TEXT
Napuno ng tawanan ang paligid nang may madapa sa kanilang harapan.
"Ano ba 'yan, AG, hinawakan lang kita tumalsik ka na?" tumatawang sabi ni Corbel-isa sa mga kaibigan niya.
"Tatalsik talaga 'yan, ang liit, e." gatong naman ng isa pa niyang kaibigan at pinsang si Yagu.
"Poor girl, sinabi ko na kasi sa iyong lumayas ka na rito school 'di ba? "singhal ni Therese-ang itinuturing naman niyang best friend at kasintahan ng pinsan niyang si Yagu.
Madali para kay Therese na paalisin sa eskuwelahan si AG dahil pag-aari ng pamilya nito ang pribadong eskuwelahan na iyon na kanilang pinapasukan.
"O, pampunas sa oily mong noo!" ani muli ni Therese bago inihagis sa nakasubsob na kaklase ang facial tissue. Pagkatapos humakbang na ito hawak ang kaniyang kamay, sumunod na rin sina Corbel at Yagu sa kanila na tumatawa pa rin.
Nilingon pa niya ang kaklase, parang naawa kasi siya rito dahil dumudugo ang noo nito. Pero naiinis rin siya, ayaw kasi niya sa personality nitong 'weak'.
"Dana, rank 2 ka na lang sa math?" hindi makapaniwalang tanong ni Therese matapos sabihin ng kanilang guro sa mathematics na second to the highest lang siya dahil ang highest ay si Apple Grace o AG kung tawagin nila. Lampa at payatot lang ang transferee na iyon pero mahusay pala ito sa math? Naagaw ang kaniyang trono? Hindi siya makapaniwala at lalong hindi niya matanggap. Dahil doon mas lalo niya itong kinaisan.
"Huwag kang mag-alala, gaganti tayo." bulong sa kaniya ni Corbel matapos siyang tabihan.
"Anong gagawin mo?"
Napangisi lang ang kaibigan na alam niyang may paghanga sa kaniya subalit hindi makaporma dahil palagi itong pinagbabantaan ng kaniyang pinsan.
Alam niyang hindi tama na maghiganti pero gusto niyang makaganti sa nang-agaw ng kaniyang trono.
Sa computer room isinagawa ni Corbel plano nito. Nang pumunta sa rest room ang patpating kaklase ay mabilis na kinuha ni Corbel sa bag nito ang cellphone at itinago sa kaniyang bag.
Kinabahan man siya pinilit pa rin niyang maging kampante nang bumalik ang kaklase na nakaupo lang malapit sa kanila.
Nang matapos ang klase nila, mabilis siyang hinila ng Corbel palabas kasama nina Yagu at Therese.
Kumakain na sila sa canteen nang biglang sumulpot sa kanilang harapan ang mangiyak-ngiyak na si AG.
"Ibalik niyo ang cellphone ko."
Napatikhim si Corbel samantalang humigpit ang hawak niya sa kaniyang bag.
"Anong pinagsasabi mo? Wala sa amin." sagot ni Yagu.
"Kayo lang ang nangti-trip sa akin araw-araw kaya alam kong nasa inyo. Please, ibalik niyo na!" Hinampas pa nito ang mesa na kanilang pinagkakainan. Kaya napatayo si Therese at hinarap ito.
"Bintangera kang payatot ka! Ano na naman ang gagawin namin sa cellphone mo, e makakabili kami no'n kung gusto namin? Hindi mo kami katulad na kaya lang nakapasok sa private school dahil scholar?!" singhal ni Therese bago inaya na silang umalis at lumipat na lang ng table. Malamang na sabihin iyon ni Therese dahil hindi pa nito alam na nasa bag nga niya ang cellphone.
"Ibalik niyo ang cellphone ko, kahit araw-araw niyo akong pag-trip-an okay lang, basta ibalik niyo lang iyon, nakikiusap ako. Palalayasin ako ng mama ko kapag nawala ko 'yon!" Nagmamakaawang habol nito. Balewala na rito kung patuloy pang pagmasakitan ng mga kaharap basta maibalik lang ang bagay na hiniram lamang nito sa ina para gawing calculator sa math dahil nasira na ang calculator nito.
BINABASA MO ANG
VOLUME 1: TEENAGE DREAMS
Short StoryLITERARY OUTBREAK: SAVE OR DIE ONE SHOT WRITING CONTEST (SEASON 3) Volume 1: Teenage Dreams