ka pa"
Umiling siya.
"Ihahatid muna kita"
"Wag na. Diba may duty ka pa?"
"Sige na baby, minsan na nga lang tayo magkita. At para makasigurado din akong safe ka pag-uwi"
"Okay lang talaga baby. Tatawagan nalang kita pag-uwi ko"
"Baby naman" nakanguso niyang sambit.
"Hahaha sige na, last duty na din naman natin eh. Pagkatapos nito ay magkikita ulit tayo. At madami na tayong time sa isa't-isa"
"Sigurado ka?" tumango ako sa kanya at ngumiti pa.
BINABASA MO ANG
Always Be My Baby (COMPLETED)
Teen Fiction"Ako si Sassy Empire Alvarez, at ang isang Royal Joziah Ybasco ay hinding-hindi ko dapat mamahalin o kahit magugustuhan man lang" Yan! Tinatak ko yan sa puso't isip ko at sinilyuhan ng mahigpit, kinandaduhan ko rin upang hindi mawala sa puso't isip...