Entry #2: Sorry

134 4 8
                                    

SORRY

"Trust me Vivianne. Hindi ko sya hinalikan! Sya ang humalik sa akin and I never kissed back. It's not what you think" Pagpapaliwanag ni Nelvin sa akin.

Tumawa ako ng mapait. "Ine-expect mong maniniwala ako sayo?! Kitang-kita ko na naghahalikan kayong dalawa. On the spot ko kayang nahuli, Nelvin. At alam mo yung masakit? Yung tinanong kita ng ilang beses kung may nararamdaman ka pa para sa kanya, sabi mo wala na and all of a sudden makikita kitang nakikipaghalikan sa kanya!" Damn it. Pakiramdam ko malapit ng tumulo ang luha ko.

No Vivianne. Hindi ka dapat umiyak sa harap ng taong niloko ka. Kailangan mong ipakita sa kanya na malakas ka. Na kahit niloko ka nya ay hindi mawawasak ang pagkatao mo.

Humakbang sya palapit sa akin. Umatras ako dahil ayokong madikit ang anumang bahagi ng katawan nya sa akin.

"Vivianne please. Nakikiusap ako sayo. 'Wag kang gumawa ng eskandalo dito. Nakakahiya. Let's talk in private" Bigla nya na lang hinablot ang wrist ko pero agad ko ding binawi.

"Bakit ha?! Kasi ayaw mong malaman nila na nakikipaglandian ka habang pinapanood ka ng girlfriend mo? Ayaw mong mag-eskandalo ako dito kasi mapapahiya ka? Sa tingin mo ba hindi nakakahiya na nakikipaghalikan ka sa EX mo habang ako NA GIRLFRIEND MO nahuli kayo sa akto!"

"Vivianne please. Listen to me first, una hindi ko talaga sya hinalikan and second---" Hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita nya dahil isang malakas na sampal ang binitiwan ko sa kanang pisngi nya.

"Magsama kayo ng EX mo!" Mabilis akong tumakbo papunta ng comfort room. Pumasok ako sa isang cubicle at tahimik na umiyak.

I don't want anyone to hear my cries. Ayokong iparinig o ipakita sa kung sino man na umiiyak ako. I was known to be a cheerful and strong one. Ayokong isipin nila na naging mahina ako dahil lang sa isang lalaking niloko ako.

Damn you, Nelvin! Ngayon mo pa talaga nagawang lokohin ako? Ngayon pa talaga na malapit na tayong mag-aniversary?! Ang kapal ng mukha mong letse ka!

After 15 minutes ng pag-iyak, huminto na ang pagpatak ng luha ko. Lumabas ako ng cubicle at nag-retouch. Ayokong magpahalata na umiyak ako. Ayokong ipahalata na nasasaktan ako.

Pumasok na ako para sa last subject. Nagdi-discuss ang teacher sa harap pero nakatingin lang ako sa notebook ko habang nagsusulat ng kung ano-ano. I can't focus. Naaalala ko pa rin yung scene kanina sa likod ng CR habang naghahalikan silang dalawa. Nakakadiri! Hindi man lang sila nahiya at doon pa sila naghalikan.

Nakita ko ang pagpasok ng isang babae. Isang babaeng akala mo espasol ang pagmumukha dahil sa polbo. Napaka-arte talaga. At may gana pa talaga syang pumasok sa klase matapos ko silang mahuling dalawa ni Nelvin na naghahalikan. Ang kapal ng mukha nyang magpakita sa akin. Ang kapal ng mukha nya na pumasok na lang kung nasaan ako na para bang walang nangyari.

Si Klaire. Sya lang naman yung malanding kahalikan ni Nelvin na EX nya. Sya lang naman yung naging karelasyon ni Nelvin for almost 3 years at pilit pa ring naghahabol kay Nelvin. Napaka-landi talaga ng babae na 'yan!

Humanda ka sa akin mamaya.

Mabilis na lumipas ang oras at uwian na. Mabilis akong naglakad para sundan si Klaire. Naabutan ko sya sa parking lot ng school habang papasok ng kotse.

Hinablot ko ang kamay nya at pinilipit ito.

"What do you want?!" Kunot-noo at inis na tanong nya sa akin.

"Ang kapal ng mukha mo!" Akmang sasabunutan ko na sana sya pero nasalo nya ang kamay ko.

"Hindi ko alam ang pinagsasabi mo, Vivianne"

VOLUME 1: TEENAGE DREAMSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon