Sa-Sa POV
"Alam mo kuya jozh kanina habang nasa school ako ay tinanong sakin ni Kuya Es-es kung nasan si Ate Sa-sa"
"Shhhh!!!! Hinaan mo ang boses mo natutulog pa si Empire... Atsaka ba't kuya ang tawag mo sa lalakeng 'yun? Diba sabi mo ako lang ang kuya mo?"
"Ay Oo nga pala. Hihi nakalimutan ko"
"Oh anong sinabi mo sa kanya?"
"Sinabi ko sa kanya na masama ang pakiramdam ni ate, hiningi niya pa nga sakin ang number ni ate eh"
"Binigay mo ba?"
"Hindi 'no. Loyal kaya ako sayo. Nasa sayo parin boto ko"
Nagising ako dahil sa dalawang tao na nag-uusap dito sa loob ng kwarto ko. Kainis! Hindi man lang ba sila aware na may natutulog dito? Pagmulat ko ay nakita ko si jozh at abbei na nag-uusap. Mukhang seryoso pa naman sila. Tsk! Sana sa labas nalang sila nag-usap pati pagtulog ko tuloy ay naistorbo.
"Empire gising ka na pala"
"Salamat dahil ang iingay niyo, Yan tuloy nagising ako. Tsk!"
Nakakairita talaga. Mga walang respeto. Napatingin ako kay abbei ng humalakhak siya.
"Ba't nandito ka? Diba may klase ka pa? Wag mong sabihin na mag ha-half day kalang? Tinatamad ka na naman ba?"
Hindi ako pinansin ni insan at lumapit pa kay jozh at may binulong habang nakatingin sakin at parang natutuwa pa.
"Kuya pagpasensyahan mo na muna. May dalaw kasi, yan tuloy ang bilis mainis. Pero mabait naman yan, pagtyagaan mo na muna. Hahaha"
"Hindi ka talaga marunong bumulong 'no? Dinig na dinig ko kaya. Mag chi-chismis ka na ngalang ipaparinig mo pa" pagsisinghal ko sa kanya.
"Hahaha aalis na nga ako. Umuwi lang talaga ako para kamustahin ka. Pero hindi na naman pala kailangan dahil mukhang ayos kana, nang-aaway kana nga eh. Hahaha at saka nandito naman ang pogi mong nurse eh kaya sigurado akong maayos na ang pakiramdam mo. Hahaha . Kuya jozh ikaw na ang bahala kay Ate Sa-sa. Good luck. Hahaha ba-bye ate. Ingat sakin" pagkatapos sabihin ni insan 'yun ay nagmamadali na siyang umalis.
Tsk! Isip bata talaga. Hinayaan ko nalang siyang umalis dahil kaya naman niya ang sarili niya kahit pa isip bata yun.
Teka! Anong oras na ba? Napatingin ako sa orasan na nasa bedside table ko. Omo! Past 1pm na pala. Kaya naman mukhang nagugutom na ako. Tumayo ako para pumuntang kusina nang bigla akong tulungan ni jozh. Inalis ko kaagad ang kamay niya na nasa likuran ko dahilan para mapakunot-noo siya.
"Wag ka ngang lumapit sakin. Kaya ko ang sarili ko. Parang pinagmumukha mo naman sakin na mahina ako"
"Teka empire— "
"Manahimik ka nga. Nakakairita yang boses mo"
Ako kasi ang klase ng babae na kapag dinadatnan ay hindi nangangailangan ng kung ano-ano. Just shut the f*ck up!
Dumeritso ako sa kusina at saktong-sakto dahil madaming pagkain. Nilantakan ko na kaagad yun at woahh ang sarap naman nito. May inilapag na ice cream si jozh sa harap ko at feeling ko ay biglang nag heart shape yung mata ko. Waaaaahhhh! Ice cream my labs!
"Jozh kumain kana ba? Halika dito sa tabi ko" ti-nap ko ang katabing upuan, nakangiti umupo siya.
"Past one na diba? Ba't di ka pa kumain?"
BINABASA MO ANG
Always Be My Baby (COMPLETED)
Fiksi Remaja"Ako si Sassy Empire Alvarez, at ang isang Royal Joziah Ybasco ay hinding-hindi ko dapat mamahalin o kahit magugustuhan man lang" Yan! Tinatak ko yan sa puso't isip ko at sinilyuhan ng mahigpit, kinandaduhan ko rin upang hindi mawala sa puso't isip...