Chapter 26

1.2K 46 2
                                    

Sa-Sa POV

4:30 am palang ay nandito na kami sa terminal ng San Juan. Alas singko ng umaga kasi ang first trip dito papuntang maynila. Kasama ko si jozh ngayon, wala nga sana akong balak na sumama sa kanya. Plano ko kasing paunahin nalang siya dahil sa nangyari kagabi kaya lang ay ginising talaga niya ako at siya pa ang nag empake ng bagahe ko.

"Ayeeiii!! Sa-sa balita ko nililigawan ka na nitong anak ko ha" nakalimutan ko pala na kasama namin si tita lucy. Ang supportive, siya pa talaga ang naghatid samin dito.

"Hahaha Ma, wag ka namang ganyan kay Sa-sa baka mamaya niyan hindi niya pa ako sasagutin" sabat ni jozh.

"Haha Sa-sa sa ngayon ay nililigawan ka palang ng anak ko pero sana naman pagbalik niyo dito ay girlfriend ka na niya" napangiti nalang ako kay tita. Yun ngiting awkward.

"S-sige po tita, sasakay na po kami ng bus"

"Sana mama nalang itawag mo sakin. Hahaha kayong mga bata talaga, kinikilig ako sa inyo. Hahaha lagi niyong tatandaan na kahit anong mangyari ay wag niyo munang gawin yung bagay na yun ha, mag-asawa lang ang gumagawa 'nun" nagkatinginan l kami ni jozh dahil sa sinabi ni  tita.

"Naiintindihan niyo naman ang sinabi ko diba? Hahaha sige na. Mag-ingat kayo ha, jozh ingatan mo ang itong nililigawan mo" naku tita kahit hindi niyo po sabihin ay naiintindihan ko.

Jusko! Hindi pa ako ready maging batang ina. Baka palayasin pa ako ni lola ng wala sa oras. Hinalikan niya muna kami sa pisngi ni jozh bago kami pinasakay sa bus.

"Pagpasensyahan mo na si mama ha" sabi niya ng maka-upo na kami sa bus.

"P-paano naman niya nalaman na nililigawan mo ako?"

"Kinilig ako eh, yan tuloy na sabi ko kay mama na nililigawan kita hahaha"

"Tsk! Pinahintulutan na ba kitang manligaw?" napangiti siya at lumapit sakin sabay bulong...

"Hindi naman ako humihingi ng permiso mo eh hahaha. Kahit ayaw mo ay liligawan parin kita"

Napaiwas ako ng tingin sa kanya at pasimpleng ngumiti. Enebeee!! Ba't ba ang sweet niya?

"Alas singko palang ng umaga empire, matulog ka muna" napahikab ako dahil sa sinabi niya.

"Mukhang hindi ka yata nakatulog kagabi. Siguro dahil sa sinabi ko sayo 'no? hahaha" nanlalaki ang mga mata kong napatingin sa kanya. At ang walang hiya, may naglalarong nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

"Heh! Ang lakas mo talagang mangtrip 'no? Atsaka ano ba'ng nakain mo kagabi at kung ano-ano ang pinagsasabi mo? Humihithit ka na ba ngayon ng drugs? Adik ka na ba?"

"Hahaha empire naman, ang sakit mo namang magsalita. Mahal kita okay? Ikaw kaya may kasalanan nito. Ano ba kasing pinakain mo sakin at adik na adik ako sayo? Hahaha"

"Manahimik ka nga diyan" lumingon nalang ako sa bintana at doon itinuon ang atensyon ko. Huhuhu mukhang namumula na naman at pisngi ko. Teka! Nireregla ba pati ang pisngi?

"Empire pangit ba ako?" binalingan ko siya kaagad at kumunot-noo.

"H-ha?"

"Ba't kasi sa iba mo binabaling ang mata mo? Sakin ka lang tumingin okay? Narinig mo na ba ang kantang 'Sabi na sayo' by ella cruz?" mas lalo napakunot ang noo ko.

"Tingin sa katabi baka siya na kasi. Oh diba, Oh diba sabi na sayo eh~~ (Kanta pa niya habang nakatingin sakin) Diba ang ganda ng lyrics?"

"Jozh"

"Hmm?"

"Maayos pa ba ang pag-iisip mo?" seryoso kong tanong sa kanya habang nakakunot ang noo. At ang walang hiya ay tinawanan lang ako.

"Hahaha empire ano ka ba. Pick up lines yun. Dapat kiligin ka" sabat niya.

"Ah ganun ba? Edi sige kumanta ka ulit at kikiligin naman ako. Take 2, starts now"

Literal na kinanta talaga niya ulit at parang natatawa pa. Hahaha loko-loko talaga ang lokong 'to. Panay tawa lang din naman ako.

"Hahaha akala ko ba dapat kikiligin ka?"

"Eh hindi naman nakakakilig eh. Nakakatawa kaya hahaha. Mukha kang timang"

"Ay ang daya mo naman. Gusto mo kumanta ulit ako? Pero this time dapat kiligin ka na talaga. Hahaha take 3, starts now"

Kumanta na naman ang loko. Habang ako ay nakahawak na sa tiyan sa sobrang kakatawa. Mukha lumuha pa talaga ako habang tumatawa.

"Hahaha Enebe kenekeleg eke!" pagsabay ko sa trip niya. Hahaha mukhang timang na tuloy kaming dalawa. Lakas ng trip eh.

"Hoyyy!!!! Kung ayaw niyong matulog ay magpatulog kayo. Ang aga-aga ay naghaharutan na kayo. Mahiya naman kayo, nasa pampublikong sasakyan tayo" napatingin kaming dalawa sa lalakeng nasa unahan namin na ngayon ay nakatingin samin ng masama. Hala!

"Hahaha pasensya na kuya, inlove lang hahaha" tinakpan ko kaagad ang bibig ni jozh dahil sa sinabi niya.

"Hihi sorry na po kuya. Mananahimik na po kami" hinging paumanhin ko. Wag mo naman kaming patayin sa tingin kuya huhu.

Inalis ni jozh ang palad ko na nakatakip sa bibig niya kaya pinanlakihan ko siya ng mata. Na parang binabalaan ko na wag ng mag-ingay at baka pareho kaming masapak ni kuyang nasa unahan na ang bitter yata. Hahaha lol!

Nagitla ako ng bigla niyang hinalikan ang mata ko, dahilan para mapapikit ako kaagad.

"Ayan, hindi na malaki ang mata mo. Ang laki na nga niyang eyebags mo tapos palalakihin mo pa yang mga mata mo. Hahaha sige na matulog ka na dahil maaga pa naman" ididilat ko na sana ang mga mata ko kaya lang ay bigla na naman siyang nagsalita ulit.

"Oooopss! Wag mo nang tangka-in na idilat pa yang mga mata mo. Baka mamaya, yang labi mo na halikan ko hahaha.." binulong niya lang ang huling sinabi niya pero feeling ko ay ang lakas-lakas ng tama sakin.

Tinakpan ko kaagad ang aking labi ng dalawang kamay. Hah! Dalawa talaga. Huhuhu baka mamaya niyan ay totohanin niya ang sinabi niya, mahirap na.

Shhhh... Mister heart manahimik ka nga diyan ba't ba kasi ang lakas-lakas ng kabog mo, parang tumatambol pa yata. May fiesta ba diyan sa loob ng katawan ko? Nagsasaya ba kayo ng mga organs ko diyan? Pwes! Manahimik kayo!!!

Always Be My Baby (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon